Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang tanaw ang papasikat na araw. Parang ako lang, star na nagpakislap sa buhay ng asawa ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ganap kagabi. Parang hindi totoo; parang panaginip lang. Mahal ako ng boss kong walang modo at matandang masungit na si Danreve.Yes, Danreve na lang, o my heart ang tawag ko sa kanya. Tanggal na ang sir, kasi, official Mrs. Abrazaldo na nga ako; official Senyorita na ng my heart ko.Kaya heto, at parang lutang pa rin ako hanggang ngayon. Bukod kasi sa official na kami ng my heart ko, hindi pa mawala sa isip ko ang sagot niya sa tanong ko kagabi. Paulit-ulit pa rin na nag-play sa utak ko.Memoryado ko na nga ang mga linyahan niya.“Charmaine, my star. Kahit pa bumalik siya bukas, hinding-hindi na magbabago ang nararamdaman ko. Ikaw na ang mahal ko; ikaw na ang buhay ko, at hindi na siya.”Ahay! Gumalaw na naman ang mga insekto ko sa tiyan. Ang saya-saya ng umaga ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Para nga akong nakalutang sa e
“Mommy,” sabi ng asawa ko, matapos ang sandaling pagkagulat, pero nanatili namang umakbay sa akin.Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa biglang pagbisita niya? Simula no’ng tumira ako rito sa villa, ngayon lang nangyaring dumalaw si Mommy. Maging si Lolo Clam ay hindi rin kami binibisita rito.Anong mayro’n at biglang napasugod ang Mommy nitong asawa ko na imbes bumitiw sa sa akin, mas niyapos pa ako na parang gusto akong protekhan sa Mommy niya.Mas lalo tuloy nanlaki ang mga mata ni Mommy. Alam ko, nagulat din siya sa inaakto nitong Anak niya. Nasobrahan sa ka-sweet-an kasi.Oo, at madalas nga kaming maglambingan sa harap ng mga kasambahay na puro mata ni Lolo Clam, pero hindi umabot sa puntong, nagyayakapan, at parang hindi na mapaghiwalay. “Magandang umaga po, Mommy,” pabulong ko namang bati na may kasabay na sulyap kay Manang Goding na hindi rin maalis ang ngiti sa labi. Ang nakita pa rin yata niya kagabi ang naiisip nito. Kaya hanggang ngayon ay ngiting-ngiti pa rin na pa
Matapos kong mapigil ang paghinga ko, napayuko naman ako. Hindi ko na kasi matagalan ang tingin ni Mommy. Hindi ko na matagalan ang parang nag-aapoy na tingin niya na parang sumusunog sa kaluluwa ko.Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Dapat ba akong magpaliwanag o hindi?Pakiramdam ko ngayon ay nasa loob ako ng kahon, nakakulong. Hindi makakilos at kinakapos ang hininga. Kinakain na rin kasi ako ng guilt. Bakit kasi, nagpadala ako sa ka sweet-an ng asawa ko? Bakit hinayaan kong maging totoo ang relasyon namin na dapat ay pagpapanggap lang. Paano na ‘to ngayon? Paano kung sapilitan niya akong palayasin sa buhay ng anak niya?“Magsalita ka, Charmaine. Ang tapang-tapang mo noon na ipaglaban ang kasinungalingan n’yo ni Danreve, tapos ngayon ay na tameme ka na?”Matapos ang sandaling pananahimik, at titig sa akin ay nagsalita ulit si Mommy na lalo namang nagpatameme sa akin.Tama kasi ang sinabi niya. Ang tapang-tapang ko nga na sumag
((Danreve))“Picca, bakit gano’n si Mommy? Ano ang pumasok sa utak niya?”Ilang oras na ang dumaan mula nang umalis sina Mommy at Charmaine. Pero ang simpleng bilin ni Mommy na magpahinga ako ay hindi ko magawa. Kanina pa nga ako rito sa pool area. Hindi ako mapakali. Kaya pati si Picca ay kinakausap ko na. Hindi ko naman kasi pwedeng kausapin si Manang Goding, sigurado kasing makararating kay Lolo Clam ang pinag-usapan namin. Si Onse naman, ewan at bakit hindi sinagot ang tawag ko. Umasta lang kasi ako na ayos lang umalis sina Mommy at Charmaine na hindi ako kasama, pero ang totoo, nag-aalala ako. Nag-aalala ako para sa asawa ko.Nagtataka nga kasi ako kung bakit biglang bumait si Mommy sa asawa ko. Pakiramdam ko may mali.Kaya hindi ko mapigilan ang sarili na kabahan. Hindi ko alam kung ano ang laman ng utak ni Mommy. Hindi ko alam kung may pina-plano siya o wala. Bakit bigla siyang napadalaw ngayon? Bakit niya sinama si Charmaine?“Picca, nag-aalala ka rin ba?” tanong ko naman k
Hindi na naman agad ako nakapagsalita. Nagulo ang utak ko. Nagulat ako sa sinabi ni Mommy; alam na niya ang lahat. Pero mas nagulat at naguguluhan ako sa sinabi niyang ginagamit ko si Charmaine para umuwi si Golda. “Alam mo na Mommy? How? When?” putol-putol kong tanong. Hindi ko na ma-express ng mabuti ang nilalaman nitong utak kong ang gulo-gulo na. Kagagawan ko ‘to. Ginusto ko ‘to, at alam ko sa simula palang, kung gaano ka komplikado ang pinapasok ko. At ngayong ramdam ko na ang epekto ng kalokohang pinaggagawa ko, parang hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung paano masosolusyonan ‘to. Hindi ko na nga alam kung paano ako mag-explain.“Ang bata-bata ng babaeng pinakilala mo sa amin na asawa mo, Danreve. Akala mo talaga, hindi kami magdududa? Akala n’yo mapapaniwala mo kami sa acting n’yo?” tanong nito na kamot na lang sa ulo ang sagot ko.“Kaya namin kayo sapilitang ipinakasal, para magtanda ka, Danreve! Para tigilan mo na ang kahibangan mo sa girlfriend mo, at hindi pa
((Charmaine))Sandali akong hindi nakakilos. Bakit kasi kailangan ko pang marinig ang usapan nila? Sana pala ay hinayaan ko na lang si Manang Goding na tumawag sa kanila.Tuloy, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto kung magkunwaring walang narinig. Gusto kong kumilos ng normal, pero hindi ko magawa. Parang naparalisa ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Mommy. Trabaho ko ang magpanggap, pero ngayon, hindi ko na magawa. Ang hirap gawin dahil totoong nasasaktan ako.Sinubukan kong magsalita, pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Ang bigat-bigat kasi ng nararamdaman ko, sa puntong pati paghinga ko ay bumigat din.Hindi lang pala mabigat; ang sakit-sakit. Parang kinuyumos ang puso ko na nagpapahirap sa paghinga ko.Ganito pala kasakit ang umasa at mabigo. Lahat ng parte ng katawan ko, apektado; lahat masakit.Ramdam ko na nga rin ang pag-iinit ng mga mata ko, na parang ano mang oras ay papatak na ang luha ko. Pero pinipilit kong pig
Bumilog ang mga mata ko na sumabay rin sa pagkawala ng boses at mga yabag ni Mommy. At imbes na utusan ko na naman itong asawa ko na ibaba ako, at baka sumakit na naman ang ulo niya, hindi ko na magawa. Napatitig na lang kasi ang nanlalaki kong mga mata sa mukha nito na ngayon ay may pilyong ngiti na sa labi habang karga ako paakyat ng hagdan. “Danreve, ibaba mo na ako, please,” mahinahon kong pakiusap nang marating namin ang ikalawang palapag, at ngayon ay papunta na kami sa kwarto. “Later, my star,” malambing nitong sagot sabay na ang pagbubukas ng pinto na sumabay rin sa malakas na kabog ng dibdib ko. Sinong hindi kakabahan? Gagawa raw kami ng baby. Hindi pa pwede; hindi pa ako handa. Hindi pa kasi dumating si Golda. Ang presensya lang kasi ni Golda ang magpapatunay kung totoong mahal niya ba ako at hindi niya lang ginagamit. Oo, matapos ang nangyari kanina. Matapos kong masaktan sa narinig ko mula kay Mommy. Naisip ko na dapat lang na umuwi si Golda, para malaman ko kung to
((Danreve))“Bro! Gusto mo raw akong makausap?” nakangiting bungad ni Onse, kasabay ang pagbubukas ng pinto na ikinagulat ko pa. Hindi ko kasi in-expect na darating siya. Ayaw nga niyang sagutin ang mga tawag ko. Kaya inutusan ko na lang si Charmaine na tawagan siya at papuntahin rito sa opisina. Oo, nakabalik na ako sa trabaho. Ayaw ko pa man sana dahil gusto kong laging kasama ang asawa ko, hindi naman pwede. Ang dami nang na antalang projects dahil sa akin. Ayaw ko namang maapektuhan ang kompanya, dahil in love ako. Kaya tiis-tiis na lang muna ako ng ilang oras na hindi kasama ang mahal ko.“Sabi ni Charmaine, may sasabihin ka raw, bro,” sabi na naman nitong kaibigan ko na hindi ko nga nagawang sagutin agad. Lumipad na naman kasi ang utak ko. Laman na naman ng utak ko si Charmaine. “Ibang klase, ah! Mga tawag ang messages ko, hindi mo masagot-sagot, pero isang tawag lang ni Charmaine, agad kang sumunod,” umiiling kong sabi, kasabay ang pagtayo at lalapitan na sana siya, pero s