Share

Chapter 06

Natagalan siguro s’yang patulugin si pencil dahil anong oras na hindi pa siya nakakababa, inabot na siya ng ilang minuto siguro’y kalahating oras na rin ‘yon.

Aakyat na sana ako ulit para alamin kung ano na ang nangyayari kaya lang nakita ko na s’yang pababa sa hagdan kaya naupo na lang ulit ako.

Napansin ko kaagad na pawis na pawis siya, “Nahirapan ka ba’ng patulugin si pencil? Ba’t parang pinagpawisan ka masyado?” nagtataka kong tanong habang pinagmamasdan ko ang mukha n’yang may mga butil ng pawis.

“Y-yup! Ayaw n’yang kumalma, eh,” sagot niya na malayo ang tingin, napansin ko pa ang pamumula ng mukha niya.

“Paano mo napatulog?” tanong kong hinuhuli ang paningin niya pero huli na dahil tumungo na siya sa center table para ilapag ang bitbit n’yang laptop at mariin s’yang naupo sa sofa kaharap ng laptop.

“Kailangan ko pang i-stroke pababa’t pataas hanggang sa mapagod siya kaya ayon naglabas din siya ng pawis. Saka pa lang siya nanlambot, dahil do’n tuluyan na s’yang nakatulog,” pagpap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status