Share

Chapter 02

"Oh, ayan na pala sila." Dinig kung sabi ni ma'am at sinalubong kami na may ngiti sa labi.

Her smiles makes me smile, too. Parang may gayuma ang ngiti ni ma'am Diana na magugulat ka na lang napapangiti ka na rin. Iba s'ya sa lahat ng teacher, she's hyper one, friendly rin. Siguro dahil hindi malayo ang taon n'ya sa 'min, 21 years old pa lang s'ya pero isa na siyang ganap na guro.

May mga bumu-bulong-bulong naman na baka sini-sip-sipan ko si ma'am kaya gano'n, pero sinaway sila ni ma'am 'judging someone is like judging god' napangiti ako do'n. Ma'am Diana told me to prove myself this time, dahil matagal kung hinayaan na isipin nilang kapit lang ako sa mga matatalino.

Breaktime na namin at naiwan akong mag-isa sa room, kaso lang napatingin si ma'am sa akin at 'tsaka ako nilapitan.

"'Di ba sabi ni ma'am prove yourself? show them na mali ang iniisip nila. Be yourself Katana," sabi niya.

Tinapik niya ang balikat ko at lumabas nang classroom namin, kaya ko ba? baka husgahan nanaman nila ako. Napatingin ako sa nag-abot sa 'kin ng cup na maylamang kikiam at fishball.

"Hindi ka kasi lumabas kaya I bought you," she said.

Kinuha ko naman yon at nginitian siya, maybe ma'am Diana's right. Kailangan ko lang pagkatiwalaan ang sarili ko tapos pagkatiwalaan ang iba, 'be yourself katana' ma'am Diana's voice echo.

I nodded. I will.

"Katana? bakit ka tumatango jan?" tanong ni Vivian sa tabi ko.

"I realize something," sabi ko.

Binigay naman niya ang buo niyang atensyon sa 'kin. "Ano?" tanong niya.

"Tara, sa canteen tayo libre ko." Hinila ko na s'ya kahit hindi pa siya nakakasagot.

Black beauty si Vivian at iwan ko kung bakit binu-bully siya e mas maganda pa nga siya sa mga clown kung classmate dati sa elementary.

'judging someone is like judging god'

Ma'am Diana's voice echo again into my ears.

Huminga ako ng malalim at hinila na lang si Vivian kita maki-pag-sagotan sa mga nang-aasar sa kaniya. Why people easily judging someone they don't know? bakit gano'n ako minsan?

I have a reason.

"Anong gusto mo?" tanong ko.

"Kahit ano, ano kaba ikaw na nga manglilibre tapos mag iinarte pa ba ako?" tanong niya.

Ngumuso ako at hinatak siya sa mga bagong lutong turon. Tinanong ko naman siya kung gusto niya 'yon at um-oo naman siya kaya bumili ako ng anim, tigtatlo kami.

Masayang kausap si Vivian dahil tulad ni ma'am Diana ay hyper rin siya at hindi nauubosan ng kwento tungkol sa school niya dati sa Aponit.

"Oo, grabi talaga! tapos alam mo yung mga nang-aasar sa akin? mga kaklase ko 'yon dati no'ng elementary ako," sabi niya.

Nag-pay-pay siya ng sarili niya gamit ang note book niyang si cinderella ang cover.

"Ang init naman dito, gosh." Tumawa ako.

She's funny dahil umaakto pa siyang init na init at kulang na lang ay hubarin niya ang damit niya para ma-pay-payan ang loob ng katawan niya.

Tinulungan ko naman siyang mag-pay-pay.

"Thanks," aniya.

Tumango lang ako, hindi lang naman kaming dalawa ang nasa loob ng room, nandito rin si Trace Xydric Cardenas pero may sarili namang mundo.

"Ay, Zed." Tumingin sa amin si Trace.

Napatingin naman ako kay Vivian na nakangiti kay Trace, maybe classmates niya si Trace dati?

"Akala ko hindi ka mamansin," sabi niya dito.

Ngumiti lang ng tipid si Trace bago bumalik sa binabasa niyang book. Hinila ako ni Vivian papunta sa kung saan si Trace.

Bali tabi si Vivian kay Trace at ako naman ay nasa tabi ni Vivian, nasa gitna namin ni Trace si Vivian na nakikibasa rin sa binabasa ni Trace.

"Hala may kissing scene," sabi nito.

Tiniklop naman ni Trace ang book niya at tinignan kami ni Vivian. Umiwas ako ng tingin. Partner ko siya sa mga magiging activities namin.

"Zed si Katana." Tumingin naman sa 'kin si Trace.

"I know," sabi niya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya.

"Kalie na lang for short Vivian," sabi ko.

Tumango naman si Vivian bago tumingin uli kay Trace, maybe she like Trace? or close lang talaga sila?

May binulong si Vivian kay Trace bago kami umalis at bumalik sa upuan namin. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga book na kinuha ko sa library no'ng bago ang pasukan, pinayagan naman ako dahil gusto ko mag-advance lesson.

Simula no'ng kinuha ko 'to ay halos makalahati ko na kaya umabot na ako sa story ng Ibong Adarna by José dela Cruz.

Ang Ibong Adarna na sinasabing isinulat ni Josè de la Cruz ay nakasentro sa isang ibon na may angking kakayahan na magpagaling ng may sakit sa pamamagitan ng kaniyang awit. Ipinapakita sa kwentong ito ang mga pagsubok na kayang pagdaanan ng isang tao alang-alang sa pagmamahal, sa pamilya, at sa taong iniibig.

"Advance lesson?" napatingin ako sa nag-tanong sa gilid ko.

Nakita niyang nagulat ako kaya naman bahagya siyang lumayo at kinagat ang labi niya, at nahihiyang binalingan ang note book niya sa armchair.

"O-Oo," sagot ko.

Natahimik kami kaso habang parehas na binabasa ang mga libro namin sa armchair. Hindi ko namalayan na lumipat na pala siya sa tabi ko kanina dahil tutok na tutok ako sa binabasa ko. Kanina ay ina-sign ni ma'am Diana ang upuan namin by partners and since he's my partner siya ang katabi ko.

Kumuha ako ng papel at nag take note ng mga magyayari sa Ibong Adarna in case na maaga kaming pag-actingin.

Nilabas ko ang one whole ko at nag take note do'n ng tahimik, tahimik rin naman ang katabi ko, at tutok na tutok rin sa binabasa niya.

Same lang kami.

Nagkakasikuhan pa kami minsan at magkakatinginan at mabilis ring mag iiwas dahil nakakapaso ang bawat titigan namin, what? nakakapaso? anong words 'yan Kalie?

Inusod ko ng unti ang upuan ko palayo sa kaniya para hindi na kami magka-bunguan kapag gagalaw kami, bakit kasi ganito ang upuan? gilid to gilid ang armchair? Hays. Sumandal ako sa armrest ko at tinitigan kung ga'no kahaba ang tinake-note ko dahil sa dami kung ini-isip! Hindi na take note 'yan Kalie! Sinulat muna ang buong buod!

Kinahaponan ay nauna akong lumabas dahil hindi naman ako cleaners monday pa lang ngayon at ang row namin ni Trace ay sa friday pa, dahil parehas kaming matangkad ay sa likod kami nilagay.

"Kalie!" sigaw ng kung sino.

Napatingin ako sa likod ko. Si Trace lang pala, at napatingin 'ko sa hawak niyang libro. Wait sa akin ata 'yon. Kinapa ko ang bag ko at walang libro do'n at tinignan si Trace.


"Akin yan?" tanong ko.

Tumango naman siya. Kinuha ko yon at nagpasalamat, sabay kaming naglakad at may mga istudyante pang napapatingin sa 'min habang sabay na naglalakad. Pasimpli ko naman siyang tinititigan habang cool na cool na naglalakad.

Pansin ko ring ang tangkad niya dahil hanggang balikat niya lang ako. Well, sabi nga nila madalang ang pandak na lalaki. He's tall and handsome, I wondering if may babae na bang nagpatibok sa puso niya? and why the hell you will wondering that kind Kalie? Ano bang pake mo?

"Stop staring woman, masama daw 'yon." Natauhan naman ako at binilisan na ang paglalakad pero nakakahabol pa rin siya.

Napatingin ako sa kaniya dahil hindi siya tumigil sa mga istudyante na nag-aabang sa bungad ng papasok sa eskwelahan. Sinabayan niya pa rin ako at hindi tulad ng ibang naglalakad ay maiingay, kaming dalawa ay tahimik lang na parang may angel na nasa paligid namin.

Tumigil ako kasi hindi ko namalayang nakalampas na pala ako sa bahay. Napatigil rin siya at tinignan 'ko, kinunutan niya 'ko ng nuo.

"Dito lang ako," sabi ko.

Tinuro ko naman ang bahay namin at tumango naman siya, at may dumaang tricycle at sumakay na siya ro'n. Pinanuod kung makalayo ang sinakyan niya bago pumasok sa bahay namin.

Napatingin ako sa ceiling ng kwarto ko habang pinaglalaruan ang daliri ko, never kung naramdaman ang pagkailang sa isang tao siguro dahil malayo naman kasi ako sa mga ibang istudyante no'ng elementary ako. Ang kaharap ko lang dati ay libro at note book at 'tsaka lapis.

Bumuntong hininga ako.

Kinabukasan ay maaga 'kong pumasok at halos wala pa ring mga istudyante, Iilan pa lang ang naro'n at isa do'n si Trace na nakasalampak sa sahig na malapit sa pinto ng room namin.

Kinuha ko ang susi na binigay ni ma'am Diana sa 'kin kahapon bago siya umalis, ang sabi niya ay sa 'kin na n'ya ipagkakatiwala ang room dahil alam naman n'yang maaga akong napasok.

Ayaw niya daw kasing pag-hintayin ang mga mahal niyang istudyante, at nginitian niya pa 'ko at binati dahil sa pagiging totoo ko raw sa sarili ko at sa iba. Yes, I share some fact about me at kay Vivian 'yon. Tama kasi si ma'am Diana e why I am afraid? Takot na lang ba ang mararamdaman ko? Pwedi namang pawiin ang takot kung makipag-close sa iba.

Sinubukan kung itulak pero ayaw bumukas, Inulit ko pa ang pag-tulak pero ayaw talaga maybe mahina. Binaba ko ang bag ko sa gilid at sinu-sian ulit 'tsaka tinulak pero ayaw pa rin?! problema ba nitong pintong 'to?

"Ako na." Tinignan ko ang kamay ni Trace.

Binigay ko sa kaniya ang susi at siya naman ang nagsusi do'n at 'tsaka tinulak at ayon boom bumukas! Samantalanag ako ubos na lakas ko ayaw pa rin! May galit ata 'tong pinto sa 'kin, sipain ko s'ya. Kinuha ko ang bag ko at kinuha kay Trace ang susi at nilagay sa bag ko.

Pumasok na kami at nag-umpisang mag-bukas ng mga bintana para lang nag-bubukas ng store. Nag-walis-walis na rin ako at inayos ang kalat-kalat na upuan. Napatingin naman ako sa ceiling ng may tumiktik ro'n, akala ko butiki lang pero malaki 'yon! nataranta ako at biglang tumalon dahil nahulog 'yon sa tinutong-tungan ko. Ang buong akala ko ay mahuhulog ako pero may sumalo sa 'kin.

"Trace."

"Takot ka pala sa tuko," sabi niya at binaba na 'ko.

Malamang nakakatakot kaya ang malaking Lizard!

___________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status