Nadatnan ni King si Enrico na nagkakape. Sa hitsura nang lalaki obvious na kagigising lang nito at may hang over. "Hindi iyon ang ipinunta ko rito, " wika kaagad ni King nang makita ang nagtatanong na tingin ni Enrico. Tumaas ang dalawang kilay ni Enrico sabay tango. "So, ano ang dahilan? Sight seeing ganun? Baduy mo—fine," pag-awat ni Enrico sa sarili nang makita ang seryoso na mukha ni King. Dumampot si King ng tinapay at pinapak iyon. Kaya siya nagawi rito ay dahil wala siyang mapagsabihan sa mga nangyari sa kanya nitong nakaraang araw. He was annoyed. Kaya pinalipas niya muna ng ilang araw dahil baka mabunton niya iyon kay Nenita. Unti-unti na niyang nakuha ang loob ng babae. Ngunit nang makita niya ito kanina sa labas, awtomatiko na nag-transform ang pag-uugali niya. Kaya lang hindi nabenta ang pang-aasar niya kay Nenita. "Anong problema at bakit parang bad trip ka? " usisa ni Enrico. "Sinong hindi ma bad trip, dalawang oras akong napaikit-ikot sa bawat kanto na nadadaan ko
Hindi pa natauhan si Nenita nang lumapit sa kanya King na nakapamewang at magkasalubong ang mga kilay. Inagaw niya ang cell phone na hawak ni Nenita at siya na ang sumagot ng tawag pagkatapos ay muling ibinalik sa kamay ni Nenita ang phone. "Ayan, ako na ang sumagot dahil mukhang wala ka namang balak na sagutin ang tawag ko, " aniya sa naiirita na boses. "Malay ko ba na number mo pala 'to! " mataray na sagot ni Nenita. "At saka saan mo nakuha ang number ko? At bakit ka tumawag? Anong kailangan mo? "Napakamot sa ulo na umingos si King at gumilid upang magpantay silang dalawa ni Nenita. Salubong ang kilay na nakasunod ng tingin si Nenita sa kanya, nagtataka. "Ang dami mong tanong, " aniya sa patag na tono at nagsimulang humakbang, sumunod naman sa kanya si Nenita. "Bakit nga? " usisa ni Nenita. "Wala... Para lang alam mo yung phone number ko, " saglit siyang sumulyap sa babae at binalik kaagad ang tingin sa daan. "May sasakyan na binigay si Enrico sayo, diba? Bakit hindi mo gamiti
"ANO?! " Hysterical na sambit ni Nenita. Ayaw niyang maniwala ngunit wala namang bakas sa mukha ng lalaki na nagbibiro lamang ito."It's already fixed. Go, make me some food." Winagayway pa ni King ang kamay senyales na aalis na si Nenita at sundin ang utos niya.Nenita crossed her arm. "Bina-block mail mo lang ako dahil hindi ka makakain dahil hindi ka marunong magluto."King shrugged. "Tawagan mo si tito at itanong sa kanya. Kailan ba ako nagbiro?"Hindi na alam ni Nenita kung ano ang sasabihin. Gusto niyang malaman kung ano ang totoo ngunit ayaw naman niyang tawagan si Don Emmanuel para kumpirmahin ito. Kumulo ang dugo niya nang taasan siya ni King ng kilay at pinaparating dito na wala siyang pagpipilian dahil bayad na ang serbisyo niya.Napahawak siya sa kanyang tiyan nang tumunog iyon. Bumaba ang tingin ni King doon. He want to confirm it but Nenita turn around and walk away. "Babalik ako," wika ni Nenita at nagmadaling lumabas sa bahay.Nagtataka man ipinikit nalang ni King ang
"May gusto ka sa pinsan ko?"Hindi kaagad nakasagot si Nenita dahil nabigla siya sa tanong ni King. Hindi niya napansin ang pagdating ni King dahil nakatuon ang atensyon niya sa nagsisisayan na pamilya. King looked at her plainly. Si Nenita naman ay nangangapa sa isasagot. At isa pa, saan naman nito napulot ang ganitong tanong? Sa puntong ito hindi maganda ang pakiramdam ni Nenita kaya ayaw niyang mag aksaya ng lakas para mangatwiran sa lalaki dahil alam niyang hahantong na naman silang dalawa sa pagtatalo. Knowing King ayaw itong magpatalo. Panindigan talaga nito kung ano ang kanyang sinabi.Aaalis na sana si Nenita nang muling magsalita si King. "Kasi sa pagkakilala ko sayo hindi ka naman mukhang pera. Well, kung sa kagwapuhan ang pag-uusapan, wala naman sa lahi namin ang pangit."Pinipilit niyang basahin ang kaseryosohan sa mukha ni King pati ang mga mata ng binata ngunit nabigo siya. Ngunit ang kinainisan niya ay nadadamay na naman ang salitang pera. "Hindi ako magtatagl sa kani
Parang tuod na nagpahila si Nenita nang dalhin siya ni King sa kanilang bahay imbes sa mansyon kahit hindi pa siya tapos sa pag iyak. Kasasabi niya lang kanina na ayaw niyang may makakita sakanya na umiiyak siya pero kusang bumagsak ang mga luha niya sa harap ni King nang magtanong ito kung sino ang may kagagawaan ng pasa niya.Pinaghila siya ng upuan ni King nang makarating sila sa kusina. Ipinagsalin rin siya ni King ng tubig sa baso at pinainom iyon sa kanya. Lahat nang iyon ay walang lakas na sinunod ni Nenita. Naiilang na pinikit niya ang mga mata nang paharap na umupo si King sa upuan na nasa tabi niya. Madilim parin ang mga mata nito at naka igting ang panga. Lihim siyang napadaing nang maramdaman ang malamig na bagay na lumapat sa gilid ng labi niya."Ilang beses na niya itong ginawa sayo?" nagpipigil sa galit na tanong ni King. Ibinaba ni King ang ice bag na hawak nang bahagyang ilayo ni Nenita ang mukha. Mahina itong napabuntonghininga nang wala siyang narinig na sagot mula
Hindi pinatulog si Nenita sa mensahe ni King. Dahil sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata parang nariring niya ang katagang iyon na si King mismo ang nagsalita. Ang inaalala niya ngayon ay kung paano umakto ng normal kapag kaharap niya ang lalaki lalo na kapag may iba silang kasama. Dahil sa mga nangyaring kababalaghan sa kanila wala siyang mukha na maihaharap kapag may ibang nakakaalam niyon."Bahala na" buntonghininga na himutok niya.Buong oras wala siyang ibang inalala kundi kung kamusta na si Rona. Kumusta na ang mga kapatid niya dahil hanggang ngayon hindi parin siya kino-contact ni Ashly. Ipinapanalangin niya lang na sana huwag silang saktan ng kanilang ama.Tatlong araw ang lumipas na walang balita sa mga kapatid. Alalang-alala na si Nenita. Kating-kati na ang mga paa niya na umuwi sa kanila o kaya ay puntahan eskwelahan ang kapatid.Napakislot siya nang may mabigat na braso na pumatong sa kanyang balikat. Nang tingalain niya ito it was Enrico. Pakiramdam niya huminto
Hindi niya alam kung saan niya ibunton ang galit niya at ang frustration na naramdaman. Dahil kung iisipin wala namang masama sa ginawa ni King. Naging big deal lang sa kanya dahil hindi niya iyon magawa sa kaniyang pamilya. At nahihiya siya kay king sa sitwasyon ng pamilya niya habang siya maganda ang buhay sa piling ng mga Montefalco.Sa kabilang banda nagpapasalamat siya sa ginawa ni King ngunit hindi parin maibubura niyon ang galit niya sa lalaki."Net, can we talk?" Maingat na pakiusap ni King. Sinadya niya si Nenita sa mansyon nang malaman na mag-isa lang ang dalaga nang sa ganoon makausap niya ito ng maayos."Anong pag-uusapan natin?" Nenita looked at him blankly. "Ang ipamukha sa akin na kaya mong tulungan ng walang ka hirap-hirap ang pamilya ko samantalang ako hindi magawang magpakita sa kanila. Ganoon ba?"Umawang ang labi ni King sa sinabi ni Nenita. Nagulat siya na ganoon ang salita na binitawan ng dalaga, na mali pala ang dating sa kanya ang magandang layunin ni King sa
Daig niya pa ang nakalunok ng tinik sa binitawang salita ni King. Puno ito ng sinseridad. Lihim siyang tumikhim upang mawala ang bikig sa lalamunan. Iniwas niya ang paningin kay King dahil hindi niya ito kayang makipagtitigan pa sa lalaki nang mapagtanto ang ginawa nila."Don't move," malambing na usal ni King nang makita niya ang pagngiwi ni Nenita nang akma itong ilayo ang katawan sa kanya.Ang damit ni King na hinubad niya ginawa niyang pamunas iyon sa sariling dumi na nakakalat sa hita ni Nenita. Habang si Nenita ay nasa malayo ang tingin dahil sa hiya.Hindi parin siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at hinayaan niyang mangyari ito.Hinayaan niyang bihisan siya ni King. Masakit ang ibaba niya kapag gagalaw at pakiramdam niya parang binugbog ang katawan niya.She is a whore. Iyan ang bukambibig ni Nenita sa sarili. Kasi kung hindi bakit niya hinayaan na may mangyari sa kanila ni King gayong wala naman silang relasyon dalawa? Sa gilid n