Share

Kabanata 26

Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko, nakabalik na ulit ako sa trabaho at permanente na ako roon sa club. Marumi man sa paningin nila ay kumportable ako roon lalo na't maayos ang aking kinikita at unti-unting umaayos ang buhay nila mama ayon na rin sa pamilya ni Ate Calli na kapit bahay lang namin.

Hindi rin mapagkakaila na madalas na nga kaming magkita ni Gabriel at halos araw-araw pa ay naisisingit ko siya, imbes na matulog sa umaga ay nakikipagkita ako sa kaniya. Halos lahat ng kasamahan ko ay kilala na si Gab dahil siya mismo ang sumusundo sa akin, wala namang ibang sinasabi si Jona sa akin maliban sa pagtatanong kung nasabi ko na ba ang tungkol sa pag-ta-trabaho ko sa club. Pero isa lang ang aking sinasabi... na hindi pa talaga ako handa.

Napatigil ako sa pag-aayos ng sarili dahil sa pagtunog na naman ng aking selpon. Pangalan agad ni Gab ang bumungad sa akin kaya hindi ako nagdalawang-isip na sagutin iyon.

"Hi!" masiglang bati ko saka ngumiti sa harap ng aking repleksyon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status