Share

Chapter 5

CARCEL

She signed the divorce paper.

"Pak! Bagay na bagay sa iyo, Madam! This wedding gown is the one for you! Bongga! Ikaw na yata ang pinakamagandang bride sa history ng mga brides!"

"Echos ka, bakla! I know this suits me, but no need to exaggerate it. Just say I'm gorgeous, and that's enough."

"Madam bride, dapat si Mister groom ang magsasabi sa inyo niya, pero mukhang absent-minded ang peg!"

"Huh? Carcel?"

Nung araw na nakita ko silang dalawa ni Kuya sa mansyon ay ang huling araw na nakita ko siya. Ipinadala lamang ang divorce paper ni Tita Grace, at ibinalik sa aking may pirma na ni Jett.

Ilang weeks na ang lumipas, pero ginagambala parin ni Jett ang isipan ko. Dahil hanggang sa dulo, kahit nabunyag ko na ang sikreto nila ni Kuya Callisto, sinubukan parin niya iyong itanggi. Kakatawa na nagawa pa niyang magbitiw ng mga salita sa akin. Hindi na lang niya ipasalamat, na hindi ko siya pinahiya o ipinalandakan ang pagloloko niya kahit matagal ko na iyong alam.

"Carcel, ano ba?" para akong nagising nang humarang si Gia sa paningin ko. "Kanina ka pa tulala, ano bang iniisip mo?"

Napatuwid ako ng likod sa pagkakaupo sa malambot na kutson. Suminghap ako ng hangin at may pilit na ngiting tumugon. "It’s nothing. Just business."

"Business parin? Ano ba naman iyan! Pumayag ka ngang samahan ako na magsukat ng wedding gown ko, pero 'yung kaluluwa mo naman naiwan sa business mo! Edi parang wala rin. Parang wala ka rin dito." nagkrus ang dalawang braso niya, umaktong nagtatampo akong tiningnan.

"Sorry," was all I could say.

"Argh!" sumuko agad siya. "Anyway! Do you like my gown? Mas bagay ito sa akin kumpara sa kaninang sinukat ko hindi ba? Ano sa tingin mo?"

"Maganda."

"Aaannddd?"

"It suits you."

Muli siyang bumusangot. "Ang tipid naman ng compliment mo para sa future bride mo! Dahil diyan, ayaw ko na neto. Magsusukat ako ulit!"

Muli siyang pumasok sa loob ng fitting room kasama ang mga nag-aayos sa kanya.

Napabuntong-hininga ako at nilabas ang aking cellphone. Ini-scroll ko ang contacts at huminto sa number ni Jett. Binasa ko muli ang huling message niya sa akin nung araw na nalaman niya ang tungkol sa amin ni Gia.

[Mag-iingat ka sa pag-uwi bukas, love! Kailangan pa kitang makita ng buo dahil may importante akong sasabihin sa'yo ^^ I'm sure matutuwa ka, love! Bibigyan kita ng clue; nagke-crave ako ngayon ng foods na hindi ko naman pangkaraniwang kinakain! Hihihi, love you! ^o^ I miss you so much!]

Kahit anong pag-intindi ko, nangangamote parin ako. At ang kuryosidad ko na malaman iyon ay hindi humuhupa kahit halos dalawang buwan na ang nakalipas. Lahat naman ng pwedeng kainin ay kinakain ni Jett, kaya ano itong cravings niya? Hindi ko maintindihan ang clue na binigay niya. May gusto ba siyang ipasalubong ko na pagkain? Importante yata iyon para sa kanya. After all, she’s always been this weird.

"Tada! Carcel, ano sa tingin mo kung itong klase ng wedding gown ang isuot ko para sa kasal nating dalawa?" lumabas si Gia sa fitting room para ipakita sa akin ang sarili niya suot ang napili niyang puting gown.

Pinilit kong ngumiti. "Maganda."

Ngumuso naman siya. "Eh lahat naman ng sinukat ko puro maganda lang sinasabi mo! Wala na ba talagang iba? Hindi tuloy ako nasa-satisfied! Gusto ko 'yung mapapanganga ka sa itsura ko!"

"You're already gorgeous, no need to be overly dressed."

"But this is my first time getting married! Hmp! Palibhasa ikaw pangalawa mo na kaya wala kang pakialam!" umasta siyang nagtampo. "Whatever! Magsusukat pa ako. Bakla! Paki-tulungan nga ako tanggalin itong gown, may isa pa akong pinatahi 'di ba? Iyon naman ang susukatin ko..."

"On it, madam! For sure magugustuhan mo ang isa! Actually all the twelve wedding gowns na pinatahi mo ay magaganda! Kaya wala ng masabi si Mister kundi iyon! Hahaha~"

Napatingin ako sa orasan ng aking relo. Dalawang oras ko nang pinapanood si Gia na magsukat ng mga gown pero hindi parin siya natatapos.

Naiinip akong lumabas ng building habang inaayusan pa siya sa loob para tawagan ang aking sekretarya.

"How's the meeting with Misis Lombardi? Did she accept our company's proposal?" kuryoso kong tanong nang masagot ng sekretarya ko ang tawag sa cellphone.

"That, Mister Rossi, she's having a second thought whether to accept or not. She finds it insulting that the CEO of the company wasn't the one she's having a meeting with although she said she understands that you had an emergency kaya kayo hindi nakapunta sa meeting." nangangamba ang boses nito. "Pasensya na po, Mister Rossi, I tried my best para kausapin si Misis Lombardi, sinabi niya pag-iisipan pa niya at tatawag na lamang siya para sa desisyon, but it's highly unlikely that she will accept the proposal due to the fact that she was insulted by your absence."

"Damn it." nahilot ko ang aking sentido. "Set a schedule for us to meet, and I'll personally visit her for the business proposal."

"Yes, sir!"

Binaba ko ang tawag. Kung bakit ba kasi nataon pa ang pinangako kong pagsama kay Gia sa pagsusukat niya ng dress sa aming meeting kanina. It's just so hard to turn her down at paniguradong pag-aawayan lang namin ito kung hindi pa ako sumipot. But then again, ang kumpanya ko naman ang makaka-missed ng malaking opportunity.

"Oh wow, Carcel!"

Naibaba ko ang kamay ko nang may babaeng tumayo sa harapan ko. Sandali ko pa itong pinakatitigan bago ko mapagtanto kung sino ito. “Kaye. Unexpectedly seeing you here.”

Isa si Kaye sa mga kaibigan ni Jett. Paniguradong alam na nito ang nangyaring divorce namin ng kaibigan nito. Kaya kakataka na binati pa ako nito ng may magandang ngiti sa mukha.

“Anong ginagawa mo rito, Carcel?” nagliwanag pa lalo ang mukha niya. “Kasama mo ba si Jett?”

Nagkunot-noo ako. Hindi ba niya alam? “HIndi ko siya kasama. You?”

“Ah! Ikakasal na kasi ako kaya titingin sana ako ng wedding gown. Huwag ka munang maingay kay Jett tungkol dito, ah? Balak ko sana siyang surpresahin! Hindi ko muna siya iistorbuhin dahil paniguradong busy pa siya sa baby niyo!” mas lumaki ang ngiti niya. “Kumusta na nga pala? Tini-take ba niya ang sinabi kong vitamins na makakatulong sa pagbubuntis niya? Palagi mo rin siyang alalayan sa tuwing may dinaramdam siya, ah? Alam mo na ba ang dapat mong gawin bilang asawa? Nako, kakailanganin mo ng mahabang pasensya, Carcel!”

“W-What…” naiwan akong nakatulala sa mahaba niyang sinabi. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. “Anong sinasabi mo? B-Buntis…. Buntis si Jett?”

“Huh?” natigilan siya at nagtaka. “Hindi mo alam? Ha? Hindi pa ba niya sinasabi? Oh my gosh, did I spoil it? But no! Ilang buwan na ah? She’s three months pregnant by now! Imposibleng hindi pa niya sinasabi sa’yo…. Excited pa nga siya…”

Natataranta kong nilabas ang cellphone ko para tingnan muli ang huling message ni Jett. “She said she’s craving foods she’s not usually eating. Dahil ba ‘yon sa pagbubuntis niya?”

Ilang beses na kumurap-kurap si Kaye, inuusisa ang kasalukuyang nangyayari.

“Answer me!!” walang pasensya kong sigaw.

“Y-Yes, yes! Of course! Jett is pregnant… bakit hindi mo pa alam?”

“Fuck!” nagmamadali akong umalis sa lugar. Sumakay ako sa sasakyan at pinaharurot iyon. Pinigilan ko ang panginginig ng kamay kong nakahawak sa manibela. “S-She’s pregnant… is she carrying my child? O kay Kuya?”

Damn it, Jett! Damn it!!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status