Nakapag-double update din sa wakas.
((Charmaine))Sandali akong hindi nakakilos. Bakit kasi kailangan ko pang marinig ang usapan nila? Sana pala ay hinayaan ko na lang si Manang Goding na tumawag sa kanila.Tuloy, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Gusto kung magkunwaring walang narinig. Gusto kong kumilos ng normal, pero hindi ko magawa. Parang naparalisa ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Mommy. Trabaho ko ang magpanggap, pero ngayon, hindi ko na magawa. Ang hirap gawin dahil totoong nasasaktan ako.Sinubukan kong magsalita, pero walang lumabas na boses sa bibig ko. Ang bigat-bigat kasi ng nararamdaman ko, sa puntong pati paghinga ko ay bumigat din.Hindi lang pala mabigat; ang sakit-sakit. Parang kinuyumos ang puso ko na nagpapahirap sa paghinga ko.Ganito pala kasakit ang umasa at mabigo. Lahat ng parte ng katawan ko, apektado; lahat masakit.Ramdam ko na nga rin ang pag-iinit ng mga mata ko, na parang ano mang oras ay papatak na ang luha ko. Pero pinipilit kong pig
Bumilog ang mga mata ko na sumabay rin sa pagkawala ng boses at mga yabag ni Mommy. At imbes na utusan ko na naman itong asawa ko na ibaba ako, at baka sumakit na naman ang ulo niya, hindi ko na magawa. Napatitig na lang kasi ang nanlalaki kong mga mata sa mukha nito na ngayon ay may pilyong ngiti na sa labi habang karga ako paakyat ng hagdan. “Danreve, ibaba mo na ako, please,” mahinahon kong pakiusap nang marating namin ang ikalawang palapag, at ngayon ay papunta na kami sa kwarto. “Later, my star,” malambing nitong sagot sabay na ang pagbubukas ng pinto na sumabay rin sa malakas na kabog ng dibdib ko. Sinong hindi kakabahan? Gagawa raw kami ng baby. Hindi pa pwede; hindi pa ako handa. Hindi pa kasi dumating si Golda. Ang presensya lang kasi ni Golda ang magpapatunay kung totoong mahal niya ba ako at hindi niya lang ginagamit. Oo, matapos ang nangyari kanina. Matapos kong masaktan sa narinig ko mula kay Mommy. Naisip ko na dapat lang na umuwi si Golda, para malaman ko kung to
((Danreve))“Bro! Gusto mo raw akong makausap?” nakangiting bungad ni Onse, kasabay ang pagbubukas ng pinto na ikinagulat ko pa. Hindi ko kasi in-expect na darating siya. Ayaw nga niyang sagutin ang mga tawag ko. Kaya inutusan ko na lang si Charmaine na tawagan siya at papuntahin rito sa opisina. Oo, nakabalik na ako sa trabaho. Ayaw ko pa man sana dahil gusto kong laging kasama ang asawa ko, hindi naman pwede. Ang dami nang na antalang projects dahil sa akin. Ayaw ko namang maapektuhan ang kompanya, dahil in love ako. Kaya tiis-tiis na lang muna ako ng ilang oras na hindi kasama ang mahal ko.“Sabi ni Charmaine, may sasabihin ka raw, bro,” sabi na naman nitong kaibigan ko na hindi ko nga nagawang sagutin agad. Lumipad na naman kasi ang utak ko. Laman na naman ng utak ko si Charmaine. “Ibang klase, ah! Mga tawag ang messages ko, hindi mo masagot-sagot, pero isang tawag lang ni Charmaine, agad kang sumunod,” umiiling kong sabi, kasabay ang pagtayo at lalapitan na sana siya, pero s
Sandali akong napatitig sa kaibigan kong si Onse na ngayon ay nagtangis na ang bagang at parang gusto na akong sapakin. Ramdam ko rin na seryoso siya sa banta niya. Pero imbes na matakot ako sa naging banta niya. Tinampal ko lang ang daliri niya. Hindi ko nagustuhan ang klase ng pagsasalita niya kanina na parang pinagpantasyahan ang asawa ko. Pero gusto ko ng kompermasyon. Gusto kong alamin kung tama ba ang hinala ko. Gusto niya rin ba ang asawa ko, kaya ang lakas ng loob niya na pagbantaan ako?“Gano’n ba katindi ang nararamdaman mo para sa kaniya, at pati ako na matalik mong kaibigan ay nagawa mong pagbantaan?” Nag-aalburuto na itong kalooban ko, pero pinili kong maging kalmado. Gusto kong matapos ang usapan namin sa maayos na pag-uusap at hindi sa pisikalan. At saka, nasa opisina kami. Kung magkagulo kami rito, siguradong aabot ito sa mga magulang ko.“Ano ngayon kung may nararamdaman nga ako kay Charmaine?” Pagtayo ang kasabay ng sinabi niya, at hinarap ako na may pagyayabang.
((Charmaine))Gusto ko lang naman sanang e-surprise ang asawa ko, kaya naglakas loob ako na magpunta rito sa opisina niya, kahit nahihiya akong makita ng mga emplayado niya.Bukod sa pamilya ni Danreve at mga kaibigan namin, wala pa kasing ibang may alam na may asawa na itong my heart ko na may edad na nga, pero ngayon pa umastang bata. Ang expected kong makita ay matamis niyang ngiti dahil sa pag-surprise ko sa kanya. Kaya lang, ako pala ang ma-su-surprise dahil sa naabutan kong away nila ni Sir Onse. Hindi nga agad ako naka-kilos. Nagulantang ako. Nagpalipat-lipat na lang ang tingin ko sa kanila habang um-acting naman ang dalawa na okay sila at nagka-katuwaan lang sila na magsakalan.Pero kahit anong acting pa ang gagawin nila, hindi nila ako maloloko. Alam kong may problema sila; alam kong nag-aaway sila. Nakakaasar nga lalo, ang todo ngiti nitong asawa ko. Ngumingiti lang naman kasi siya, para pagtakpan ang galit nito kay Sir Onse. Takot kasi siyang matulog sa ibang kwarto. Ka
“Susugal ka ba talaga sa lalaking alam mong may ibang mahal?” Susundan ko na sana ang asawa ko, kaya lang, nahinto ang paghakbang ko dahil sa tanong ni Sir Onse. Dahan-dahan akong lumingon, at ngayon ay hindi lang pala boses niya ang malungkot. Pati mukha niya ay bakas din ang lungkot. Hindi ko na tuloy alam kung paano sasagutin ang tanong niya. Napatitig na lang ako sa kanya. “Charmaine, gamitin mo ang utak mo. Pag-isipan mo muna ang bagay na ‘to ng ilang beses bago ka magdesisyon,” dagdag niya pa, kasabay ang dahan-dahan na paglapit sa akin. “Ano, sigurado ka na ba talaga? Nakapag-isip ka na ba?” tanong na naman niya, ngayong nasa malapit ko na siya.Kung kanina ay hindi ko alam kung paano siya sasagutin, ngayon ay tumango-tango na ako ng maraming beses, at saka, mapait na ngumiti. “Ilang beses ko po sinubukan na iwasan siya, Sir Onse. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi siya para sa akin. Ilang beses ko nga ring tinampal ang ulo ko, makapag-isip lang ako ng tama. Per
(((CHARMAINE))) “Charmaine, lakad na! Ano ka ba naman! Sabi ko naman sa’yo, ako na ang bahala kay Nanay,” apura sa akin ni Daisy. Matalik kong kaibigan. Kapapasok lang nito sa bahay, at heto tumalak agad. Alam niya kasi na may job interview ako ngayon. Mama nga kasi niya ang nag-recommend sa akin sa trabahong ‘yon. Mabuti na lang at nagkataon naman na wala siyang pasok sa eskwela, kaya siya ang nagpresenta na magbantay kay Nanay habang wala ako. Medyo inggit nga ako sa kanya, dapat kasi ay nag-aaral din ako gaya niya. Pareho na sana kaming first-year college ngayon. Pero dahil nagkasakit si Nanay, kailangan ko munang huminto sa pag-aaral para maghanap ng trabaho. “Akin na nga ‘yan!” Binawi pa nito ang mangkok ng lugaw na ibibigay ko pa sana kay Nanay, at saka, tinulak ako papunta sa pinto. “Bilis na! Mahuhuli ka na!” Tipid na lang akong ngumiti, pero ang tingin ko ay na kay Nanay na. Kahit ngumingiti siya, bakas pa rin ang pananamlay. Bakas ang panghihina. Nadudurog a
“Ano?!” Bulalas ko sabay ang pagtayo. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pero ‘yong sinabi ni Onse; intinding-intindi ko kahit english pa ‘yon. Hindi pwedeng hindi ko maintindihan ang simpleng salitang ‘yon. “Ano po bang kalokohan ‘to?!” naguguluhan kong tanong. Medyo tumaas din ang boses ko. Ayoko kasi ng ganito. Oo, mahirap nga ako, pero hindi ako ‘yong tao na payag lang na paglaruan. Lalong ayaw kong inaapakan ang pagkatao ko, at magmukhang tanga sa harap ng mga lalaking ‘to. Kahit mayaman pa sila, hindi ako papayag na gawin nila akong katawa-tawa. “Don’t raise your voice on us!” Dinuro ako ni Danreve. Sa unang pagkakataon, nasilayan ko ang pagmumukha niya. Nagsusumigaw rin ang kagandahang lalaki, pero umalingasaw naman ang masamang ugali. “Wala kang karapatan!” dagdag pa nito, at akmang lalapitan pa ako. Hinawakan naman siya ni Onse sa balikat, sabay sabi, “Bro, kalma.” Nasa akin na rin ang tingin niya. Tingin na parang naguguluhan at hindi na naman mapakali.