Share

Chapter 15

JETT

“Pambihira! Isa ka na palang negosyante, Jett. Akala ko maliit na shop lang ‘to, pero mukhang bibigatin din, ano?” nasisiyahang sabi ni Callisto. Ang malaki niyang boses ay umaalingawngaw sa buong lugar. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pagsasalita, ang bawat tono na binibigkas niya dahil puno iyon ng kayabangan o ‘di naman kaya'y pagiging sarkastiko.

Kung kaya't hindi ko alam kung talaga bang natutuwa siya sa papuring iyon sa akin. Lihim kong naiyukom ang dalawa kong kamao upang humugot ng lakas ng loob.

Binura ko ang aking emosyon. He's a stranger to me now no matter what. “Anong kailangan mo't sinadya mo pa ako sa aming shop, Sir?”

“Oh,” tinaasan niya ako ng isang kilay, kasabay no'n ay tumaas ang sulok ng labi niya. “Would you look at that?”

Napaigtad ako sa kinatatayuan subalit hindi na ako umatras pa nang ilang hakbang siyang lumapit sa akin. Halos limang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Walang takot ko siyang tiningala.

Matagal kami
P.P. Jing

Maraming salamat po sa gems! 😊

| 2
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
𝚗𝚡𝚝 𝚙𝚘
goodnovel comment avatar
ဂျိုအာနာ မာရီလင်ဂွ
𝚋𝚔𝚒𝚝 𝚐𝚒𝚗𝚞𝚐𝚞𝚕𝚘 𝚙 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚌 𝚓𝚎𝚝𝚝
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status