Nag-apply bilang pet nanny, natanggap bilang asawa. Si Charmaine, isang nineteen years old na dalaga, dahil sa matinding pangangailangan ay pumayag sa alok na fake marriage ng isang thirty-two years old at mayamang binata. Paano kung ang fake marriage nila ay mauuwi sa totoong kasal? Mauuwi din ba kaya sa totoong pagmamahalan ang pagsasama nila, o mauuwi sa pagkasawak ng mga puso nila?
View More“Sir Dandreve! Ulo mo po.”Matapos kong mapatili dahil sa biglang pagbuhat sa akin ni Sir Danreve ay bigla naman akong nag-alala. Bawal nga siyang magbuhat ng mabigat. Isa ‘yon sa bilin ng doctor.Kahit ang liit kong babae. Alam kong mabigat pa rin ako.“Ibaba mo na po ako, Sir Danreve,” sabi ko pa habang karga pa rin niya ako, papunta sa kama. “Awww…” daing niya, at napahawak sa ulo niya matapos akong ilapag sa tabi ni Picca. Agad na rin siyang umupo sa tabi ko, habang hawak-hawak ang ulo niya.“Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Sir Danreve. Bakit mo ba ‘yon ginawa? Kung ayaw mo akong humiga ro’n, sana sinabi mo. Hindi ‘yong pabigla-bigla ka ng kilos,” sabi ko na daing pa rin ang sagot niya.“Sir Danreve, naman e! Ano ba ang pumasok sa utak mo? Para ka namang bata. Hindi mo ba narinig, o naintindihan ang sinabi ng doctor kanina? Hindi porket, hindi nabasag ang bungo mo ay hindi na delikado ang nangyari sa’yo!” talak ko pa, pero panakanaka na hinihipan naman ang ulo nito. Nilingon niy
“My heart, dahan-dahan lang,” sabi ko, habang inalalayan siya palabas ng kotse. Tinakpan ko pa ng palad ko ang sugat niya sa ulo. Ngiti naman ang sagot nito, pero ang tingin ay na kay Aka na ewan at ngising-ngisi rin . Maging si Manang Goding at ang ibang kasambahay ay nakangiti rin habang bitbit ang mga gamit namin. “Ano ba ang mayro’n at gano’n sila ka saya?” pabulong kong tanong habang inalalayan ko pa rin si Sir Danreve, paakyat ng hagdan. “Natutuwa lang ang mga ‘yon. Na miss tayo. tatlong araw din kaya tayong nanatili sa hospital,” sagot naman ni Sir Danreve na hindi pa rin nawala ang ngiti. “Sana nga po, hindi ka na muna lumabas ng hospital, sir, para lagi ko pa ring nakikita si Nanay,” malungkot kong sabi. “Pwede mo naman siyang dalawin, kahit araw-araw pa.” Biglang napalingon naman ako sa kanya. “Totoo? Pwede kong gawin ‘yon?” Hindi makapaniwalang tanong ko. “Oo, pwede mong gawin ‘yon, basta kasama ako.”Mapakla akong tumawa. “Para kang sira Sir Danreve. Hindi pa nga ma
Sandali kaming nagkatinginan ni Sir Danreve. Sandali rin akong nalito. Nabitin kasi ako sa salitang sinabi nitong asawa kong malaki nga yata ang pinsala sa ulo at naging abnormal na.Wrong timing naman kasi ang pagdating ni Lolo Clam. Ang masama pa, nakasunod pala sa kanya sina Mommy at Daddy na alam kong galit sa akin. Nasaktan nga ang pinakamamahal nilang Anak dahil sa akin. Kaya, heto at sumugod sila para e-check ang kalagayan nito at pagalitan ako.“Magandang gabi, po, Lolo Clam,” bati ko kay Lolo Clam na agad lumapit sa akin.Mabuti na lang at kasundo ko ito si Lolo, lagi siyang pomapabor sa akin at madalas kinukontra si Mommy Riza. Pero ngayon, ewan na lang kung ako pa rin ba ang papaboran niya. “Mom, Dad, magandang gabi, po.” Halos pumiyok ang boses ko habang sinasabi ‘yon.Matalim na tingin kasi ang sagot ni Mommy at Daddy sa bati ko na nagpatindi ng kaba ko.Dagdag pa ‘to sila sa gulo ng utak ko. Hindi ko na kasi alam, kung ano ang una kong iisipin. Ang galit ba nila, o ang
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto kong tawanan lang sana ang sinabi niya, pero kasi, mas nangibabaw ang galit ko. Gusto ko na nga siyang batukan. Gusto kong maalog ang utak niya nang matauhan.Abot-abot kasi ang kaba ko kanina. Ang sikip-sikip ng dibdib ko, hindi nga matigil ang iyak ko. Guilty ako. Sinisi ko ang sarili ko. Ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Tapos ngayon, nakuha niya pang magbiro. Ano bang utak mayro’n siya?“Wala ka talaga sa ayos, Sir Danreve! Nasaktan ka na nga, nakuha mo pang magbiro!” madiin kong sabi na nagpangiti naman sa kanya ng mapait. “Tingin mo ba nagbibiro ako?” nanghihina niyang tanong.Hindi ako sumagot. Sinubukan ko ring bawiin ang kamay kong hawak pa rin niya at nakalapat pa rin sa dibdib niya. “Totoong masakit ‘to, Charmaine—masakit na masakit dahil hindi mo ako pinapansin. Iniiwasan mo ako,” seryoso niyang sabi na nagpakurap-kurap ng mga mata ko. “Sir Danreve, teka nga lang. Bitiwan mo po m
((Charmaine))Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng ambulansya. Hindi ko rin mabitiw-bitiwan ang kamay ni Sir Danreve. “Sir Danreve, sorry, po. Sorry…” paulit-ulit kong sabi.Naiinis ako dito sa boss kong ‘to, pero hindi ko naman gustong masaktan siya. Hindi ko gusto na humantong sa ganito. Ang gusto ko lang naman ay lumayo muna sa kanya, kahit sandali lang—kahit ilang oras lang. Gusto kong makapag-isip siya. Gusto kong maging malinawan ang pag-iisip niya. Alam ko; ramdam ko na naguguluhan lang siya, kaya panay ang paramdam niya sa akin ngayon. Oo, bata nga lang ako sa tingin niya. Pero hindi ako manhid para hindi maiintindihan ang ginagawa niya.Alam kong hindi niya ako totoong gusto. Nasanay lang siya na ako ang lagi niyang kasama at nakikita, kaya nalito na siya sa nararamdaman niya. Gusto kong bigyan siya ng oras, alalahanin niya kung gaano niya kamahal si Golda. Gusto kong maalala niya na kaya kami nagpapanggap ay dahil sa girlfriend niya.“Bakit ka ba kasi nagpunta do’n
Hapon na, at marami na rin akong nagawa rito sa opisina. Kahit ang gulo ng utak ko. Pinipilit ko namang mag-focus, pero talagang pumapasok pa rin si Charmaine sa utak ko.May pagkakataon na nawawala ako sa sarili. Hindi kasi mawala sa utak ko ang salitang sinabi ni Onse. Paulit-ulit ko pa ring naririnig ang mga salitang binitiwan niya. “Don’t break her,” ulit ko sa salitang ‘yon. Nahagod ko naman ang buhok ko. Paano ko naman siya masasaktan? Hindi nga niya ako hinahayaan na mahalin siya. Iniiwasan niya ako na parang may nakakahawang sakit.Kung mayro’n mang nasasaktan sa aming dalawa ngayon, ako ‘yon. Ako lang. Ako ‘yong nasasaktan dahil hindi ko masabi o maparamdam man lang sa kanya ang pagmamahal ko. Ang hirap-hirap na nga. Parang nasasakal ako. Hindi lang dahil sa hindi ko masabi ang nararamdaman ko kay Charmaine.Nalilito pa rin ako. Naguguluhan. Mahal ko si Charmaine, pero hindi ko naman magawang itapon na lang basta ang pitong taon na relasyon namin ni Golda. “Sir Danreve,”
((Danreve))Malakas na kahol ng aso at tawa ang gumising sa akin kinaumagahan. Laging ganito ang umaga ko. Ang masayang boses ni Charmaine ang parang naging alarm clock ko tuwing umaga. Ang nakakalungkot lang dahil hanggang tanaw na lang ako sa kanya mula rito sa balcony ng kwarto namin. Ito na kasi ang routine niya. She makes sure na maaga siyang gumising, at sa gabi naman pagdating ko mula sa trabaho ay tulog na siya. Ginagawa niya ang lahat, iwasan lang ako. Kapag lumalapit ako ay lumalayo siya. Ni ayaw na nga niya akong tingnan. Kay Picca siya nag-focus, sa pagiging pet nanny niya at hindi sa pagiging asawa ko.Simula kasi no’ng hinalikan ko siya, at panay na ang paramdam ko sa kanya na may feelings na nga ako for her, ay umiiwas na siya. Hindi ko naman siya masisi. Tarantado nga kasi ako. Ako ang naglagay ng boundary sa pagitan namin. Sinabi ko sa kanya ng diretso noon; I have a girlfriend, and I love her so much. Kaya sakali mang mag-isip siya na pwede maging kami, tigilan na
“Ano ba, sir?!” reklamo ko, pero napakapit naman sa batok niya. Nagulat nga kasi ako. Akala ko magsesermon siya, o hindi kaya, hahayaan niya akong matulog at aalis na siya. Pero iuuwi pala ako.“Ibaba mo nga po ako, Sir Danreve. Bakit ba, epal ka!?” Dagdag ko, pero natiim ko naman agad ang labi ko. Pinanliitan ba naman ako ng mga mata na sinabayan ng pagtagis ng bagang.Balik na naman sa dati ang ugali niya. Paggusto niya, gagawin niya, at hindi akong pwedeng kumontra. Pigil akong bumuga ng hangin, naninikip kasi ang dibdib ko dahil dito kay, Sir Danreve. “Pagod lang po ako, hindi po lumpo,” pabulong kong sabi, sabay ang sikretong sulyap sa seryoso niyang mukha. Hindi na nga kasi siya nagsasalita, patuloy lang siya sa paglalakad na parang hindi man lang nabibigatan. “Sir, diretso mo na lang kaya ako sa emergency room, malapit na kasi akong mahimatay, sa hiya!” Sinamaan ko siya ng tingin na ginantihan naman niya ng mas masamang tingin. Ang sama—katulad ng ugali niya.Binaon ko n
Nagsisimula nang maging marahas ang paghinga ko. Halos hindi ko na rin mahabol ang tibok ng puso ko. Ang dami na agad pumapasok sa utak ko. Mga posibleng komplikasyon. Mga maaring mangyari kay Nanay, habang isinasagawa ang dialysis. “Daisy, ano ba? Magsalita ka!” Niyugyog ko na si Daisy. Natahimik na lang kasi siya, hindi na rin maperme ang mga mata, at humigpit rin ang paghawak niya sa cellphone niya.“Bakit ka ba naglilihim, besty?! Ano ba ang kinatatakutan n’yo?”Hindi ko sila maintindihan, sa totoo lang. Kahit naman, hindi ako laging nagpupunta rito hospital, updated pa rin naman ako sa kalagayan ni Nanay. Nakakausap ko pa rin ang doctor. Kaya nga alam ko kung ano na ang mga naging komplikasyon niya. Ang wala akong alam ay kung ano ang nangyayari sa loob ng dialysis center.Marami na akong naririnig, mga dialysis patient na inaatake sa puso habang isinasagawa ang dialysis. ‘Yon ang ikinatatakot ko. “Wala–wala, besty. Ayaw lang talaga ni Nanay na may nanonood sa kanya habang du
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.