Share

Chapter 3

GIA

“Ayos ka lang ba, anak? Patingin nga ng pisngi mo,” magkabilaang sinuri ni Mommy ang pisngi ko bago siya napabuntong-hininga. “Bumakat ang palad ni Jett. Masakit ba? Pulang-pula oh?”

“Tsk!” naiirita man ay kalmado akong sumandal sa upuan ng sasakyan namin. “Syempre masakit. Hindi ko nga aakalaing sasampalin ako ni Ate. Mas satisfying sana kung makita ko man lang siya na humagulhol ng iyak at ilampaso ang mga luha sa sahig! Pero much better naman itong ginawa niya sa akin. Para makita ni Carcel ang ginawa niya sa akin.”

“Pero kahit na. Paano na lang kung nakalmot ka pala niya at nag-iwan ng peklat. Tsk, tsk! Iyang ate mo talaga…” napailing-iling siya. “Hindi ko inaasahang gagamitin niya ang utak niya hindi puro emosyon. Akalain mong tama agad ang kanyang suspetiya?”

Napaikot ako ng mga mata. “Ano naman kung alam na niya na nilalandi ko si Carcel behind her back? Na ako talaga ang naghahabol sa asawa niya? Ang mahalaga ay bumigay na sa wakas si Carcel at kami ni Gigi ang pinili niya na makasama.”

Kung hindi ba naman kasi inagaw ni ate si Carcel sa akin simula’t sapul, ay hindi aabot sa ganito. Matagal na akong may crush kay Carcel simula nang ipakilala kami ni Tita Malou at ni mommy sa isa’t-isa. Si Tita Malou ay ang ina ni Carcel. Bestfriends sila ni Mommy simula high school, at botong-boto siya sa akin para sa anak niya.

Pero sa kasamaang palad, walang taste si Carcel sa pagpili ng mga babae, kaya natipuan niya ang ate ko. Mas matanda si Ate sa amin ng dalawang taon, pero parang wala lang iyon sa kanya! Nakakainis na ewan. Hindi ko maipaliwanag ang pagkulo ng dugo ko.

Kumpara sa aming dalawa ni Ate Jett, ako naman talaga ang mas maganda. Ako ang mas sexy, at mas may appeal sa madla. Ang panlaban lang naman sa akin ni Ate ay ang talino niya at pagiging talentado. Pero wala nga rin siyang kahanga-hanga na personalidad kaya ako parin ang mas napapansin ng mga tao. Manang pa siya kung kumilos at magdamit! Para siyang old maid! Wala talagang taste si Carcel dahil si Ate Jett ang pinili niya!

Itong si Ate naman, palibhasa first time may lalaking humabol sa kanya ng todo-todo ay agad na bumigay kahit ilang beses kong sinabi na akin si Carcel! Hindi na siya nahiya sa edad at itsura niya para tanggapin ang isang tulad ni Carcel! Kaya heto, siya ang kinakarma ngayon! Dahil sa akin parin ang bagsak ni Carcel sa kabila ng pang-aagaw niya!

“Mommy!” sumalubong sa akin si Gigi pagkapasok ko pa lang sa mansyon. Tinaas niya ang dalawa niyang braso para magpakarga. Hindi ko sana siya pagtutuunan ng pansin nang makita ko si Carcel na naglalakad patungo sa amin.

Agad kong kinarga si Gigi at may matamis na ngiti itong kinausap. “Gabing-gabi na, ah? Bakit hindi pa natutulog ang baby ko?”

“Where’s tita Jettie, Mommy? Hindi na siya bumalik since when she cried and left before! She promised me pa naman na she’ll buy me malaking-malaking barbie!”

Lihim na sumama ang loob ko. Bakit ba itong si Gigi attached masyo kay Ate Jett? Pati ba naman anak ko gusto pa niyang agawin!

“Nanny!” tinawag ko ang yaya ni Gigi na nakasunod lamang dito. “Bakit hindi mo pa pinapatulog si Gigi? Masyado nang late. Hindi maganda ang nagpupuyat sa bata.”

“Ah, yes po, madam!” agad kong binigay sa nanny si Gigi.

“But Mommyyyy!”

“Carcel.” sa kabilang banda ay mabilis kong tinuunan ng pansin si Carcel. Nilambutan ko ang ekspresyon sa mukha ko at malungkot na ngumiti sa kanya.

Walang emosyon siyang tumangkad sa harapan ko.. “What happened to your face?”

Sandali pa akong napatitig sa nakapagwapong mukha ni Carcel. Kahit sa suot niyang simple at plain na puting sweater ay nangingibabaw parin ang pagiging maganda niyang lalaki. Walang pinipiling anggulo ang mukha niya dahil sa mapungay na singkit niyang mga mata, mataas niyang ilong, at manipis na kissable lips niya. Para siyang inukit na estatwa! Mas lumalakas ang dating niya dahil palagi siyang walang ekspresyon sa mukha.

“Ah eto…” nanlumo ako kunwari nang sagutin ang tanong niya. “Mukhang hindi parin yata maganda ang mood ni Ate Jett eh… hindi siya nakikinig sa anumang paliwanag namin ni Mommy. Kaya heto, magkabilaang sampal ang inabot ko. N-Ngayon ko lang nakita si Ate Jett na magwala nang husto sa mansyon ni Lola Flor. Halos ibato niya sa akin lahat ng mahawakan niya dahil ayaw niya akong makausap o makita man lang… ilang mura din ang natanggap ko mula sa kanya, pero naiintindihan ko naman eh… siguro nga nasaktan natin siya ng sobra, Carcel…” naiyak ako.

Narinig ko ang marahas niyang pagpapakawala ng hininga. “Ako na ang kakausap sa kanya.”

“Carcel,” niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sinandal ko ang aking ulo sa matigas niyang dibdib. “Kapag napirmahan na niya ang divorce paper, wala nang magiging hadlang sa ating dalawa. Magiging masaya na rin tayo sa wakas.”

“Right.” tumaas ang magkabilang sulok ng labi ko nang maramdaman siyang yumakap pabalik sa akin.

Sa wakas, tuluyan nang magiging sa akin si Carcel. Hindi ako papayag na mayroon pang Jett ang eeksena sa aming relasyon.

Ang kailangan ko lang… ay mapatalsik nang tuluyan si Ate Jett nang hindi na siya makita pa ni Carcel. Pero magiging madali lang iyon. Lalo pa’t nasa panig ko sina Tita Malou at Mommy.

____

JETT

“Oh? May balak ka pa palang umuwi rito sa mansyon matapos ang isang buwang hindi mo pagpapakita?” maintrigang boses ni Tita Malou ang bumungad sa akin pagrating ko pa lang sa mansyon ni Carcel.

Kahit na masama ang loob ay tahimik akong naglakad papunta sa dulo ng hagdanan kung nasaan siya nakatayo at halos kakababa lang. Marahil ay dahil nabalitaan na niyang darating ako ngayong araw kung kaya’t nakaabang na agad siya.

Yumuko ako. “Mano po, Tita—”

“Huwag na at baka madumihan ang kamay ko!” tinago niya agad ang kamay niya. “Nakatengga na ang mga gamit mo roon sa kwarto niyo ni Carcel. Pinatanggal ko na sa mga katulong at mayroon na rin mga kahon doon. Simulan mo na ang pag-iimpake nang makalayas ka na rito bago pa kayo magpang-abot ni Gia.”

Nilunok ko ang mapait na laway at tumango na lamang. “Sige po, Tita. Salamat sa pag-aasikaso ng mga gamit ko… at salamat din po sa pag-aalaga sa akin ng tatlong taon dito sa mansyon—”

“Kailan kita inalagaan? Pilingera. Kung alam mo lang, ilang daang beses na kitang sinuka! Kung hindi lang matigas iyang pagmumukha mo at kung marunong ka lang talaga makiramdam ay ikaw na ang kusang aalis! Tse! Kahit kailan hinding-hindi talaga kita nagustuhan para kay Carcel. Mabuti na nga lang at wala kayong anak dalawa, dahil hindi ko masisikmurang magkaroon ng apo na kasing panget mo! Isang kahihiyan sa aming lahi!”

Kinagat ko ang dila ko upang maiwasan ang sumagot sa kanya. Agad din naman niya akong nilayasan, kung kaya’y malaya akong nakaakyat sa hagdanan para tahakin ang kwarto namin ni Carcel.

Alam ko naman na ayaw sa akin ni Tita Malou dahil si Gia talaga ang gusto niya para sa anak niya. Natatandaan kong naging problema rin namin iyon ni Carcel. Pero isang araw bago kami ikinasal, bigla na lamang bumait sa akin si Tita Malou na animo nagpalit ng anyo from demon to angel. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Carcel doon. Umayos ang pakikitungo nito sa akin bigla. Kaya akala ko okay na. Pero ang totoo pala ay kinasusuklaman niya parin ako hanggang ngayon. Ayaw na ayaw parin pala niya ako pala sa anak niya.

Iniisip nilang lahat na inagaw ko si Carcel kay Gia noon. Kaya siguro okay lang para sa kanila ngayon na agawain ni Gia si Carcel sa akin ngayon.

Pero ang totoo, wala akong inaagaw kay Gia. Hindi kailanman naging sa kanya si Carcel—maliban na lang ngayon. Pero noon, si Carcel talaga ang unang nagkagusto sa akin. Siya ang nanligaw sa akin at hindi sumuko kahit anong pagtanggi ko. Dahil alam ko naman na hindi kami bagay. Sa itsura pa lang at sa edad eh. Pangit ako, gwapo siya. Matanda ako, mas bata siya ng dalawang taon. Pero kahit sino naman sigurong babae, magagawa niyang paibigin. Anong laban ko kung marupok lang ang puso ko?

Pinunasan ko ang mga luha ko habang sinisilid sa kahon ang mga damit ko at iba kong mga gamit. Iniwan ko iyong mga alahas at mamahaling damit na si Carcel ang nagbigay. Kinuha ko lamang ang mga pagmamay-ari ko mismo.

“Knock, knock! Hi, Jett.”

Nanigas ako sa kinaluluhuran sa sahig at nagugulat na napatingala sa bukas na pintuan ng kwarto. Naroon nakatayo si Callisto. Ang kuya ni Carcel.

Nakangiti siya ng matamis sa akin. “Nag-iimpake ka na? Gusto mo tulungan kita?”

“A-Anong ginagawa mo rito?” namutla ako sa takot sa kanya. May hawak pa siyang bote ng wine.

“Masama bang umuwi sa mansyon na nilakihan ko? Hindi naman porque dito na kayo ni Carcel nakatira at nakapangalan na ito sa kanya ay hindi na ako pwedeng pumunta rito.”

Nag-iwas ako ng paningin at minadali ang pag-iimpake. “Hindi ko kailangan ng tulong. Salamat na lang.”

Si Callisto ay isang kriminal. Nakapatay siya ng kaibigan niya. Pero ayaw niyang makulong. Kaya kumilos si Tito Conrado—ang kanilang ama, para pagtakpan ang nangyari. Kaya labas-pasok ito ng bansa dahil nagtatago mula sa mga kaaway nito. Pero kaya ako takot sa kanya, ay dahil tuwing nagkikita kaming dalawa, palagi niya akong tinatangkang pagsamantalahan!

“Oh, bakit ka nagmamadaling mag-impake?” naglakad siya papasok at tumayo sa harapan ko. “Bakit hindi muna tayo uminom sandali? Tutal mukhang ito naman na ang huli nating pagkikita bilang in-laws.”

Napalunok ako. “H-Hindi na kailangan. Naghihintay sa akin si Kuya Hector sa labas kaya ako nagmamadali.”

“Makapaghihintay naman si kuya Hector. Tutal malaki naman ang bayad sa kanya. Heto. Isasalin ko na ang wine sa baso. Inom tayo.”

“Ayaw ko, pasensya na.” hindi ko siya tinitingnan, patuloy lamang sa ginagawa.

“Ayaw mo?” matunog itong ngumisi. “Pasensya na rin, pero bawal umayaw kapag ako ang nagyaya.”

Natigilan ako. “A-Ano? T-Teka, Callisto—!!!”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status