Share

Kabanata 29

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto kong tawanan lang sana ang sinabi niya, pero kasi, mas nangibabaw ang galit ko. Gusto ko na nga siyang batukan. Gusto kong maalog ang utak niya nang matauhan.

Abot-abot kasi ang kaba ko kanina. Ang sikip-sikip ng dibdib ko, hindi nga matigil ang iyak ko. Guilty ako. Sinisi ko ang sarili ko. Ako ang dahilan kung bakit siya nasaktan. Tapos ngayon, nakuha niya pang magbiro. Ano bang utak mayro’n siya?

“Wala ka talaga sa ayos, Sir Danreve! Nasaktan ka na nga, nakuha mo pang magbiro!” madiin kong sabi na nagpangiti naman sa kanya ng mapait.

“Tingin mo ba nagbibiro ako?” nanghihina niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Sinubukan ko ring bawiin ang kamay kong hawak pa rin niya at nakalapat pa rin sa dibdib niya.

“Totoong masakit ‘to, Charmaine—masakit na masakit dahil hindi mo ako pinapansin. Iniiwasan mo ako,” seryoso niyang sabi na nagpakurap-kurap ng mga mata ko.

“Sir Danreve, teka nga lang. Bitiwan mo po m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Nan
Hahaha......nakakawa at kakaaliw tong dalawa nahawa na si guro si Sir Danreve ni Charmaine na bata lang Ang pag-iisip. At Hindi alam na totoo na Ang naramdaman Ng Asawa nya at parihas Naman silang naramdaman Ngayon.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status