Share

Chapter 11

HUGO

“Sir, na-deliver na ang mga raw materials na hinihingi ng Santa Maria group para sa proposal natin.”

Napatango ako sa sinabi ng aking sekretarya. “Good work. Balitaan mo ako agad sa oras na ibigay na nila ang final decision nila.”

“Yes, Sir. Ito nga po pala ang document report ng team sa nakaraang performance ng sales----”

“Uncle, uncle!”

Naagaw ang atensyon ko nang may humatak sa dulo ng itim kong polo. Napayuko ako at nakita si Jelly na nakatingala sa akin nang malaki ang pagkakangiti.

Kinuha ko ang dokumento sa kamay ng aking sekretarya saka siya sinenyasan na umalis, na agad nitong ginawa.

Saka ko lamang natutuwang kinarga si Jelly. “Nasaan ang yaya mo at nagawa mo akong mahanap dito sa construction site? Parang ang lakas ng pang-amoy mo at lagi mo akong natutunton, Jelly.” pagbibiro ko pa sa kanya, bahagyang kinurot ang kanyang maliit na ilong.

Humagikhik siya ng tawa. Naglakad naman ako sa maayos na kalsada saka naglinga-linga ng paningin para hanapin ang yaya niya.
P.P. Jing

Maraming salamat po sa gems sa first day ng release ng story! Deeply appreciated po! 🫶

| 2
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status