Share

Chapter 4

JETT

“Ano ka ba naman anak! Sinabi ko na sa iyo! Huwag mong bubuksan ang pintuan! Pero hindi ka nakikinig! Naabutan mo pa tuloy sina Jett at Callisto…”

Nagising ang diwa ko nang marinig ang maingay na boses ni Tita Malou. Napakusot ako ng mga mata at naupo sa malambot na kama. Pakiramdam ko ay nakatulog ako ng bente kwatro oras dahil sa pananakit ng likod ko.

“Carcel naman, dahil sa pagkalabog mo sa pintuan, nagising tuloy ang prinsesa ko.” 

Bigla ay mayroong humaplos sa aking pisngi at buhok. Ganoon na lang ang paninigas ko sa kama. Nagugulat akong napatingin sa katabi kong nakaupo sa kama. Iyon ay walang iba kundi si Callisto. Wala siyang saplot sa pang-itaas ng katawan kung kaya’t kitang-kita ko ang bato-bato niyang katawan. Ngunit nang matingnan ko ang sarili ko ay halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Nakasuot lamang ako ng bra na siyang tumatakip sa aking dibib!!

Pero mas nagugulat ako nang unti-unting naglakbay ang mga mata ko sa lalaking nakatayo sa pintuan ng kwarto. Walang iba kundi si Carcel. Sa likod niya ay si Tita Malou at ibang mga katulong.

Nagtama ang mga mata naming dalawa ni Carcel. Kitang-kita ko ang gulat sa ekspresyon ng mukha niya. Ang karaniwang malamig niyang mga mata ay ngayo’y may bahid ng pamumula at pamamasa.

“Kuya… Jett…” napapakurap niyang usal. Nagsalit ang paningin sa amin ni Callisto ngayon sa iisang kama, parehong walang saplot ang mga katawan.

“A-Anong?” namutla ako. Pakiramdam ko hihiwalay ang kaluluwa ko!

Mas lalo akong nagulat nang yakapin ako ni Callisto. “Babe, pasensya na at napasarap ang ginawa natin kanina. Tuloy naudlot ang pag-iimpake mo ng mga gamit at gabi na.”

Pag-iimpake? T-Tama… nag-iimpake ako ng mga damit. Tapos biglang pumasok si Callisto sa kwarto at niyaya akong uminom. Noong tumanggi ako ay tinakpan niya ang bibig ko ng isang panyo at unti-unting nawala ang kamalayan ko!

Nang maalala iyon ay malakas na kumalabog ang dibdib ko. Puno ng kaba, nerbyos, kaguluhan, at taranta akong muling tumingin kay Carcel. Subalit ngayon ay nabura na ang emosyon sa mukha niya. Hindi ko pa man nabubuka ang mga labi ko ay mabilis na siyang lumabas ng kwarto.

“S-Sandali! Carcel!!” buong lakas kong tinulak si Callisto. Nang magwagi ay mabilis akong dumampot ng kahit ano sa mga dress kong nakalabas sa cabinet saka iyon sinuot.

“Kalmahan mo lang, Jett.” narinig ko pa ang pagtawa ni Callisto.

“Anong ginawa mo sa ‘kin?!” nag-init ang mga mata ko sa pagbabadya ng mga luha. Binato ko siya ng nahawakan kong matigas na bagay.

Napikon agad siya nang tumama sa ulo niya. “Ano ba?!”

Nagmamadali akong lumabas ng silid. Hinarang pa ako ni Tita Malou subalit tinulak ko siya ng malakas para siya tumabi.

“ABA!!” rinig kong reklamo nito nang masalo siya ng mga katulong.

Wala akong pinalampas na segundo. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan para habulin si Carcel na malapit nang makalabas ng mansyon!

“Carcel! Sandali lang!! Magpapaliwanag ako!!” sa bilis ng takbo ko ay nagawa kong makahabol sa mabibilis niyang paglalakad bago pa siya makalabas ng gate. Hinawakan ko ang kamay niya mula sa likuran at hinatak siya upang pahintuin.

Subalit puwersado niyang binawi ang kamay niya saka walang bahid ng emosyong humarap sa akin. “My bad. Hindi ko dapat binuksan ang pintuan para hindi ka nagising at hindi ko kayo naistorbo. Pero may divorce paper ka pa kasi na dapat pirmahan, Jett. sana iyon muna ang inuna mo hindi kung ano-anong ibang bagay.”

“A-Ano?” naluluha akong napipilan. Bakit ganito ang reaksyon niya sa nangyari? Mas importante ang divorce paper? Nakagat ko ang ibabang labi, pinipigilan ang mapangunahan ng emosyon. “I-It’s not what you think, Carcel. Si Callisto, h-he, he harassed me… wala akong ginagawang masama—”

“Yeah, right. Ilang beses mo na bang sinabi na hinaharrass ka ni Kuya? At ilang beses kitang pinagtanggol. It turns out gusto mo rin pala ang ginagawa niya.” sarkastiko siyang napatawa at napailing. “Hindi naman na importante iyon, Jett. Ipaliwanag mo man ang nakita ko o hindi. Ipamukha mo man sa akin na walang namamagitan sa inyong dalawa o hindi, kailangan parin nating maghiwalay. Wala akong pakialam sa relasyon niyo ni Kuya. Kaya sana, wala ka na ring pakialam sa aming dalawa ni Gia. Gano’n lang kasimple. Tutal, pareho naman tayong naglolokohan dalawa.”

Kumibot-kibot ang mga labi ko. Nanikip ang dibdib ko at hindi ko napigilan ang pagbagsakan ng mga luha. Nanginginig ang mga kamay ko na humawak sa kamay niya. “W-Wala kaming relasyon ni Callisto! Carcel, paniwalaan mo ako kahit sa huling pagkakataon! Pinatulog niya ako kanina, pagkagising ko nandoon na ako sa kama at nandito ka kaya—”

“Right.” napapagod siyang bumuntong-hininga. “Kung ‘yun ang totoo para sa’yo, kasuhan mo si Kuya kung gusto mo. Pero wala na akong pakialam, Jett. Ang gusto ko lang ay pirmahan mo na ang divorce paper. Nang sa gano’n ay maituloy na ang kasal namin ni Gia at makuha na ni Gigi ang apelyido ko.”

Parang kutsilyo ang mga salita niya na tumas sa dibdib ko. Sa sakit na naramdaman ay malakas ko siyang sinampal. “Ito ang tandaan mo, Carcel. Sa ating dalawa, ikaw lang ang manloloko! Ikaw lang ang nagkasala sa ating dalawa! At ikaw lang ang makokosensya sa lahat ng pangyayaring ito! Wala akong ginawa kundi magpakatapat sa’yo! Minahal kita ng buong puso kasi akala ko napakapambihira ng pagmamahal mo para sa akin! Pero isa kang manloloko! Wala kang pinagkaiba sa pamilya mo at sa pamilya ko! Bagay na bagay ka talaga sa kanila! Lahat kayo mapagkanulo!”

Malakas ko siyang tinulak at mabilis siyang nilampasam. Halos maubusan ako ng hangin sa katawan sa lakas ng pagkakahagulhol. Tinawag ko si Kuya Hector para ipagmaneho ako palabas ng mansyon. Doon sa sasakyan ay walang humpay ang naging pag-iyak ko. 

—-

Nagsisisi ako na umalis agad ako sa mansyon nila. Dahil hindi ko man lang nasaktan ng husto si Callisto at si Tita Malou. Napagtanto ko lang iyon nang mahimasmasan ako sa panunuyo ni Lola Flor. Nakahinga rin ako ng maluwag matapos akong suriin ng personal doctor ni Lola, at lumalabas na hindi nagalaw ang katawan ko.

Isa lamang ang ibig-sabihin niyon. Pinlano nilang ipakita kay Carcel na wala akong pinagkaiba sa kanya. Na isa rin akong manloloko tulad niya. Pero para saan? Para hindi ito makonsensya sa ginawa niya sa akin? Pampalubag loob? 

“Sige na, apo, tumahan ka na at kumain. Nagluto si Lola ng bilo-bilo. Masarap ito.” binigyan ako ni Lola Flor ng isang mangkok at kutsara.

“S-Salamat, Lola…” Kinuha ko iyon. May namumula at namamasa paring mga mata na kumain habang nakalukot ako ng upo sa kutson. 

“Hay, kawawa naman ang apo ko.” may malungkot na ngiting hinaplos ni Lola ang buhok ko. “Ano bang dapat gawin ni Lola para gumaan ang loob ni Jettie?”

Nanginig muli ang mga labi ko at napasinghot ng sipon. “Lola naman,” pinunasan ko ang aking luha. “H-Hayaan na muna natin siguro, Lola. W-Wala rin naman yata akong magagawa eh. Wala naman akong dapat ipaglaban. S-Siguro, siguro pagkatapos kong pirmahan ang divorce paper. Magpapakalayo-layo na ako sa kanila. Tulungan mo na lang ako lola, para hindi na mag-krus ang mga landas naming lahat. A-Ayaw kong, itong sanggol sa sinapupunan ko ay makilala ang mga katulad nila. Ayaw kong masaktan ang anak ko, Lola, kagaya na lang ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapapayag na maranasan din ng anak ko ang pang-aapi nila sa akin. Kaya ayaw ko nang makita pa silang lahat kahit kailan. Ayaw ko na talaga, Lola…” nagsisipatakan ang mga luha ko sa bilo-bilo kahit ano pang pagpunas ko roon.

Naaawang lumaki ang ngiti ni Lola at hinalikan ako sa aking noo. “Huwag kang mag-alala apo. Gagawin ko lahat ng makakaya ko, para hindi ka na nila makita pa ulit. Itatago nating sikreto ang pagbubuntis mo, nang sa ganoon ay hindi nila pag-interesan ang anak mo. Ako na ang bahala, apo. Pangako iyan.”

“Maraming salamat lola.” binaba ko ang mankok sa lamesa para yumakap sa kanya ng mahigpit. “Salamat dahil nandito ka. Salamat sa pagkampi sa akin, Lola…”

“Syempre naman, apo. Ikaw yata ang pinakamalapit na tao sa puso ko. Hindi ka katulad ng mga anak kong babae na halos pabayaan na akong mag-isa dahil matanda na ako. Hindi ka katulad ng mommy mo na ang laki-laki parin ng poot sa akin kahit ilang beses akong humingi ng kapatawaran. Salamat apo, at kahit papaano, dahil sa’yo hindi ako nag-iisa. Lalo na’t makikila ko na rin ang po ko sa tuhod.”

Tumango-tango ako at matamis na ngumiti. “Makikilala natin siya, lola…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status