“HAPPY?” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Kayla sa aking tabi. Nagpasya kaming pumasok na sa loob dahil na ‘rin nauna na sila Eugene habang hila-hila ng kambal papasok sa loob. Samantalang ako naman ay naiyak habang nakatingin sa kanila na nasa sala’s ngayon at masayang nag-uusap. “Hindi ko maintindihan Kayla… masaya ako na malungkot. Mas nangingibabaw ang pagkakonsensya ko. Narinig mo sinabi niya diba? Alam niya na sinabi ko sa kambal na iniwan kami ng daddy nila,” Pagtingin ko kay Kayla ay nakita ko ang malungkot niyang expression. Kilala ako ni Kayla, hindi ako basta-bastang umiiyak at kapag umiyak ako alam niyang bigay na bigay na ako. Niyakap naman niya ako kaya yumakap ‘din ako pabalik sa kaniya. “Alam kong hindi lang ‘yan ang iniisip mo kaya ka umiiyak Irene. Pero nandito ako palagi para makinig sa’yo. At isa pa, maswerte ka nga at mayroon kang Eugene. Nag punta siya dito noong may lagnat ka, nakaluhod siyang umiiyak sa tabi ng higaan mo habang hawak ang kamay m
“TWINS, let mommy sleep more…” Antok na sabi ko ng maramdaman kong mayroong humahalik sa pisnge ko. Napuyat kasi ako kagabi kakaisip doon sa huling sinabi ni Eugene—wait! Speaking off! Aalis kami ngayon! Tyaka ihahatid ko pa pala ang kambal! “Oh my! Sorry twins—Eugene?!” Nagulat ako ng pagbangon ko ay nakita ko si Eugene na nakaupo sa tabi ko habang nakangiting pinapakinggan ko. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at hinanap ang kambal ngunit wala sila doon. “Nasaan ang kambal? Bat ka nandito ng ganito kaaga? Tyaka ikaw ba ang humalik sa pisnge ko?!” Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya naman ng mahina. “Wife, dahan-dahan sa tanong mahina ang kalaban. To answer your questions, hinatid ko na po ang kambal sa school at seven thirty na po ng umaga, then yes ako ang humalik sa pisnge mo. Masama bang halikan ang asaw ako?” Hindi ko naiwasan na mamula dahil sa huli niyang sinabi, mabuti nalang talaga at hindi niya ako nakikita! “H-hindi naman pero tulog ako
Nagsimula na kaming kumain at ako na ang nagsandok kay Eugene ng pagkain niya. Nalaman ko na binibisita lang pala ako ng mga ito dahil ilang araw kaming nasa Canada. Alam ‘din nila ang tungkol sa pagpunta namin ni Eugene kay Julie. Hindi na ako nagtanong pa tungkol kay Julie kasi baka may marinig lang ako na ikasakit ng puso ko knowing na ex ni Eugene si Julie at close na close ang mga ito. Siguradong marami silang happy memories. Matapos naming kumain ay sumakay na kami sa kotse ni Eugene, ang pinagtataka ko lang ay iba ito doon sa sinakyan namin madalas. Van na kasi ito ngayon at hindi siya regular van lang dahil malaki ito! Hindi na ako nagtanong kay Eugene kung bakit ‘yun ang sinakyan namin dahil kinakabahan ako sa mangyayari kapag andoon na kami sapuntod ni Julie. Sa totoo lang mabigat ang loob ko ngayon. Gusto kong makausap si Julie at humingi ng tawad, pero dahil sa sinabi ni Eugene kagabi ay hindi ako mapakali. Naramdaman ko ang paghawak ni Eugene sa kamay ko, katabi ko
“MOMMY! Mommy wake up nandito na po tayo!” Nagising ako dahil sa paggising sakin ng kambal na mukang tuwang-tuwa dahil nakikita na nila ang dagat. Napatingin ako sa paligid at nakababa na pala ang mga kasama ko habang inaantay ako sa labas. Matapos ang halos anim na oras na byahe ay sa wakas nakarating na ‘rin kami.Dahil na ‘rin kulang pa ako sa tulog ay nakatulog ako pero hindi iyon sapat dahil panay ang gising ko habang nasa byahe. “Sorry guys, antok pa ako e,” nasabi ko nalamang sa mga ito habang nakangiti. Nakaabang saakin si Eugene sa may bakuna ng van at inalalayan ako nitong bumaba’t hindi na inalis ang pagkakahawak sa aking kamay. “Okay lang ‘yun Irene, matulog ka nalang ulit pagdating niyo sa room niyo,” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Eva at doon ko lang nailibot ang paningin ko sa paligid. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa ganda ng paligid lalo na sa aliwalas nito’t. Kasabay ng malakas na hangin sa paligid ay ang siyang tunog ng alon ng dagat na rinig na rinig
“ANGEL!” Napalingon si Irene ng tawagin siya ni Julie. Kabababa niya lang ng sasakyan kasama ang mama niya ng makita siya ni Julie kung kaya dali-dali itong tumakbo papunta sa kaniya. “Julie!” Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa at nagpasya na pumunta sila kung nasaan si Bobby. Ngunit napahinto sila nang makita na mayroon nanamang nang-aaway kay Bobby. “Bobby!” Agad na sigaw ni Julie at tumakbo upang tulungan ang lalaki. Nakita ng tatlong bata si Julie at natawa pa ang mga ito. “Ano Julie, ipagtatanggol mo nanaman ba ang mahina mong kaibigan?! Isa ka ‘rin namang mahina e!” Napakuyom ng kamao si Irene at dali-daling umalis sa kinalalagyan niya na siyang nakita ni Julie. Nasaktan si Julie dahil akala niya’y iniwan na sila ni Irene at hinayaan ngunit naalala niya na lagi silang nililigtas nito kaya sigurado siyang may binabalak ang bata. Nag pasya siyang kausapin nalang muna ang tatlong lalaki habang nasa likuran niya ang natatakot na si Bobby. Takot kasi ito sa tatlo at hindi lum
SA gitna nang pagtulog ni Irene ay nakaramdam siya ng pagkaihi kung kaya babangon na sana siya ngunit natigilan ng maramdaman niya ang pag-alis ng kaniyang katabi. Naalala pa niya ang nangyari kagabi, maayos na sila ni Eugene. Nakapag-usap na sila at nagka-aminan, hindi mahirap mahalin ang lalaki dahil bukod sa mayroon silang anak ay sa nakalipas na mga araw ay nakikita niya ang tunay na hangarin sa kaniya nito. Bukod pa sa kaalalam na si Eugene ay si Bobby. Narinig niya ang mahihinang bulungan kaya napakunot ang noo niya at nagpapanggap na tulog. Hanggang sa marinig niya ang pagsara ng pintuan. Napabangon siya dahil doon at wala na si Eugene sa tabi niya. Hindi niya alam kung sino ang kausap ni Eugene pero isa lang ang nasisiguro niya, mayroon kakaibang nangyayari. Dahil sa kutob niya ay bumangon siya at tuluyan ng nakalimutan ang kaniyang pagkaihi. Sumalubong sa kaniya ang tahimik na hallway ngunit naririnig niya ang dalawang usapan papalayo sa dulong parte ng hallway. Ngayon s
“M-MOMMY?” Antok na sabi ni Kaylie ng maramdaman niya ang halik ng ina sa kaniyang pisnge. “Good morning my daughter, it’s time for breakfast.” Pagkasabi ni Irene niyon ay si Ivan naman ang hinalikan niya sa pisnge na ikinagising ‘din nito. “Ikaw po ba ang nagluto mommy?” agad na tanong ni Ivan na ikinatango ni Irene at sabay na nanlaki ang mata ng kambal dahil doon. “Really?!” Napabangon sila kaya napatawa si Irene sa naging reaksyon ng mga ito. Alam niya na na-miss na nito ang luto niya kahit pa na simpleng breakfast foods pa ‘yan na madaling lutuin basta luto niya ay natutuwa na ang mga ito. Ganoon nila kamahal ang ina, lahat ng ginagawa nito para sa kanila ay chine-cherish nila. Lumaki sila na walang ama dahil na ‘rin sa alam na nilang dahilan ngayon, nakita nila kung paano sila palakihin mag-isa ni Irene lalo na hindi lingid sa kanila na nasa ospital ang tita Kayla nila na siyang inaalagaan ‘din nito. Kaya nga isang super hero ang tingin nila kay Irene. Walang makakapagpaba
MABILIS ang tibok ng puso ni Irene matapos niyang patayin ang TV. Malinaw ang sinabi ni Hannah sa interview na iyon, siya ‘daw ang asawa ni Eugene at ina ng kaniyang anak. Nabanggit nito ang tungkol sa larawan na kumakalat kaya agad niyang hinanap ang cell phone para tignan sa internet ang sinasabi nito kahit pa na nanghihina siya sa pagkakakita niya sa babae. Hindi nga siya nagkamali, ang anak niya ang tinutukoy ng kaniyang pinsan. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari ngunit iisa lang ang nasa isip niya; ginagawa iyon ni Hannah para paniwalain ang mga tao na siya ang legal na asawa hindi siya. Hindi lingid kay Irene na walang nakalalabas na impormasyon sa kumpanya ni Eugene lalo na’t maraming naka-alam sa employees ni Eugene tungkol sa kaniya pero kahit isa ay wala siyang nabalitaan na trending siya sa social media. Bilang asawa ng isang bilyonaryo sa buong mundo ay alam niyang magiging sikat siya pero hindi niya iyon inisip dahil mas mahalaga sa kaniya ang pamilya nila