Salamat!
Hapon na, at marami na rin akong nagawa rito sa opisina. Kahit ang gulo ng utak ko. Pinipilit ko namang mag-focus, pero talagang pumapasok pa rin si Charmaine sa utak ko.May pagkakataon na nawawala ako sa sarili. Hindi kasi mawala sa utak ko ang salitang sinabi ni Onse. Paulit-ulit ko pa ring naririnig ang mga salitang binitiwan niya. “Don’t break her,” ulit ko sa salitang ‘yon. Nahagod ko naman ang buhok ko. Paano ko naman siya masasaktan? Hindi nga niya ako hinahayaan na mahalin siya. Iniiwasan niya ako na parang may nakakahawang sakit.Kung mayro’n mang nasasaktan sa aming dalawa ngayon, ako ‘yon. Ako lang. Ako ‘yong nasasaktan dahil hindi ko masabi o maparamdam man lang sa kanya ang pagmamahal ko. Ang hirap-hirap na nga. Parang nasasakal ako. Hindi lang dahil sa hindi ko masabi ang nararamdaman ko kay Charmaine.Nalilito pa rin ako. Naguguluhan. Mahal ko si Charmaine, pero hindi ko naman magawang itapon na lang basta ang pitong taon na relasyon namin ni Golda. “Sir Danreve,”
((Charmaine))Hindi matigil ang iyak ko habang sakay ng ambulansya. Hindi ko rin mabitiw-bitiwan ang kamay ni Sir Danreve. “Sir Danreve, sorry, po. Sorry…” paulit-ulit kong sabi.Naiinis ako dito sa boss kong ‘to, pero hindi ko naman gustong masaktan siya. Hindi ko gusto na humantong sa ganito. Ang gusto ko lang naman ay lumayo muna sa kanya, kahit sandali lang—kahit ilang oras lang. Gusto kong makapag-isip siya. Gusto kong maging malinawan ang pag-iisip niya. Alam ko; ramdam ko na naguguluhan lang siya, kaya panay ang paramdam niya sa akin ngayon. Oo, bata nga lang ako sa tingin niya. Pero hindi ako manhid para hindi maiintindihan ang ginagawa niya.Alam kong hindi niya ako totoong gusto. Nasanay lang siya na ako ang lagi niyang kasama at nakikita, kaya nalito na siya sa nararamdaman niya. Gusto kong bigyan siya ng oras, alalahanin niya kung gaano niya kamahal si Golda. Gusto kong maalala niya na kaya kami nagpapanggap ay dahil sa girlfriend niya.“Bakit ka ba kasi nagpunta do’n
Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto kong tawanan lang sana ang sinabi niya, pero kasi, mas nangibabaw ang galit ko. Gusto ko na nga siyang batukan. Gusto kong maalog ang utak niya nang matauhan.Abot-abot kasi ang kaba ko kanina. Ang sikip-sikip ng dibdib ko, hindi nga matigil ang iyak ko. Guilty ako. Sinisi ko ang sarili ko. Ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Tapos ngayon, nakuha niya pang magbiro. Ano bang utak mayro’n siya?“Wala ka talaga sa ayos, Sir Danreve! Nasaktan ka na nga, nakuha mo pang magbiro!” madiin kong sabi na nagpangiti naman sa kanya ng mapait. “Tingin mo ba nagbibiro ako?” nanghihina niyang tanong.Hindi ako sumagot. Sinubukan ko ring bawiin ang kamay kong hawak pa rin niya at nakalapat pa rin sa dibdib niya. “Totoong masakit ‘to, Charmaine—masakit na masakit dahil hindi mo ako pinapansin. Iniiwasan mo ako,” seryoso niyang sabi na nagpakurap-kurap ng mga mata ko. “Sir Danreve, teka nga lang. Bitiwan mo po m
Sandali kaming nagkatinginan ni Sir Danreve. Sandali rin akong nalito. Nabitin kasi ako sa salitang sinabi nitong asawa kong malaki nga yata ang pinsala sa ulo at naging abnormal na.Wrong timing naman kasi ang pagdating ni Lolo Clam. Ang masama pa, nakasunod pala sa kanya sina Mommy at Daddy na alam kong galit sa akin. Nasaktan nga ang pinakamamahal nilang Anak dahil sa akin. Kaya, heto at sumugod sila para e-check ang kalagayan nito at pagalitan ako.“Magandang gabi, po, Lolo Clam,” bati ko kay Lolo Clam na agad lumapit sa akin.Mabuti na lang at kasundo ko ito si Lolo, lagi siyang pomapabor sa akin at madalas kinukontra si Mommy Riza. Pero ngayon, ewan na lang kung ako pa rin ba ang papaboran niya. “Mom, Dad, magandang gabi, po.” Halos pumiyok ang boses ko habang sinasabi ‘yon.Matalim na tingin kasi ang sagot ni Mommy at Daddy sa bati ko na nagpatindi ng kaba ko.Dagdag pa ‘to sila sa gulo ng utak ko. Hindi ko na kasi alam, kung ano ang una kong iisipin. Ang galit ba nila, o ang
“My heart, dahan-dahan lang,” sabi ko, habang inalalayan siya palabas ng kotse. Tinakpan ko pa ng palad ko ang sugat niya sa ulo. Ngiti naman ang sagot nito, pero ang tingin ay na kay Aka na ewan at ngising-ngisi rin . Maging si Manang Goding at ang ibang kasambahay ay nakangiti rin habang bitbit ang mga gamit namin. “Ano ba ang mayro’n at gano’n sila ka saya?” pabulong kong tanong habang inalalayan ko pa rin si Sir Danreve, paakyat ng hagdan. “Natutuwa lang ang mga ‘yon. Na miss tayo. tatlong araw din kaya tayong nanatili sa hospital,” sagot naman ni Sir Danreve na hindi pa rin nawala ang ngiti. “Sana nga po, hindi ka na muna lumabas ng hospital, sir, para lagi ko pa ring nakikita si Nanay,” malungkot kong sabi. “Pwede mo naman siyang dalawin, kahit araw-araw pa.” Biglang napalingon naman ako sa kanya. “Totoo? Pwede kong gawin ‘yon?” Hindi makapaniwalang tanong ko. “Oo, pwede mong gawin ‘yon, basta kasama ako.”Mapakla akong tumawa. “Para kang sira Sir Danreve. Hindi pa nga ma
“Sir Dandreve! Ulo mo po.”Matapos kong mapatili dahil sa biglang pagbuhat sa akin ni Sir Danreve ay bigla naman akong nag-alala. Bawal nga siyang magbuhat ng mabigat. Isa ‘yon sa bilin ng doctor.Kahit ang liit kong babae. Alam kong mabigat pa rin ako.“Ibaba mo na po ako, Sir Danreve,” sabi ko pa habang karga pa rin niya ako, papunta sa kama. “Awww…” daing niya, at napahawak sa ulo niya matapos akong ilapag sa tabi ni Picca. Agad na rin siyang umupo sa tabi ko, habang hawak-hawak ang ulo niya.“Ayan na nga ba ang sinasabi ko, Sir Danreve. Bakit mo ba ‘yon ginawa? Kung ayaw mo akong humiga ro’n, sana sinabi mo. Hindi ‘yong pabigla-bigla ka ng kilos,” sabi ko na daing pa rin ang sagot niya.“Sir Danreve, naman e! Ano ba ang pumasok sa utak mo? Para ka namang bata. Hindi mo ba narinig, o naintindihan ang sinabi ng doctor kanina? Hindi porket, hindi nabasag ang bungo mo ay hindi na delikado ang nangyari sa’yo!” talak ko pa, pero panakanaka na hinihipan naman ang ulo nito. Nilingon niy
((Danreve))“Pahinga ka na po, bihis lang ako,” paalam ni Charmaine, matapos niya akong tulungan na umupo sa kama.Hindi ako sumagot, pero puso ko, kumakabog-kabog naman. Masaya kasi ako. Ang saya-saya ko, kasi dahil hindi na niya ako iniiwasan. Hindi ko tuloy mapigil ang mapangiti habang nakatingin sa saradong pinto ng walk-in closet.Ang bait-bait na kasi niya sa akin ngayon, hindi na siya nagsusungit, at ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa kalagayan ko, hindi lang dahil guilty siya at boss niya ako, kung hindi, dahil asawa niya ako. “Sir Danreve, tawag ka lang kung kailangan mo ako. Puntahan ko lang si Picca,” sabi ni Charmaine, paglabas nito ng walk-in closet.Bahagya pa akong nagulat. Hindi ko sadyang na pahawak sa dibdib kong biglang kumabog. Muntik nga kasi niya akong nahuling ngumingiti. “Dalhin mo rito si Picca, na miss ko ‘yon,” sabi ko nang makabawi sa pagkagulat na ikinangiti naman nito. Napabuga naman ako ng malakas na hangin paglabas niya. Ewan ko ba. Hindi n
Lalo pang uminit ang ulo ko nang humiga siya sa couch. Kaya kahit pinagbawalan ako ng doctor na magbuhat ng mabigat, binuhat ko siya. Sumakit nga ang ulo ko. Ang sakit-sakit. Pero natuwa naman ako sa naging reaction niya. Natutuwa ako dahil nag-aalala siya. Gago na kung gago. Pero ginamit ko ang nararamdaman ko para makuha ang gusto ko. Iyon ay makatabi siya sa pagtulog. “Charmaine,” pabulong kong sabi kasabay ang pagyakap sa kanya mula sa likod. Binaon ko rin ang mukha ko sa batok niya. Napangiti naman ako nang hindi siya nag-react. Nagkunwaring tulog, pero halatang nanigas naman ang katawan. Napigil rin yata niya ang paghinga. At ang kamay niya na humaplos-haplos sa tiyan ni Picca, ngayon ay kumuyom na.“Sir Danreve, bakit mo ba ‘to ginagawa?” maya maya ay tanong niya, pero nagtakip naman ng bibig pagkatapos. Siguro ay hindi niya intensyon na isatinig ‘yon. “Ginagawa ko ‘to, kasi mahal kita,” pabulong kong sabi na alam kong nagpadilat sa mga mata niya.Ramdam ko kasi ang pagga