Share

Chapter 25

WALANG sinayang na oras si Vesper. Agad siyang nagtungo sa pinakamalapit na police station upang humingi ng tulong. Doon, idinetalye ni Vesper ang mga nangyari mula sa paglabas nila sa kagubatan kung saan niya unang nakita ang van hanggang sa harangin sila n'on at walang habas na dinukot ang anak niya.

Ibinigay niya ang impormasyon na kakailanganin ng mga pulis para makatulong sa gagawing imbestigasyon kabilang na ang address kung saan na-kidnap ang bata ngunit hindi pa rin pala 'yon sapat dahil may mga problemang kakaharapin ang mga otoridad na may kinalaman sa lokasyon at sa pag-trace ng naturang sasakyan.

"Nakuha niyo po ba ang plate number ng van?" tanong ng desk officer na nakatoka para hingan siya ng statement.

"Sir, sa bilis po ng pangyayari, hindi ko na po 'yon napansin. Wala ring mga witnesses na maaari kong iharap sa inyo dahil hindi 'yon masyadong dinadaanan ng mga tao."

"Misis, tatapatin ko po kayo. Mahihirapan po tayo na ma-trace kung sino ang may-ari ng van na lulan ng mg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status