awwiiee, sobrang cheesy naman pala ni pareng leon ih mwehehe
The celebration was still grand. Ang mga kaibigan ni Leon na may asawa na ay dumalo kasama ang mga asawa nito at kanilang mga anak. Leil immediately has her friends while Eros is just silently observing everyone.Kaya naman kahit na ayaw niyang maglakad- lakad dahil sa takong ng suot niyang heels ay pinilit niya ang sariling tumayo at nilapitan ang anak na ngayon at panay lang paglilibot ng paningin sa buong paligid.Umupo siya sa kaupuang para sana kay Leil at tinignan ang kanyang anak na ngayon ay nakatingin na sa kanya. She showed her tight smile. Hinimas niya ang buhok nito.“What’s wrong? Is there any problem?” malumanay niyang tanongUmiling ito at bumuntog hininga. “Típota, mamá. Aplós niótho óti káti symvaínei.” [translation: Nothing, Mom. I just feel like something's going on.]Agad namang nangunot ang kanyang noo. “What do you mean something’s going on?”Tipid na umiling ito at bumuntong hininga. “Típota, mamá. Ísos nystázo lígo.” [translation: Nothing, Mom. Maybe I’m just a
“It’s a bomb!”Her eyes widened. Agad siyang tumayo kasabay ang mabilis na tibok ng kanyang dibdib. Everyone panicked and screamed. Agad silang nagsilabasan habang siya ay nagmamadaling magpunta sa stage para kunin ang kanyang mga anak.Ngunit naunahan siya ni Leon na makaakyat ng stage. Walang pasubali nitong dinampot ang mga bata na clueless sa mga nangyayari at nanakbong bumaba ng stage. Agad namang bumalik si Chandria sa mesa ng kanyang mga magulang para samahan ito palabas.She’s having a hard time walking with her heels kaya naman pansamantala siyang tumigil. Huhubarin na sana niya ito ngunit malakas siyang napasinghap nang may biglang pumangko sa kanya. Mabilis ang mga kamay niyang kumapit sa leeg nito para hindi siya mahulog.“Leon!” she exclaimed in surprise. “Where are the kids?”“Outside,” he replied while walking faster.Nilingon niya ang kanyang mga magulang at nakita niya ang mga tauhan ni Leon na inaalalayan ang mga ito palabas. Muli siyang tumingin kay Leon na pinagpap
“YOU NEED TO go to the hospital right now,” sambit ng kanyang kaibigan. He took a deep breath and shook his head. “Take me to my wife.” Kakatapos lang magamot at malagyan ng bondage ng kanyang sugat ay nagpupumilit na siyang magpunta kay Chandria. He wanted to see her this instant. Ayaw niyang mag-alala ito sa kanya dahil kanina pa sila nakaalis. Knowing Chandria, hindi ito mapapakali kapag hindi pa siya nakauwi. “Are you damn serious? Hindi ka pa masyadong magaling. That’s just a temporary bandage, Leon. Hindi mo ba sasamahan ang ama mo sa hospital?” kunot noong tanong ng kanyang kaibigan. He nodded his head. “Take me to her, please.” Hindi siya ang tipo ng taong nagsasabi ng please kapag may gusto siyang mangyari. But for now, he really wanted to see Chandria at hindi niya kayang mag-drive. Butas ang gulong ng kanyang sasakyan kaya hindi niya talaga ito magagamit pa. Nang marinig nila ang salitang please ay para silang natigian. Maybe because it was the very first time they hea
“Ano ba kasi ang nangyari, Chandria? Why do you look so mad a while ago?” tanong ng kanyang daddy na hindi na makatulog matapos niyang gisingin.She took a deep breath and bit her lower lip before looking at her parents. “Can I ask you something, Dad?”Tahimik na nakikinig ang kanyang mommy sa usapan nilang mag-ama. She feels so guilty na dinistorbo pa niya ng mahimbing nitong tulog dahil lang sa kanyang impulsive thoughts and decisions.“What is it?” kunot noong sambit ng kanyang ama.“Anong gagawin mo kapag may nalaman ka, kunwari si mommy, nalaman mong may tinatagong sekreto sa ‘yo, tapos alam mong hindi lang ikakapamahak mo kundi ikakapahamak ko rin bilang anak niyo. Anong gagawin mo? Anong mararamdaman mo?” mahinang tanong niya.Kita niya kung paano nagkatinginan ang kanyang mommy at daddy na mukhang nagkakaroon na ng clue sa mga pangyayari. Ngumuso naman siya nang magtagalan ang kayang daddy sa pagsagot.“Well, depende sa sitwasyon,” he said. “Kapag alam kong ikakapahamak ng ana
“Why, Leon?” mahinang tanong ni Chandria rito. “Why did you hide it from me. Kailan pa ‘to?” He took a deep breath and tapped the vacant space beside him. Mukhang gusto nitong tumabi muna siya bago ito magkwento kaya naman kahit na nagtatampo pa siya rito ay tumayo na siya at umupo sa kung saan tinapik ni Leon. Nang makaupo siya ay agad na hinawakan ni Leon ang kanyang kamay at pinaglingkis ang mga daliri nilang dalawa. Mariin niya namang kinagat ang ibabang labi. Simpleng gesture lang ‘to mula kay Leon pero sobrang bilis na ng tibok ng kanyang dibdib at ramdam niya ang mamumula ng kanyang pisngi. “I should be the one to say sorry to you,” he started. “Tinago ko sa ‘yo ang tungkol sa bagay na ito when you should be the first one to know. This moment is the moment I dreaded the most. I’m afraid that you’ll leave me once you knew about this but then I came I realize, you’ll leave me if I would keep this a secret.” Hindi umimik si Chandria. Gusto niyang malaman lahat. Tungkol sa organ
Nanatili muna sila sa headquarters ng Mafia organization nila Leon ng dalawa pang araw dahil sinisiguro pa nila kung ligtas na bang muling bumalik sa kanilang tahanan. At sa loob ng dalawang araw na ‘yon ay walang ibang ginawa si Chandria kundi ang magmatyag sa paligid. Alam niyang pansin din ito ni Leon ngunit wala itong naging imik. “Mommy, are we going home today?” bulong sa kanya ng anak niyang si Eros. She nodded her head and smiled. “According to your dad, yes.” Hindi rin kasi siya sigurado kung makakauwi sila sa araw na ito, e. Walang nabanggit si Leon sa kanila nang umalis ito kanina. Her parents are still with them and to be honest, she feels so guilty. Ang dami pa nitong mga pasyente ngunit heto ang mga ito at nagtatago. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis sa isip ni Chandria ang tungkol kay Lucas. Imposible naman sigurong magawa ‘yon ni Lucas. Kilala niya ang dating kaibigan at hindi ito ganung klaseng tao. In fact, Lucas is the most understanding person she’d ever m
Humugot nang malalim na hininga si Leon at tumingin sa kanyang ama na abala sa paghithit ng sigarilyo. Kahit na nasa hospital ito ay may IV fluid pa sa kamay ay hindi ito hadlang sa kanyang bisyo. Mahinang napailing si Leon.“Alam kong marami akong pagkukulang kay Lucas,” sambit ni Don Leonardo at bumuga ng usok saka tumingin sa kanya. “Kaya naman pinagbibigyan ko siya sa lahat ng gusto niyang mangyari at gawin.”He bit his lower lip. “Kahit pa kapatid niya mismo ang babanggain niya.”Tipid na ngumiti ang ama at bumutong hininga. “To be honest, I feel bad. Hindi ko kayo nagabayan nang maayos ng mga kapatid mo. Masasabi kong, I was an irresponsible father to you, to Lucas, and to Pierce.”Sobrang seryoso ng kanilang usapan at sobrang lalim. This is the very first time in his life na nakausap niya ang ama nang ganito ka-seryoso. Sa bawat usapan kasi niya ay nananaig ang pagiging boss nito at pagiging alila niya. He was blind to see it at first but then things changed. And now, nothing c
Hinayaan lang ni Chandria na yumakap sa kanya si Leon. Because this is the least thing she could do for him to lighten his mood. Mukha kasing mabigat ang pinagdadaanan nito. And it seems like what happened today bothered him so much. She caressed his back and closed her eyes. Nang mukhang maayos na ang paghinga ni Leon ay saka pa lamang siya kumalas sa yakap at tinignan ang binata. Chandria looked at him in the eye and saw sadness in them. “What happened?” hindi niya mapigilang tanungin ito. “Are you okay? Why do you… why do you look so sad?” Umiling lang ito sa kanya at bumuntong hininga. Nangunot ang noo niya dahil mukhang walang balak na magsabi si Leon sa nangyari at kung bakit ganito ang akto nito. And she completely understands that. Kaya naman hindi na niya pa ito pipilitin pang magsalita. “Do you want to rest first?” malumanay niyang tanong. Leon nodded his head. Agad niya naman itong sinamahan patungo sa loob ng silid na kanilang tinutuluyan. He took off his jacket na aga