Share

CHAPTER 13

CHAPTER 13- IS SHE THE ONE?

MARIA

Sa durasyon ng byahe papuntang opisina ay katahimikan ang namayani sa amin. We are both drowned with our own thoughts to even talk. Nag usap lang kami nung papasok kami ng opisina kung saan lahat ng mga empleyado ay pinagtitinginan kami. Who would not right? He is holding my hand.

Hindi mo talaga maiiwasan na may mga usasero at usasera pag may chismis. Paano ba kasi e ang alam nila ay secretary lang ako nito and nothing else. Yes may mga times nga din na siniship nila ako sa boss ko which I also like to be honest. Pero bakit ko naman sasabihin sa kanila right?So I acted like I am irritated but deep inside I like it. They even gave us a name, DenRia which at first I found so beautiful but now I think it is so corny. Wala na bang iba?

I don't know their reactions--yeah I know they are shocked to see us together, holding hands while walking. Pero hindi ko alam kung ano ang nasa puso nila. Do they like us together? Naiirita ba sila? Ang pangit ba ng paningin nila sa akin dahil pumatol ako sa boss ko?

And why do you care about their reactions Maria? Let them think what they want to think. You know your reasons and that is enough.

With that I thought I decided not to think about their reaction or what might be their opinions about what they saw. Actually they don't know the reason behind all of this so they have no right to judge me. 

That is wrong with the society right now. They easily judge people without knowing the whole truth. Yung nakahain lang ang nakita nila at agad nila iyong iisyuhan. Like what's wrong with these people? Wala ba silang mga sariling buhay at ang buhay ng iba ang pinapakialaman nila? Always remember that before we judge, we must know the whole truth. And truths are not one sided. We have our own truth. 

Taas noo lang akong naglakad at hindi inalintana ang mga titig nila. Wala akong pake sa kanila basta maganda ako period. 

Nang makarating kami sa floor namin ay agad itong bumaling sa akin. 

"Mamayang lunch sabay tayong kakain. Understood?" Anito kaya tumango ako. He look at me one last time before he entered his office. Napabuntong hininga naman ako at umupo na sa harap ng computer ko.

Tinignan ko ang mga papeles sa harap ko at napangiti ng makitang konti lang iyon. Mukhang ayaw nitong mapahamak ang baby namin. I smiled. Naalala ko ang huling sinabi nya bago sya pumasok ng opisina nya. He wants us to eat together. I know that he is doing this for the baby but I can't help but to feel the hundreds of butterflies in my stomach. 

I can see that he really love our child even though he/she is still unborn. I am so happy for it. I can see his effort para mapabuti si baby at nakakataba iyon ng puso. 

I sighed. I will make sure na sa susunod hindi lang dahil kay baby kaya nya ako aayain kumain. I will make sure na mahuhulog din sya sa akin at bibigyan ko ng masayang pamilya ang magiging anak ko. 

Even though his reason right now was to use me. Ayos lang sa akin ang isipin na iyon. I am Maria Isabella Dimasali at makukuha ko din ang puso nya. 

I smiled and get rid of that thought. May kailangan pa akong gawin at hindi ang tumunganga lang. I need to work. Hindi naman kasi ako binayaran para lang tumunganga. 

I started reviewing all the papers, and my thoughts immediately drifted to my work. Kinagat ko ang ibabang labi ko at napapabuntong hininga habang binabasa ang mga ito. 

Hindi pa ako nakakailang minuto ay natapos ko ng e review ang mga papeles at napasandal nalang ako sa upuan. Yun na iyon? I didn't even sweat--oh yeah, that is because the place is fully airconditioned. And why I didn't even bother to---

"Hey, here." 

Napabaling ako ng tingin sa pintuan ng boss ko ng lumabas sya doon at inabot sa akin ang suit nito. Napatanga ako sa hawak nito at hindi agad naproseso ang lahat kaya naiiling na nilagay nya ito sa balikat ko bago ulit ako balingan ng tingin.

"There. Hindi ka na ba giniginaw?" 

Tumunganga ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin. 

"Ha?" 

Ngumiti ito na mas lalong nagpatanga sa akin. Oh sh1t pwedeng patulong na hawakan ang underwear ko? Nanginginig kasi yung kamay ko baka hindi nito makayanan na hawakan iyon para hindi malaglag. 

"You are so cute, Maria. By the way, I have to go back to work. I still have to attend a zoom meeting. See you at lunchtime."

Nakatanga lamang ako habang papaalis ito. Nang makapasok na ito ay mahina akong umirit. Kinikilig ako sa ginawa nya and mga mars he looks so hot with his button-ups shirt. Nakatuck in ito kaya naman nag susumigaw yung mga muscles nya sa katawan. 

Pasimple ko nalang na kinagat ang ibabang labi ko. Masyado din talaga tong pa-fall yung boss ko e. Pwedeng wag naman syang ganyan? Baka hindi na ako makaahon. 

I am falling hard and deep.

Ngumiti ako habang nakasandal sa upuan ko. Nakatingin lamang ako sa baba habang nag iimagine ng kung ano-ano. I was pulled out from my dream when a voice interrupted me. 

"Where's Denrick?" Bumaling ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Hindi ako familiar sa babae at hindi na ako magtataka kung isa ito sa mga babaeng nahuhumaling sa kanya. 

"May I know your agenda madam? And your name?" Ani ko ngunit tumaas lang ang kilay nito. 

"Just tell me where is he." Mataray na turan nito pero nagawa ko pa ring ngumiti. 

"Well as of the moment he is in a zoom meeting, Ma'am. Now may I know your agenda?" Polite na turan ko. Umirap naman ito sa akin kaya gustong mapataas ng kilay ko. I know she is beautiful but I think her inside is already rotten. Ito yung mga taong mapagmataas eh no? Yung tinatanong ng maayos ay hindi makasagot ng maayos. 

"I miss him that is why I am here." Anito kaya napabuntong hininga ako. Ano naman ngayon ang pake ng boss ko pag miss nya na ito? Pinsan ba nya ito? Kamag anak?

"Are you his relative ma'am?" Tanong ko dahil baka kapag anak nya pala ito na galing amerika no. Mukha pa naman syang amerikana--amerikanang hilaw. Charot lang. Baka minus 5 ako sa pamilya nya pag nagkataon.

"No, but I will be his wife soon." She answered at gusto ko nalang na mapataas ng kilay. Aba, aagawan pa ako ng pwesto. Sino ba talaga to? E hindi nya naman pala ito kamag anak e. Baka kamag anak ito ni chaka doll. Joke. Honestly, maganda sya at mukhang may pinag aralan. Ang problema lang talaga ay hindi nito ginagamit ang mga pinag aralan nito.

"Okay, but you are not allowed to enter his office right now madam. You can wait until he finish his meeting." Ani ko.

"What? And you think gagawin ko yun? Papasok ako sa office nya sa gusto mo o hindi. Tsaka hindi naman sya magagalit sa akin e. He can't be mad at me." Anito at ngumisi sa akin.

Nataranta naman ako ng naglakad na ito sa opisina ng boss ko kaya agad ko itong hinabol at hinawakan sa braso. 

"What?" Asik nito. 

"You know what? Just call him. ASAP." Utos nito na hindi ko naman kayang gawin dahil nasa kalagitnaan ito ng meeting. 

"I can't do it madam--"

"Then let go of me. I will enter his office." Matigas na ulong sabi nito bago pinaksi ang kamay ko.

"Ma'am hindi nga po kayo pwedeng pumasok." Nawawalan kong pasensyang turan. Aba't kanina pa ito ah? 

Imbis na tumigil ay nilingon ako nito at nanlilisik na tinignan. "How dare you?! Hindi mo'ko mapipigilan! Sino ka ba? Eh sekretarya ka lang naman nya." Asik nito na syang nagpakulo lalo ng dugo ko. Gusto ko nga sana syang sigawan pabalik ng 'I am not just his secretary because I will be his wife and a mother of his child. I will going to carry his last name, the one that you dreamed to have.' Mabuti nalang talaga napigilan ko ang sarili ko. 

Bumuntong-hininga nalang ako at tinignan sya. "Ma'am hindi po talaga kayo pwedeng pumasok. Sige kung gusto nyo ay tatawagan ko nalang sya. Just tell me your name." Sabi ko dito. Gagawin ko nalang ang isa ko pang option. Though, I know he will be mad at me, I don't have a choice. Nas-stress na ako sa babaeng ito at hindi ko naman sya pwedeng pabayaan nalang sa gagawin. 

If I will not call my boss, I cannot hold my patience longer at baka masabunutan ko sya. Kanina pa ako naiirita sa kanya at ang respetong dapat na ibigay ko sa kanya ay naglaho na na parang bula. 

Huminga ito ng malalim bago ako tinignan. Hawak ko na ang telepono at hinihintay syang sasabihin ang pangalan nya.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nito bago nagsalita. "Just tell him that his one and only is waiting for him outside his office."  Wala sa sariling nalingon ko sya at nakapaamang habang tutok na tutok ako sa mukha nya. What? Did I heard it clear? She is what? Don't tell me?

I look at her from head to foot before I swallowed the lump in my throat. Is she really her? Pero bakit ngayon lang ito nagpakita?  And the way she acted--oh yeah, I should give her the benefit of the doubt. 

If it is really her then what would be our position in denrick's life? Paano kami ng anak nya? Pipiliin nya kaya ang babaeng to? Pipiliin nya ba ito kaysa ang position nya sa kompanya?

There are so many questions running inside my head right now. Kung hindi lang ito sumigaw ay baka hindi ako mabalik sa realidad. 

"Ano pa ang hinihintay mo?! Tell him that his one and only is waiting for him!"

Agad ko namang dinial ang boss ko. Kahit na nanginginig ang kamay ko ay nagawa ko pa din. One and only? Is she saying that she is his one and only? Could she be, Denise?

**Written by Stringlily**

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status