“MOMMY! Mommy wake up nandito na po tayo!” Nagising ako dahil sa paggising sakin ng kambal na mukang tuwang-tuwa dahil nakikita na nila ang dagat. Napatingin ako sa paligid at nakababa na pala ang mga kasama ko habang inaantay ako sa labas. Matapos ang halos anim na oras na byahe ay sa wakas nakarating na ‘rin kami.Dahil na ‘rin kulang pa ako sa tulog ay nakatulog ako pero hindi iyon sapat dahil panay ang gising ko habang nasa byahe. “Sorry guys, antok pa ako e,” nasabi ko nalamang sa mga ito habang nakangiti. Nakaabang saakin si Eugene sa may bakuna ng van at inalalayan ako nitong bumaba’t hindi na inalis ang pagkakahawak sa aking kamay. “Okay lang ‘yun Irene, matulog ka nalang ulit pagdating niyo sa room niyo,” Napangiti ako dahil sa sinabi ni Eva at doon ko lang nailibot ang paningin ko sa paligid. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa ganda ng paligid lalo na sa aliwalas nito’t. Kasabay ng malakas na hangin sa paligid ay ang siyang tunog ng alon ng dagat na rinig na rinig
“ANGEL!” Napalingon si Irene ng tawagin siya ni Julie. Kabababa niya lang ng sasakyan kasama ang mama niya ng makita siya ni Julie kung kaya dali-dali itong tumakbo papunta sa kaniya. “Julie!” Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa at nagpasya na pumunta sila kung nasaan si Bobby. Ngunit napahinto sila nang makita na mayroon nanamang nang-aaway kay Bobby. “Bobby!” Agad na sigaw ni Julie at tumakbo upang tulungan ang lalaki. Nakita ng tatlong bata si Julie at natawa pa ang mga ito. “Ano Julie, ipagtatanggol mo nanaman ba ang mahina mong kaibigan?! Isa ka ‘rin namang mahina e!” Napakuyom ng kamao si Irene at dali-daling umalis sa kinalalagyan niya na siyang nakita ni Julie. Nasaktan si Julie dahil akala niya’y iniwan na sila ni Irene at hinayaan ngunit naalala niya na lagi silang nililigtas nito kaya sigurado siyang may binabalak ang bata. Nag pasya siyang kausapin nalang muna ang tatlong lalaki habang nasa likuran niya ang natatakot na si Bobby. Takot kasi ito sa tatlo at hindi lum
SA gitna nang pagtulog ni Irene ay nakaramdam siya ng pagkaihi kung kaya babangon na sana siya ngunit natigilan ng maramdaman niya ang pag-alis ng kaniyang katabi. Naalala pa niya ang nangyari kagabi, maayos na sila ni Eugene. Nakapag-usap na sila at nagka-aminan, hindi mahirap mahalin ang lalaki dahil bukod sa mayroon silang anak ay sa nakalipas na mga araw ay nakikita niya ang tunay na hangarin sa kaniya nito. Bukod pa sa kaalalam na si Eugene ay si Bobby. Narinig niya ang mahihinang bulungan kaya napakunot ang noo niya at nagpapanggap na tulog. Hanggang sa marinig niya ang pagsara ng pintuan. Napabangon siya dahil doon at wala na si Eugene sa tabi niya. Hindi niya alam kung sino ang kausap ni Eugene pero isa lang ang nasisiguro niya, mayroon kakaibang nangyayari. Dahil sa kutob niya ay bumangon siya at tuluyan ng nakalimutan ang kaniyang pagkaihi. Sumalubong sa kaniya ang tahimik na hallway ngunit naririnig niya ang dalawang usapan papalayo sa dulong parte ng hallway. Ngayon s
“M-MOMMY?” Antok na sabi ni Kaylie ng maramdaman niya ang halik ng ina sa kaniyang pisnge. “Good morning my daughter, it’s time for breakfast.” Pagkasabi ni Irene niyon ay si Ivan naman ang hinalikan niya sa pisnge na ikinagising ‘din nito. “Ikaw po ba ang nagluto mommy?” agad na tanong ni Ivan na ikinatango ni Irene at sabay na nanlaki ang mata ng kambal dahil doon. “Really?!” Napabangon sila kaya napatawa si Irene sa naging reaksyon ng mga ito. Alam niya na na-miss na nito ang luto niya kahit pa na simpleng breakfast foods pa ‘yan na madaling lutuin basta luto niya ay natutuwa na ang mga ito. Ganoon nila kamahal ang ina, lahat ng ginagawa nito para sa kanila ay chine-cherish nila. Lumaki sila na walang ama dahil na ‘rin sa alam na nilang dahilan ngayon, nakita nila kung paano sila palakihin mag-isa ni Irene lalo na hindi lingid sa kanila na nasa ospital ang tita Kayla nila na siyang inaalagaan ‘din nito. Kaya nga isang super hero ang tingin nila kay Irene. Walang makakapagpaba
MABILIS ang tibok ng puso ni Irene matapos niyang patayin ang TV. Malinaw ang sinabi ni Hannah sa interview na iyon, siya ‘daw ang asawa ni Eugene at ina ng kaniyang anak. Nabanggit nito ang tungkol sa larawan na kumakalat kaya agad niyang hinanap ang cell phone para tignan sa internet ang sinasabi nito kahit pa na nanghihina siya sa pagkakakita niya sa babae. Hindi nga siya nagkamali, ang anak niya ang tinutukoy ng kaniyang pinsan. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari ngunit iisa lang ang nasa isip niya; ginagawa iyon ni Hannah para paniwalain ang mga tao na siya ang legal na asawa hindi siya. Hindi lingid kay Irene na walang nakalalabas na impormasyon sa kumpanya ni Eugene lalo na’t maraming naka-alam sa employees ni Eugene tungkol sa kaniya pero kahit isa ay wala siyang nabalitaan na trending siya sa social media. Bilang asawa ng isang bilyonaryo sa buong mundo ay alam niyang magiging sikat siya pero hindi niya iyon inisip dahil mas mahalaga sa kaniya ang pamilya nila
“ANONG sinabi mo?!” Napaatras ang secretary ni Eugene nang biglang sumigaw ang kaniyang amo. Nasa loob niyon si Roger at Mason dahil pinag-uusapan nila ang nangyaring gulo na tungkol kay Ivan at kay Irene. Mayroong nag-leaked ng information tungkol sa pagkakaroon niya ng asawa at pagkakalat ng larawan ni Ivan sa social media. Ang gusto ni Eugene ay huwag munang ipakilala sa mga tao ang pamilya niya lalo na ang kambal dahil alam niyang mag-iinit ang mata ng mga ito sa mga anak niya lalo na’t malalaki na ang mga ito. On top of that si Irene ang pinakang ma-aapektuhan dahil kilala niya ang media. Hindi siya titigilan ng mga ito at tatanungin ng tatanungin kung bakit wala ito sa tabi niya sa napakatagal na panahon. Pinapahanap na nila ang employee na nag-leaked ng inpormasyon pero ngayon nga ay kasasabi lang ng secretary niya na tinipon ni Hannah ang mga press at inako na anak niya si Ivan at siya ang asawa nito. Isa pa iyon sa problema nila, ipinagutos niya kay Roger na pabagsakin n
HINDI alam ni Eugene kung ano ang mararamdaman niya ng marinig ang mga sinabi ni Irene sa press. Masaya siya na kayang ipagsigawan ni Irene sa mga tao na asawa siya nito pero kaakibat niyon ang pagkakonsensya niya. Matapos na malaman mula kay Hannah na alam na nito ang totoong pagkatao niya ay ngayon mas nakakasiguro na siya na ang mas mataas na position na sumusuporta kila Hannah ay hindi lang basta-basta negosyante kundi isang mafia na katulad niya. Ang balak niya noong una ay aminin sa lahat ang tungkol kila Irene ngunit umatras ang balak niya na iyon ng marinig ang sekreto niya kay Hannah. Siguradong mapapahamak ang pamilya niya kung ipagsisigawan niya ang totoo kaya nga nakokonsensya siya ngayon dahil hindi niya magawa ang katulad ng ginagawa ni Irene. “Eugene nakatakas si Hannah! Susundan ko siya!” natauhan siya ng magsalita si Mason sa tabi niya at agad na umalis doon. Si Irene naman ay natigilan dahil sa sunod-sunod na tanong sa kaniya ng mga press. Bago sa kaniya ang gano
Dahil ba pinagsigawan niya sa mundo na siya ang totoong asawa hindi si Hannah? Alam niya na mahal siya ni Eugene kaya impossible na kampihan nito si Hannah kaya malaking katanungan sa kaniya ngayon ay ang katotohanan lalo na at nagawa pa siya nitong sigawan. Iyon ang unang beses na nakita niya itong galit sa kaniya at pinagtataasan siya ng boses. “Madam are you okay?” napakurap siya ng magsalita si Randy habang nag mamaneho ito papunta sa bahay ni Eugene. “Y-yes I am okay.” “But umiiyak ka. ‘Wag mong intindihin ang sinabi ni boss dahil siguradong nasabi niya lang iyon dahil sa sobra-sobrang emosyon sa mga nangyayari,” Agad na napahid ni Irene ang kaniyang luha dahil totoo nga ang sinasabi nito. Hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya. Pero dahil na ‘rin sa sinabi ni Randy ay agad siyang napatingin dito lalo na at naalala niya na tauhan ito ni Eugene kaya malamang na may alam ito tungkol sa gulo na sinasabi ni Eugene. “R-randy, alam mo ba kung ano ang sinasabi ng asawa ko na