Share

Chapter 7

JETT

“Walang hiya ka!!” sampal ang inabot ko mula kay Mommy pagkarating na pagkarating pa lang nila sa hospital. “Anong ginawa mo kay Carcel?! Anong ginawa mo sa kanya, Jett?!” Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at binaon ang mababa niyang kuko.

“M-Mommy!” mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Kanina pa namamaga ang mga mga mata ko at kanina pa ako pinanghihinaan ng katawan. Simula nang sugurin si Carcel dito sa hospital hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagawang tumahan.

Nagkalat parin sa puti kong damit at itim kong jacket ang mga dugo ni Carcel matapos siyang saklolohan kanina pagkatapos niyang mabangga ng truck. Marami sa mga nakakita ang agad ding sumaklolo. At dahil abot-kamay lang ang hospital ay kaagad siyang naisugod. Ngayon ay hindi parin lumalabas ang mga doktor at nurses mula sa operating room.

Lumuhod ako sa harapan ni Mommy sa labis na panlalambot ng aking mga tuhod. “S-Si Carcel… M-Mommy…. H-Hindi ko gustong mawala si Carcel… aahhh!! A-Ayaw ko, hindi ko matatangga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status