Share

Chapter 10

JETT

“Sino ka?” bungad na tanong sa akin ni lola Flor nang itulak ko ang kanyang wheelchair patungo sa dining room.

“Ako po ang minamahal niyong apo, lola.” may kirot man sa dibdib ay nakangiti kong tugon sa kanya. Pinuwesto ko ang kanyang wheel chair sa pinakasentrong upuan sa hapagkainan.

“Ganoon ba?” wala sa sarili niyang tanong. “Eh bakit tayo nandito?”

“Dahil po kakain tayo ng hapunan. Ngayon na lang po ulit tayo sabay na kakain dahil masyado na akong abala sa trabaho, lola.”

Pagkatapos siyang asikasuhin ay pinuwesto ko naman si Jelly ng upo sa kanyang tabing harapan, bago ako umupo sa tabi nito.

“Eh ikaw? Sino ka naman bulinggit?” takang tanong ni lola sa aking anak.

“Jelly po, lola! Apo mo po ako sa tuhod!” magiliw naman nitong tugon. Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. Nakanguso itong tumingala sa akin. “Mama, palagi na lang akong tinatanong ni lola kung sino ako.”

“Pagpasensyahan mo na dahil may sakit si lola. Pero deep inside, lahat tayo kilala niya, okay?”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status