Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!

By:  P.P. Jing  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating
19Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin. “Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!" “Huwag mong idamay ang bata, Jett! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gia ang magpapalaki sa kanya!" "Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga luha ko sa sakit. "Gusto mo ba talaga akong durugin nang buong-buo, Carcel? Hindi ba sapat na niloloko mo ako para sa kapatid ko na 'yon at sa anak niya, tapos ngayon gusto mo pang ipanganak ko ang anak natin para kayo na mag-alaga?!" "J-Jett, minahal kita. Pero si Gia na ang mas matimbang sa akin ngayon kaya---" "Kaya nga ipapa-abort ko na lang ang nasa sinapupunan ko! Para tuluyan nang maputol ang koneksyon ko sa'yo!" umiiyak kong sigaw at tumalikod. "No, Jett! Hindi ako papayag na may gawin kang masama sa bata!!" Nagmamadali akong tumakbo sa kalsada para tumawid sa takot na mahabol niya pa ako. "NOOO!! JEEETTT!!!" Subalit nanigas ako sa kinatatayuan nang may isang malaking truck ang malakas na bumusina. Nabulag ako ng ilaw niyon ngunit alam kong nasa harapan ko na ito. Sa pagkabigla ay pawang hinihintay ko na lamang na bumangga sa katawan ko ang truck. "JETT!!" mabilis akong tumilapon sa malamig na semento dahil sa kamay na tumulak sa akin, hindi ako ang nabangga ng truck.  Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Carcel na gumulong-gulong sa kalsada kasabay nang pagkalat ng kanyang dugo. "CARCEL!!!" Na-comatose si Carcel sa loob ng limang taon, at nagising siyang may-amnesia. Nakalimutan niya si Gia, at ang pagmamahal sa akin lamang ang naaalala. Ngayon ay umaakto siyang parang hindi siya nagloko at halos magmakaawa sa akin na mahalin ko siyang muli kasama ng four-year-old naming anak na babae.

View More
Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back! Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
user avatar
P.P. Jing
Author here! Thank you for all the gems ...! Deeply appreciated po lahat ng support ^__^ ...️
2024-05-27 19:06:00
1
19 Chapters
Chapter 1
JETT“Congratulations! You're pregnant, Jett!” masayang wika ng aking kaibigan na doktor na si Kaye. “Isang buwan ka nang buntis sa unang baby niyo ni Carcel.”Matagal pa akong napatulala sa kanya, pinoproseso ang ibinalita niya. “B-Buntis ako?”“Yes! Wala kang sakit, kundi nakakaramdam ka lang ngayon ng mga mild symptoms of pregnancy. Actually, late mo na ngang nararanasan ang sintomas, but I can assure you, nothing's wrong with your pregnancy. Your body is healthy, you just need to keep it that way.”Nagmamadali akong lumabas ng hospital. Panay kagat-labi ko dahil sa hindi makubling saya na aking nararamdaman. Patuloy na kumakabog ang dibdib ko hanggang sa matunton ko ang naka-park na sasakyan namin.“Kuya Hector, uwi na tayo!” puno ng pananabik kong anyaya sa aking driver nang maupo sa backseat.“Yes po, Madam!” Habang umaandar ang sasakyan ay kinalikot ko ang aking cellphone para tawagan ang aking asawa. Nung una ay hindi niya pa sinagot, ngunit nang tawagan ko ulit ay sinagot na
Read more
Chapter 2
JETTIsang linggo ang nagdaan na tanging tubig lang ang naging pantawid ko para mabuhay. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay mukha ni Carcel ang nakikita ko sa bawat sulok. Bawat paghinga niya ang nalalanghap ko at ang presensya niya ang yumayakap sa akin. Hindi ako makabangon sa kama na halos magmistulang isang lumpo. Panay iyak lang ang ginagawa ko habang nakahimlay sa kama.“Jett, hindi ka na kumakain! Mamamatay ka niyan sa ginagawa mo. Maawa ka sa sarili mo, Jett, lumaban ka! Kayanin mo!” Tanging boses lang ni Lola Flor ng naririnig ko at ang pilit niyang pagpapalakas ng kalooban ko.Walang humpay sa pagbabagsakan ang aking mga luha sa tuwing naaalala ang pagtataksil ni Carcel. Binaon ko ang mukha ko sa unan at muling napahagulgol ng malakas. “L-Lola…Pinagtaksilan ako ni Carcel sa kapatid ko na si Gianna… ‘y-yung inaalagaan kong pamangkin, anak pala ng aking asawa!! A-Ang masakit pa roon ay nililihim sa akin nila Mommy at Daddy para prote
Read more
Chapter 3
GIA “Ayos ka lang ba, anak? Patingin nga ng pisngi mo,” magkabilaang sinuri ni Mommy ang pisngi ko bago siya napabuntong-hininga. “Bumakat ang palad ni Jett. Masakit ba? Pulang-pula oh?” “Tsk!” naiirita man ay kalmado akong sumandal sa upuan ng sasakyan namin. “Syempre masakit. Hindi ko nga aakalaing sasampalin ako ni Ate. Mas satisfying sana kung makita ko man lang siya na humagulhol ng iyak at ilampaso ang mga luha sa sahig! Pero much better naman itong ginawa niya sa akin. Para makita ni Carcel ang ginawa niya sa akin.” “Pero kahit na. Paano na lang kung nakalmot ka pala niya at nag-iwan ng peklat. Tsk, tsk! Iyang ate mo talaga…” napailing-iling siya. “Hindi ko inaasahang gagamitin niya ang utak niya hindi puro emosyon. Akalain mong tama agad ang kanyang suspetiya?” Napaikot ako ng mga mata. “Ano naman kung alam na niya na nilalandi ko si Carcel behind her back? Na ako talaga ang naghahabol sa asawa niya? Ang mahalaga ay bumigay na sa wakas si Carcel at kami ni Gigi ang pinili
Read more
Chapter 4
JETT“Ano ka ba naman anak! Sinabi ko na sa iyo! Huwag mong bubuksan ang pintuan! Pero hindi ka nakikinig! Naabutan mo pa tuloy sina Jett at Callisto…”Nagising ang diwa ko nang marinig ang maingay na boses ni Tita Malou. Napakusot ako ng mga mata at naupo sa malambot na kama. Pakiramdam ko ay nakatulog ako ng bente kwatro oras dahil sa pananakit ng likod ko.“Carcel naman, dahil sa pagkalabog mo sa pintuan, nagising tuloy ang prinsesa ko.” Bigla ay mayroong humaplos sa aking pisngi at buhok. Ganoon na lang ang paninigas ko sa kama. Nagugulat akong napatingin sa katabi kong nakaupo sa kama. Iyon ay walang iba kundi si Callisto. Wala siyang saplot sa pang-itaas ng katawan kung kaya’t kitang-kita ko ang bato-bato niyang katawan. Ngunit nang matingnan ko ang sarili ko ay halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Nakasuot lamang ako ng bra na siyang tumatakip sa aking dibib!!Pero mas nagugulat ako nang unti-unting naglakbay ang mga mata ko sa lalaking nakatayo sa pintuan ng kwarto. Walang
Read more
Chapter 5
CARCEL She signed the divorce paper. "Pak! Bagay na bagay sa iyo, Madam! This wedding gown is the one for you! Bongga! Ikaw na yata ang pinakamagandang bride sa history ng mga brides!" "Echos ka, bakla! I know this suits me, but no need to exaggerate it. Just say I'm gorgeous, and that's enough." "Madam bride, dapat si Mister groom ang magsasabi sa inyo niya, pero mukhang absent-minded ang peg!" "Huh? Carcel?" Nung araw na nakita ko silang dalawa ni Kuya sa mansyon ay ang huling araw na nakita ko siya. Ipinadala lamang ang divorce paper ni Tita Grace, at ibinalik sa aking may pirma na ni Jett. Ilang weeks na ang lumipas, pero ginagambala parin ni Jett ang isipan ko. Dahil hanggang sa dulo, kahit nabunyag ko na ang sikreto nila ni Kuya Callisto, sinubukan parin niya iyong itanggi. Kakatawa na nagawa pa niyang magbitiw ng mga salita sa akin. Hindi na lang niya ipasalamat, na hindi ko siya pinahiya o ipinalandakan ang pagloloko niya kahit matagal ko na iyong alam. "Carcel, ano ba
Read more
Chapter 6
CARCEL“Papasukin niyo ako! Nasaan si Jett? Kailangan ko siyang makausap! Kailangan naming mag-usap!” nagpupumilit akong pumasok sa malaking gate ng mansyon ni Lola Flor.Pinipilit din naman akong harangan ng apat na mga gwardiya. “Pasensya na talaga, Ser, pero hindi pu-puwede pumasok ang sinuman sa pamilyang Rossi at Salvatore. Naka-ban na kayo rito, Ser.”“Kahit sandali lang, ilabas niyo na lang si Jett! Kailangan ko siyang makausap!”“”HIndi nga puwede, Ser! Mabuti pa ay umuwi na lang kayo at huwag nang mambulabog pa. Nakakagambala kayo para sa lahat ng mga tao rito, Ser.”“Fuck it!” sinapak ko ang guwardya na tumulak sa akin at kanina pa panay paliwanag.“Aba, gago ka ah!” Kaagad din akong nakatanggap ng sapak mula sa mga kasama niya.Pero hindi ako pumayag na matalo at tumumba. Kahit pinagtulungan nila ako ay panay ang pagbato ko ng sapak, na agad nilang iniiwasan.“Tumigil ka na, Ser! ‘Wag ka nang manggulo at baka kung saan pa mauwi ito!” anang isang guwardiya.“Come at me I don
Read more
Chapter 7
JETT“Walang hiya ka!!” sampal ang inabot ko mula kay Mommy pagkarating na pagkarating pa lang nila sa hospital. “Anong ginawa mo kay Carcel?! Anong ginawa mo sa kanya, Jett?!” Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at binaon ang mababa niyang kuko.“M-Mommy!” mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Kanina pa namamaga ang mga mga mata ko at kanina pa ako pinanghihinaan ng katawan. Simula nang sugurin si Carcel dito sa hospital hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagawang tumahan.Nagkalat parin sa puti kong damit at itim kong jacket ang mga dugo ni Carcel matapos siyang saklolohan kanina pagkatapos niyang mabangga ng truck. Marami sa mga nakakita ang agad ding sumaklolo. At dahil abot-kamay lang ang hospital ay kaagad siyang naisugod. Ngayon ay hindi parin lumalabas ang mga doktor at nurses mula sa operating room.Lumuhod ako sa harapan ni Mommy sa labis na panlalambot ng aking mga tuhod. “S-Si Carcel… M-Mommy…. H-Hindi ko gustong mawala si Carcel… aahhh!! A-Ayaw ko, hindi ko matatangga
Read more
Chapter 8
JETT5 YEARS LATER…“Ayan! Bagay na bagay sa inyo ang red dress, Madam! Saktong-sakto! Kung iyan ang susuotin niyo sa engagement party ng anak niyo, paniguradong pagtitinginan kayo ng mga in-laws mo!” puno ng pambobola kong papuri sa aking numero unong customer.“Bagay na bagay? Saktong-sakto?” tinaasan niya ako ng kilay. Saka siya tumalikod sa akin upang ipakita ang zipper ng red dress na hindi masarado dahil sa lapad at taba ng kanyang likod.“Ay jusko po!” hindi napigilan ni Yuna at Vicky ang mapasigaw ng iisang salita dala ng gulat.Saka may namumulang mukha sa galit na muling humarap sa akin si Madam Edna. “Eh kahit kailan palpak talaga ang tailor shop ninyo eh! Hindi kayo marunong magsukat!! Hindi ko masarado ang zipper at sobrang sikip sa akin nitong dress na pinapagawa ko sa inyo, hindi ako makahinga!!”Sunod-sunod akong napalunok. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang katawan ni Madam Edna---ang numero unong customer namin na mahilig pumutak na parang kinakatay na biik. Akal
Read more
Chapter 9
JETT “Kumusta na ang pagpapatakbo mo sa tailor shop, Anjettie?” pagtatanong sa akin ni Hugo nang maupo kami sa isang table at hinihintay ang aming order. “Ayos naman. Habang tumatagal mas dumarami ang dumadayo. May mga customer na sinasadya pa talaga kaming puntahan kaya nakakatuwa.” hindi ko napigilan ang mapangiti ng malaki. “Ngayong buwan ay sobra-sobra na ang workload kaya pinag-iisipan ko rin na mag-hire pa ng mga katuwang. Hindi ba, exciting? Feeling ko nga magna-number one ang tailoring shop natin sa buong city!” Nahawa siya sa tamis ng ngiti ko at hindi napigilang mapatawa. “Kung gano'n, kapag nag numero uno iyan, ipagtatayo kita ng panibagong branch sa ibang city.” Napahalakhak ako at napahampas ng kamay sa ere. “Huy! Ano ka ba! Masyado mo akong pinapa-excite. Pero malay mo naman~ pero sa ngayon, dahil nag-uumpisa pa lang din naman ang shop, malayo-layo pa ang dadaanan natin bago iyon mangyari.” “Huwag kang mag-alala, Anjettie, sisiguraduhin kong dadagsahin pa ka
Read more
Chapter 10
JETT “Sino ka?” bungad na tanong sa akin ni lola Flor nang itulak ko ang kanyang wheelchair patungo sa dining room. “Ako po ang minamahal niyong apo, lola.” may kirot man sa dibdib ay nakangiti kong tugon sa kanya. Pinuwesto ko ang kanyang wheel chair sa pinakasentrong upuan sa hapagkainan. “Ganoon ba?” wala sa sarili niyang tanong. “Eh bakit tayo nandito?” “Dahil po kakain tayo ng hapunan. Ngayon na lang po ulit tayo sabay na kakain dahil masyado na akong abala sa trabaho, lola.” Pagkatapos siyang asikasuhin ay pinuwesto ko naman si Jelly ng upo sa kanyang tabing harapan, bago ako umupo sa tabi nito. “Eh ikaw? Sino ka naman bulinggit?” takang tanong ni lola sa aking anak. “Jelly po, lola! Apo mo po ako sa tuhod!” magiliw naman nitong tugon. Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. Nakanguso itong tumingala sa akin. “Mama, palagi na lang akong tinatanong ni lola kung sino ako.” “Pagpasensyahan mo na dahil may sakit si lola. Pero deep inside, lahat tayo kilala niya, okay?”
Read more
DMCA.com Protection Status