Share

Hide and Seek (TAGLISH)
Hide and Seek (TAGLISH)
Author: Dreamerr

Chapter 01

I hold my book tightly habang papasok sa school, nakapasok na ako ilang beses dito no'ng elementary pa lang ako. At nakaka-kaba pala pag dito ka na papasok sa araw-araw.

Pumasok ako sa classroom namin, 7-DG ako, name ng teacher daw yun short cuts lang.

"H-hello," sabi no'ng katabi ko.

Ngumiti naman ako, wala akong kilala sa mga classmates ko, ang iba'y galing sa ibang school. Sa Aponit, Talang at Bani.

"Hello." Nagbuklat rin siya ng book na kinuha niya ata sa library ng school.

"Galing 'kong Aponit. Ikaw dito ka talaga?" tanong n'ya.

Tumango naman ako, since kindergarten ay dito na talaga ako. 'Di ako dito pinanganak pero dito na ako lumaki, sa lola at lolo ko.

Nasa Cavite sila mama't papa para mag-trabaho para pag-aralin ako. Dapat nga ay dun ako mag-aaral pero mahihirapan akong mag adjust do'n dahil half day lang ang pasok, ayos sana pero kulang ang oras sa bawat subject.

"Oo," sagot ko.

Inayos niya ang uniform niya at sinuot na ang ID niya, dahil nasa paskil sa gate 'no id, no entry' sabi ni lola sa akin ay dati naman ay walang ganito basta makapasok. Salinap National High School public lang pero mahigpit ang guard hindi ka talaga makakapasok kapag walang id.

"Wala kang kilala sa classmates natin? wala kang classmate dito dati?" sunod-sunod niyang tanong.

Umiling naman ako at tinignan isa-isa ang mga kilala ko nung elementary ako pero hindi kami close. I prefer to study when I'm in elementary. May kaibigan naman pero 'di ko close masyado parang sina-samahan lang nila ako for reason na alam kung talino lang ang kailangan, bali utak ko lang ang kailangan nila.

"Wala toxic mga tao dito," sabi ko.

Toxic naman talaga biruin mo tita mo pero e-chi-chismiss ka na ganito, ganiyan ka. Lumaki ako sa lugar na puno ng mapang-husgang tao. Pero ng dahil rin sa mga toxic na 'yon mas lalo 'kong nag por-sige na mag-aral ng mabuti to proved them that they're all wrong na hindi 'ko isang pare-warang bata, lumaki 'kong malayo sa mga magulang ko pero I have lola and lolo na pinalaki ako ng mabuti dahil 'yon ang tama para sa kanila at mabuti para sa 'kin.

Meron lang talagang insecure na tao na pilit kang pina-pababa pero wala namang ambag sa buhay mo. At wala namang s'yang nakuha.

"Gano'n?" tanong niya.

Tumango naman ako, ayokong madugtong nanaman ako sa akala kung kaibigan ang turing sa 'kin pero hindi naman pala, judge me if 'yon ang gusto mo but just want to be secured lang sa feelings ko, once I treated you as my friends ibibigay ko kahit ano, dahil iba 'ko sa mga naging kaibigan ko. I still remember the day when I was grade 5, exam no'n at kinukulit 'ko ng naging kaibigan ko na ngayon pinagpalit na 'ko.

Pinagaya ko s'ya pero no'ng nagkahulian ay ako ang nadiin, 'di tinanggap 'ko exam ko no'n dahil na-ngopya raw 'ko dahil kilala raw nila si Jesiah matalino daw yun ay hindi kailangan gumaya.

Hindi ko sinasabing hinu-husgahan ko na agad ang katabi ko, pero hindi 'yon ma-wawala sa isang taong naranasan na kung pa'no magkaruon ng toxic na kaibigan..

Tinignan ko ang relo ng school namin may ten minutes pa bago ang time ng pasok ni ma'am kaya pumunta muna 'ko ng cr, nag-antay akong matapos bago pumasok sa isang cubicle. Maayos ay hindi pa sira ang lock at gripo ng cr, kaka-renovate lang nitong school no'ng nakarang taon grade 6 pa ako no'n.

Naghugas muna ako ng kamay bago lumabas ng cr at bumalik sa upuan ko, may nakaupo do'n at nakiki-pag-chismisan sa katabi ko kanina, I hate talking someone tapos hindi niya alam, like they're backstabbing that someone.

"Ay, sorry." Umalis na siya sa upuan ko at umupo na ako ro'n.

Lumapit naman si what her name again? did she said ba? parang hindi naman, I don't know her name at hindi naman ako interesado.

"Ano palang name mo?" tanong niya.

"Katana Natalie Vegas," sabi ko.

"Vivian Jiminez." Kinuha niya ang kamay ko at naki-pag-shake hands sa 'kin.

Inagaw ko rin naman yun agad sa kaniya, hindi ako nakiki-pag-usap kahit kanino dati kahit ngayon ayoko nadala na ako kay Jesiah na binaliktad ako dahil may kaya siya ay nagawan nilang pagtakpan. Samantalang ako? ako na nga nagpagaya ako pa ang naging masama.

"Sorry masyado 'kong feeling close," sabi n'ya.

"Okay lang." Kahit deep inside ay gusto kung sabihin na oo nga pero hindi naman 'ko gano'n.

Tumahimik ang mga maingay naming classmates ng pumasok ang isang magandang babae na medyo may pagka-maliit. Singkit siya at nakasuot ng pang-teacher na uniform.

Tumayo kaming lahat at binati siya. "Good morning, ma'am." Ngumiti sa 'min si ma'am.

"I'm ma'am Diana De Guzman, I'm your teacher in Filipino and also I'm your adviser. Goodmorning class."

Pinaupo na niya kami habang may kinukuha siya sa envelope na dala niya. And when she saw something ay kinuha niya yun at isa-isang binigay sa 'min. She smiled to me.

"Ang tataas ng grades mo," wika ni ma'am Diana.

Ibinigay niya sa 'kin ang card ko no'ng grade 6 pa lang, lola and lolo proud that I got this high grades. Dahil no'ng na-issue ang pang-gagaya ko kay Jesiah kuno ay hinusgahan na lang nila ako agad.

"Ma'am hindi naman matalino yan kapit lang kay Jesiah yan dati e," sabi no'ng isa sa mga classmates ko.

"Huh? how did you know? hinuhusgahan niyo agad siya dahil do'n? Let her give another chance to prove herself." Ngumiti si ma'am sa akin at bumalik na sa table niya.

Kahit pa-paano ay gumaan ang loob ko, she is the only one teacher na hindi ako agad hinusgahan. Siguro ay tulad ko pinalaki rin s'yang mabuti ng mga magulang niya.

Maybe, ito na yung time to proved myself to other na hindi ako kapit sa matalino, dahil may utak naman ako.

"Okay! Ito ang gusto kung gawin para makabuo kayo ng partner. Dalawa lang! Let's play Hide and Seek and then kung sino ang nahanap niyo ay siya ang partner niyo." Masaya namang nag-sigawan ang mga classmates ko.

May ibang nag-uusap pa para sila ang maging partner. Tumikhim si ma'am para agawin ang atensyon nila, ngumiti si ma'am.

"Kayo nag-uusap pa talaga kayo, hindi pa rin kayo magiging partner kung ako mismo ang mag-a-asign kung saan kayo mag-tatago," sabi niya.

Natawa naman si ma'am dahil hindi mapinta ang mukha ng mga nag-pla-plano about kung saan magtatago ang isa.

"Katana Natalie Vegas." Lumapit ako kay ma'am.

Tinuro niya ang name ko at sa gilid no'n nakasulat kung saan ako tatago. Umalis na ako at bumalik sa upuan ko at tahimik habang tinatawag ang mga kasama kung magtatago rin. Nahati kasi. 30 kami kaya 15 ang magtatago 15 rin ang maghahanap.

"Luminya kayo at do'n tayo," sabi ni ma'am.

Maliit lang ang school ng junior high mas malawak ang field ng elementary. Puro simento ang high school samantalang ang elementary ay meron silang malawak na field para makapaglaro ang mga bata.

I missed watching my batch mate playing in our field. Nakaka-miss rin pala.

Pumitik sa ere si ma'am at inagaw ang mga atensyon namin, nasa huli ako hindi dahil matangkad ako kundi dahil ayoko ng meron nasa likuran ko.

"Wag niyong tatanggalin ang panyo sa mata niyo guyz," sabi ni ma'am sa mga taya.

Tumango naman sila at sabay-sabay na nag sabi ng 'coppy ma'am ganda!' isa-isa kaming pinaalis ni ma'am para magtago. Pumunta ako sa 4th floor ng senior high at sinisilip ang baba. Isa-isa na ring pinayagan ni ma'am na alis ang mga panyo sa mata ng mga taya at hinayaan silang maghanap.

Umupo ako sa isang upuan na nasa labas, walang pasok ang mga senior high ngayon 'di ko alam kung bakit.

Sumilip uli ako sa baba at may kausap si ma'am na isa ring teacher. Nagulat naman ako ng may tumabi sa 'kin, hindi ko siya kilala at hindi kami close!

Tumingin rin siya sa baba at sinilip ang ibang classmates ko na nasa baba na at masayang nahanap ang partner nila, bakit parang wala namang naghahanap sa 'kin? approved na rin sa 'kin yun para naman wala akong problema kung hindi makakagawa ang partner ko ng dapat gawin at least kaya kung gawin mag isa ang ibibigay na activities by partner.

Na-alala ko no'ng bata pa ako ay lagi akong inaaway siguro dahil wala sila mama't papa para pumunta sa family event sa school, binu-bully dahil sa wala raw akong mga magulang, apon gano'n pero laging pinapaliwanag ni lola sa 'kin kung bakit laging wala sila mama't papa, dahil ang pag-tra-trabaho nila ay para sa future ko.

Wala naman 'kong galit o kahit anong tampo, dahil alam kung ayaw naman nilang malayo ako pero iniisip lang nila ang kalagayan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ng lalaki.

Tumingin lang ako sa kaniya, he is not familliar to me, siguro galing ibang school? Ngumuso ako dahil ayokong kumausap sa hindi ko naman kilala.

"Nagtatago," sagot ko.

"Uh-huh." Napatingin ako sa kaniya sa sagot niya.

Ngumiti naman siya, malago ang buhok at naka wax ata 'yon. Tumangin siya sa 'kin at kinunutan ako ng nuo.

"Seek," sabi niya.

Sa gulat ay hindi ako nakapag-react sa ginawa niya, tinusok ba naman niya ang pisngi ko gamit ang daliri niya.

"Hoy," tinapik niya ang balikat ko.

Umatras naman 'ko dahil sobrang lapit niya. Tumawa siya bago 'ko inaya na bumaba na dahil kami na lang daw ang wala pa.

"Seek, dali mong hanapin." Hindi ako nagsalita habang sabay kaming bumababa sa hagdanan.

_______________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status