Share

Kabanata 25

"Ngayon ka na lang ba ulit nakapunta sa simbahan?" tanong sa akin ng isang lalaking ngiting-ngiti sa pagtingin sa paligid at saka sa akin tumitig.

Hindi ko maiwasang malungkot. Dati kasi, lagi kaming nagsisimba, naalala ko noon na kasama pa namin si papa, pupunta kami ng simbahan tuwing linggo at pagkatapos no'n kakain kami ng mainit na bulalo. Sobrang saya noon, kumpleto pa kami. Tapos ngayon paggising na lang ni mama, wala na si papa, hinintay niyang umuwi, pero hindi na siya nagpakita.

Ngumiti lang ako kay Gab na hinihintay ang sagot ko. "Oo, e. Tara na?" pang-aalok ko at saka kami nagpasiyang pumasok sa simbahan.

Hindi ko alam kung anong meron at bakit napakasaya ko, sanay naman akong magsimba noon pero ibang-iba kasi ang ngayon. Ngayon lang ako sumama sa isang lalaki para lang makapagsimba.

Tahimik lang kaming pumasok sa simbahan, magkatabi kaming dalawa sa isang bakanteng upuan. Titig na titig lamang ako sa harapan kung nasaan nakaukit sa perpektong kahoy ang perpektong Diyo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status