Share

CHAPTER 12

CHAPTER 12- DREAM

MARIA

"Hoy bruha kanina ka pa dyan tulala! May nangyari ba? Parang kagabi ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili. Bakit biglang nadrained yang energy mo?" Puna sakin ni Macey. Napabuntong hininga naman ako bago sinubo ang pagkain at hindi sya sinagot. I don't want him to know the plan of denrick to me. Alam ko naman na mamahalin nito ang magiging anak namin. Based on his expression yesterday when he attentively listening to the doctor about my pregnancy. 

I know my bestfriend. If he knows the plan of my boss, he would go berserk. He is so protective of me that is why I am afraid of what he would do if he will know. Oo, babakla bakla lang sya but once he knew na inaapi ako ay baka lalaki pa ito sa lalaki. He once did that when I was being bullied in our school and I can't imagine him getting more angrier if he knows my boss plan. 

You see, we treat each other as siblings at nagkataon na mas matanda ito sa akin kaya tingin nya malaki ang responsibilidad nya sa akin. 

"Ayy di bagay sayo ang mag emote bruha! Ano na?! Sasabihin mo ba o hindi?" Nagpalabas ulit ako ng mahabang hininga bago sya hinarap. Mukhang takang-taka nga talaga ito kung bakit naging ganoon ang reaksyon ko. 

Both Maria and Mayang are heartbroken right now. They are both emotional. The only difference is the positivity of Mayang. Kagabi ay naisip ay nakahanap ako ng paraan para kahit papaano ay mapagaan ang kalooban ko. And it was not just a way to ease my pain but also a plan. 

Ipapakain ko sayo ang sinabi mo Denrick Moncuedo.

"Oh ano na bakla? Di ka chichika?"

Napabuntong hininga ako. Masyadong persistent talaga tong si Macey. Lalo pa at chismis iyon. 

"Wala. Alam mo naman ang mga buntis eh. Paiba iba ng mood." Sagot ko at inirapan sya. Basta chismis kasi e no? Siguro kahapon ay iba nga ang mood ko pero ngayon ay hindi na. Because I found a way. Parang BDO lang.

Tinignan naman ako nito sa mga mata bago bumuntong-hininga. Alam nitong nagsisinungaling ako pero hindi na rin sya nag abala pang tanungin ako. He knows his limits and also he knows that when I am ready I will talk to him. 

"Basta kung may problema ka bakla nandito lang ako sayo." Sabi nito at mahinang hinampas ako sa balikat kaya napangiti ako. I know. Alam ko naman na kahit anong mangyari ay nandiyan lang sya sa tabi ko. Kambal kaya kami. Pero mas maganda ako sa kanya ng 1000.

I smiled because of my thought. 

"By the way. Kamusta na pala yung pagpunta nyo kahapon sa doktor?" Tanong nito kaya ngumiti ako at kinuwento sa kanya ang nangyari. Kung papaano ito naging masigasig sa pakikinig sa doctor habang nag bibigay ito ng instructions hanggang sa umuwi kami. Of course, except sa part na narinig ko ang usapan nila. Baka pagsinabi ko iyon ay magkakaroon ng world war 3. Tsaka konting lie na din sa part na umiyak ako kahapon sa sasakyan nito ng hindi nito napapansin. 

Pero hanggang ngayon talaga ay sumasagi pa rin sa isip ko ang babae. Who is she? Girlfriend nya? Ex- girlfriend nya? Kasi kung kapatid nya ito hindi naman nito sasabihing hindi nya kayang magmahal ng ibang babae diba? 

But seriously. I was wondering who is she. Kagabi nga ay inisa isa ko ang mga babaeng pumupunta sa opisina nya pati na ang mga kasosyo nitong babae. Of course, kahit na naiinis ako sa kanila ay minimorya ko ang pangalan nila no. Ika nga nila, keep your friends close and your enemies closer.

I was searching her name in my memory but I can't grasp it. Who is she? Denise? Denise Cartasano? But she is already an old lady. Denise Cartasano is already married with Michael Cartasano. Kaya sino sa kanila? 

Sa loob ng dalawang taon ko sa kompanya ay hindi ko pa ito nakikitang nagdala ng babae sa opisina maliban sa kapatid nitong babae at sa ina nito. Dahil ba ito kay denise? Kaya ba hindi ko ito nakikitang may dinadalang babae sa opisina nito? Because he is stuck with his past? Pero bakit hindi ko nakikita ang babaeng yun kahit sa picture? Ni minsan hindi ko sya nakita. Anong nangyari? Bakit wala syang larawan sa opisina nito?

Call me crazy but I even thought he is gay. Well noong una lang naman yun kasi naman ilang buwan na ako sa kompanya nya ay hindi ko pa ito nakikitang nag dala ng babae. Even yung ibang babae na dumadalaw sa kanya ay tinataboy nya. Nasayangan pa ako sa kanya e pero yun pala may hindi lang pala sya maiwan sa nakaraan.

That girl is so lucky because Denrick loved her so much. I wish, I'm that girl whom he love. Yeah, I wish.

But don't worry, I will make him fall for me. 

Hindi lang ako mangangarap dahil gagawa ako ng paraan. Aanhin mo ang pangarap mo pag hindi ka kikilos right? You think matutupad mo ito? Ikakasal kami kaya magkakaroon ako ng pagkakataon na matuon sa akin ang pansin nya. Hindi lang magiging unrequited love yung mamagitan sa amin. Hindi lang kami sa papel ikakasal at hindi lang dahil sa business nito. We are married because he love me. Hindi man iyon ang pangunahing dahilan kung bakit kami kinasal ay wala na akong pakialam. I will make our marriage happy and meaningful.

"Bakla tulala ka na naman. Nandun na sa sala ang boss mo pero hindi mo man lang narinig ang pagdating nya." Turan sakin ni macey kaya napatayo ako. Niligpit ko ang pinagkainan ko at agad na lumabas.

Do I look like I am excited? Well, not really. Maybe I am excited to execute my plan? 

Hindi lang ikaw ang may plano dito Denrick. I will make sure that you will regret choosing me as your wife. At bakit sya magsisisi kung mahal na nya ako?

Ngumisi ako at tuluyan ng pumunta sa sala.

Sinalubong nya ako ng titig nyang makapangyarihan. I don't know if this is just his effect on me but as he stare at me, I can feel the hyperactive butterflies dancing in my stomach. Napatikhim nalang ako bago sya nginitian.

"Magandang umaga boss." Bati ko tumango naman ito. 

"Good morning too." He said before he moved closer to me. Nagtataka ako kung bakit ito lumapit sa akin. Nung lumapat na ang kamay nito sa akin ay nagulat ako. There is an electricity when are hands are intertwined.  I smiled and I saw his forehead crease. Siguro nagtataka ito kung bakit nag iba ang mood ko. Yesterday I was not in the mood but today I feel so enthusiastic.

Nagtaka man ay hindi na ito nagtanong pa bagkus ay bumuntong hininga ito at binalingan si Macey. "We are going." Sabi nito kaya tumango naman ang bakla bago kami nakangiting hinatid sa may labas. 

Binelatan ko ulit ang bestfriend ko bago natatawang umiwas ng tingin. Nakita ng boss ko ang ginawa ko kaya umiling ito habang nakangiti. I was back of being silly. 

"You are so silly." Anito kaya natawa ako. 

"Sarap lang kasing inisin ng kaibigan ko." Sagot ko naman. Napailing nalang ito bago ako pagbuksan ng pintuan ng sasakyan. 

Nang sumakay kami sa kotse nito ay binalingan pa ako nito bago tinuon ang pansin sa harap.  Siguro nagtataka ito sa inasta ko ngayon. Marahil iniisip nito na dahil sa mood swings ko kaya ako umasta ng ganito. But he is completely wrong because what I felt yesterday was not because of our baby in my Tummy. I acted like that because of my real emotions and that is also the reason of why I am acting like this today. It is because of my real emotions. 

Yes, I am not being dramatic anymore. I am more like looking at the bright side of our upcoming marraige. Instead of feeling down, I will use that opportunity to make him all in love with me. Let's say that is the price of using me. 

Sumilay ang isang ngiti sa labi ko. Minsan talaga you can do everything for the sake of your love one. Yung tipong okay lang na magpagamit ka sa kanila. And you are willing to take risk. Minsan nga sa pagmamahal ay kailangan mong sumugal. Kung yung ending ay hindi man ang nais natin ay wala na tayong magagawa. Atleast we tried diba? Yung maganda kasi sa pag risk mong yun ay kahit papaano walang burden sa puso mo. Why? Because you already did your part. You took a risk and did everything. Walang what ifs na bumabagabag sa puso mo. 

Sometimes someone can be martyr when they are in love. For me, okay lang ang maging martyr minsan. Yes, it is okay. You just need to know your limit. May kasabihan nga diba? The saying goes like this, 'too much is bad.' Kung sumusobra na ay tigil na. You need to learn how to love yourself because that is so important. You need to love yourself first. Do you know why some people lost their selves? They lost themselves because they don't know how to love themselves. Mas inuna nilang mahalin ang iba kaysa ang sarili nila. And remember that, it is not being selfish. 

"Tonight we will be going to our house. I will announce to them that we will be going to get married." Sabi nito ng huminto ang sasakyan dahil sa traffic light.

Natigilan ako sa sinabi nito. Mamaya na iyon? Why do I feel so nervous? Na meet ko naman na ang mga magulang nya pero bakit kinakabahan pa rin ako? Siguro dahil magkaiba na ngayon. We will going to annouce that we will going to marry. And of course, I am expecting their shock reaction once we will announce that I am already pregnant.

I sighed. Nakita nya iyon sa rear view kaya binalingan nya ako ng tingin. Ginagap nito ang kamay ko at marahang pinisil ang iyon.

"Don't be nervous. They will like you---No, they already like you Maria." Anito kaya napabuntong hininga ako at naalala ang sinabi ng ina nya. She likes me to be his son's girlfriend. Ano kaya ang magiging reaksyon nya pag nalaman nya na magpapakasal kami ng anak nya at mag kakaroon pa ng anak?

Bumuntong hininga ako bago ngumiti sa kanya.  "Nabigla lang po ako pero hindi na ako ngayon kinakabahan. Siguro sasabihin ko nalang kay macey na magagabihan ako sa pag uwi." Turan ko pero umiling ito.

"No. I already told him about this." Turan nito kaya bumuntong-hininga ako bago tumango. So napag usapan na pala nila ito? Ganun na ba ang pagkatulala ko at hindi ko namalayan na kanina pa pala sya na nandun sa apartment? Mukhang madami na silang pinag usapan ni Macey ah. Akala ko kakadating nya lang sa apartment ng oras na sinabi iyon sa akin ni macey.

I sighed. Ganoon nga siguro yung pag iisp ko ng bagay bagay at hindi ko na napansin ang nasa paligid ko. 

**Written by Stringlily**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status