Share

Kabanata 7

Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising hangga’t kasama pa namin siya.

“Danreve!”

Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko, masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve.

“Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito.

Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito.

“Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa Lolo mo! Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya!” Pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit.

“Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve sa galit nitong ina.

Sa totoo lang dobleng takot na ang nararamdaman ko. Takot dahil sa nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Sir Danreve, at takot sa kondisyon nito.

Tumaas na yata kasi ang dugo. Medyo hirap na rin ito sa paghinga. Paano kong atakihin siya sa puso.

Nilingon ko si Sir Danreve. Gusto kong sabihin na gumawa siya ng paraan para kumalma ang Mommy niya.

Natatakot na kasi talaga ako. Ang gusto ko lang ay mapagamot at madugtungan ang buhay ni Nanay. Hindi ko hangad na may mawalan ng Nanay dahil sa akin.

“Mom, please. Just hear me out.” Bumuga ng hangin si Sir Danreve, sabay sulyap sa akin.

Bago pa kami nagpunta rito sa hospital. Nagpag-usapan na namin ang mga posibleng mangyari. Pero ngayong nasa actual na kaming pangyayari. Lahat ng nagpag-usapan namin kanina, awtomatikong nabura.

Ramdam ko, gaya ko, hindi na rin alam ni Sir Danreve kung ano ang sasabihin.

Hindi ko sadyang naipulupot ang braso ko sa baywang ni Sir Danreve. Pero ramdam kong napaigtad siya at sandaling tumitig sa mga mata ko, saka naman niya muling hinarap ang Mommy niya.

“Mom, ‘wag ka naman magalit, please,” pakiusap na naman niya.

Hindi na sumagot ang Mommy niya. Hinahabol pa rin kasi nito ang paghinga niya.

“Alam ko na kasi na ito ang mangyayari. Kaya ko nga po tinago ko ang totoo ng matagal na panahon. Alam ko na magagalit kayo.” Halos pabulong na paliwanag nito. Kasinungalingang paliwanag.

Matapos mawala sa isip ang mga napag-usapan namin kanina. Sa wakas, nagbalik rin sa katinuan ang mga utak namin.

“Alam ko, pagdududahan n’yo siya. Alam ko, you wouldn’t accept her.”

Ngayon ay um-effort na si Sir Danreve. Parang totoo, at hindi kasinungalingan ang mga sinasabi nito. Titig na titig pa ito sa Mommy niya.

Kung hindi nga lang ako kasali sa dramang ‘to, tiyak ay mapapaniwala niya rin ako, that he is deeply in love me.

Sobrang makatutuhanan kasi ng paliwanag niya. Masyado nga yata siyang na dala ng emosyon, pati kamay niya ay sumabay rin sa pagsasalita niya. Hinaplos-haplos ba naman ang likod ko, may papisil pang kasama.

“Do you think, maniniwala ako sa kasinungalingan mo? I wasn’t born yesterday, Danreve. Hindi mo ako mapapaniwala sa kasinungalingan mo—ninyo nitong batang ‘to!” Duro na naman ako nito na may kasabay na matalim na tingin.

Mapaklang tumawa si Danreve. "Bata…” mahinang tawa ang tumapos sa salitang ‘yon. “Mom, walang bata o matanda, when it comes to love. Alam mo naman po ‘yon.” Sandali naman niya akong nilingon at ngumiti ng matamis.

Saglit akong nawala sa focus. Hindi ko kasi napaghandaan ang ngiting ‘yon. Hindi ko alam na marunong rin palang ngumiti ang gaya niya.

“Nakalimutan mo na po ba? Thirteen years din ang age gap ng Lolo at Lola no’ng ikasal sila?”

Thirteen years? Parang kami lang? Nineteen ako, siya ay thirty-two.

Hindi na tuloy maalis ang tingin ko sa mukha nitong fake kong asawa na ang galing um-acting, with action pa talaga.

Matapos kasing magtaas-baba ang kamay nito sa buong likod ko, ngayon ay baywang ko naman ang pinagdidiskitahan. Pinisil-pisil ba naman na may paminsan-minsang haplos.

“Please, Mom, give us a chance…”

“Stop it, Danreve!” Diniin niya ang food container sa dibdib ng Anak niya.

Agad naman iyong hinawakan ni Sir Danreve, at inilayo sa katawan niya, sabay lingon naman sa akin.

Mainit yata ang stainless container. Dumaing kasi. Napabitiw sa baywang ko.

“I don’t want to hear any more lies. Ang gawin mo, pumasok ka sa loob. Alagaan mo ang Lolo mo. Pakainin mo. Gawin mo lahat, mawala lang ang dinaramdam niyang sama ng loob sa’yo, at hindi ‘yong magdadala ka ng sakit ng ulo!”

“Mom—”

Kokontra pa sana si Sir Danreve, pero pinatahimik ito sa duro ng Mommy niya na sinabayan ng panlilisik ng mga mata.

“And you! Come with me!” Agad nitong hinawakan ang braso ko, at pakaladkad akong hinatak.

Hindi ako nakapag-react. Hindi na rin ako nahawakan ni Sir Danreve. Akmang susunod rin sana siya sa amin, pero dinuro na naman siya ng Mommy niya.

Gusto kong, magsalita. Gusto kong magmatigas, pero nadaig na naman ako ng takot. Sumikip na ang dibdib ko. Nag-iinit na rin ang mga mata ko.

Paulit-ulit akong bumuga ng hangin. Pinapakalma ko ang sarili. Si Nanay—kalagayan ni Nanay ang iniisip ko. Sa kanya lang kasi ako kumukuha ng lakas at kapal ng mukha para magawa ko itong trabahong pinasok ko.

“Tita—”

Isang lingon niya lang na may kasamang pandidilat, ay agad nang sumara ang labi ko. Halos hindi ko na nga mapigil ang panginginig.

“Magkano ang kailangan mo, layuan mo lang ang Anak ko?!” pasinghal nitong tanong, sabay ang patulak na pagbitiw sa akin.

Bumangga ako sa nakaparadang kotse. Masakit. Pero physical pain lang ‘yon. Mawawala rin agad. Ang masakit, iyong tingin niya sa akin. Tingin na parang ang dumi-dumi ko.

Napangiti ako ng mapait. Napapikit din ako sandali.

Alam ko na ito talaga ang maririnig ko. Mayaman nga sila. Akala nila, kaming mahihirap, pera lang ang katapat. Which is tama naman. Dahil sa pera, kaya ko ‘to ginagawa.

Oo, inaamin ko masama ang magsinungaling. Masama ang magpanggap. Pero kapit sa patalim na nga ako. As long as, wala naman akong nasasaktang tao, go lang ng go, para sa Nanay ko.

“Tita—”

“Don’t call me, Tita! Hindi kita kilala at lalong hindi kita kapamilya!” sikmat nito, pero may dinudukot naman sa loob ng bag.

“One million pesos, sapat na siguro ito, layuan mo lang ang Anak ko!” Diniin niya sa dibdib ko ang cheque. Wala akong nagawa kung hindi, hawakan iyon.

Muli na naman akong ngumiti ng mapait habang ang tingin ay nasa cheque. One million, ang laking halaga na nga nito, pero alam kong hindi pa rin ito sapat para pang gastos sa gamutan ng Nanay ko.

“Hindi po sapat ‘to!” matapang kong sagot na nagpatawa sa kanya. Tawang nanghahamak.

Inagaw niya ang cheque at pinagpupunit ng pinong-pino. “Then say it! Give a number na sapat bayaran ang gold-digger na katulad mo!”

Ouch! Narinig ko na naman ang pinaka-hate kong salitang narinig ngayong araw na ‘to. Pero sige lang. Tiis lang. Pinasok ko nga ‘to. Kaya titiisin ko hangga’t kaya ko.

Mapait na naman akong ngumiti. Kasing pait nang nararanasan kong hirap ngayon sa buhay.

Humakbang ako palapit sa fake kong mother-in-law. 'Yong mapait kong ngiti, siniguro kong hindi mawala sa labi ko.

“Hindi sapat ang ano mang halaga na ibibigay n’yo sa akin, Ma’am! Walang katumbas na halaga ang pagmamahal ko sa Anak ninyo!” Mabagal ang bigkas ko sa mga salitang ‘yon na nagpaangat ng isang kilay nito.

“Hypocrite!” Madiin nitong sabi.

“Ipokrita na kong ipokrita, pero iyon po ang tototo. Kahit buong kayamanan n’yo pa ang ibibigay n’yo sa akin. Hinding-hindi ko pa rin lalayuan ang Anak ninyo!” sagot ko, at agad na umalis sa harap niya.

Ayaw ko nang pahabain ang usapan namin. Baka hindi ko na kayanin ang sakit. Baka mapaamin na ako ng wala sa oras.

Walang lingon at ang bilis ng mga hakbang ko. Patawid na rin sana ako, pero nahinto dahil sa lalaking kalalampas lang sa akin at walang lingon-lingon na tatawid na sana.

“Sir!” sigaw ko, pero hindi niya ako pinansin.

Nagpatuloy siya sa mabagal na paglalakad, at hindi pansin ang paparating na motor.

Agad ko siyang tinakbo at niyakap. Naiwasan nga namin ang motor, pero sabay naman kaming natumba sa sementadong daan.

At imbes na tulungan kami no’ng muntik bumangga sa amin, sinigawan pa kami, bago nito pinaharurot ang motor niya.

“Okay lang po ba kayo, hindi po kayo nasaktan?” nag-aalala kong tanong, at tinulungan siyang umupo.

Saka ko naman naramdaman ang hapdi sa siko at tuhod ko.

“Are you crazy? Bakit mo ‘yon ginawa?” singhal ng tinulungan ko na nagpahinto sa paghinga ko.

sweetjelly

Maraming salamat sa mga bumabasa nito. Thank you sa gems.

| Like

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status