Share

Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!
Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!
Author: P.P. Jing

Chapter 1

JETT

“Congratulations! You're pregnant, Jett!” masayang wika ng aking kaibigan na doktor na si Kaye. “Isang buwan ka nang buntis sa unang baby niyo ni Carcel.”

Matagal pa akong napatulala sa kanya, pinoproseso ang ibinalita niya. “B-Buntis ako?”

“Yes! Wala kang sakit, kundi nakakaramdam ka lang ngayon ng mga mild symptoms of pregnancy. Actually, late mo na ngang nararanasan ang sintomas, but I can assure you, nothing's wrong with your pregnancy. Your body is healthy, you just need to keep it that way.”

Nagmamadali akong lumabas ng hospital. Panay kagat-labi ko dahil sa hindi makubling saya na aking nararamdaman. Patuloy na kumakabog ang dibdib ko hanggang sa matunton ko ang naka-park na sasakyan namin.

“Kuya Hector, uwi na tayo!” puno ng pananabik kong anyaya sa aking driver nang maupo sa backseat.

“Yes po, Madam!” 

Habang umaandar ang sasakyan ay kinalikot ko ang aking cellphone para tawagan ang aking asawa. Nung una ay hindi niya pa sinagot, ngunit nang tawagan ko ulit ay sinagot na niya.

“Why are you calling?” malamig niyang bungad sa akin.

Hindi ako natinag sa boses niya dahil ganoon naman talaga siya kung magsalita. “Hello love! Busy ka parin ba ngayon? Akala ko ba uuwi ka na bukas dito sa Pilipinas? Nakapag-impake ka na ba?”

“I'm busy now. Bukas ako uuwi, bukas na lang tayo mag-usap.” pinatay niya agad ang tawag.

“Ay,...” napanguso ako na napatingin sa screen ng aking cellphone. Subalit hindi na ako nagmaktol dahil sa ganda ng aking mood.

Alam ko naman na dahil nagmamay-ari si Carcel ng isa sa mga sikat na kumpanya sa bansa ay madalas siyang abala sa pagtatrabaho at pagpunta sa iba't-ibang bansa para sa business trips. Naiintindihan ko rin na dahil mas umaangat pa ang kumpanya niya ay madalang na lang siya kung umuwi sa aming mansyon. Noong una ay nagdaramdam ako dahil kaunting oras na lang ang nilalaan niya para sa akin, pero nasanay na rin ako hindi katagalan. Alam ko naman na ginagawa niya ito para sa future naming dalawa, lalo na sa magiging mga anak namin!

Sa isiping iyon ay mas lalo pa akong natuwa. Ang kiliti at kilig ay nagpapaligalig sa aking katawan sa sasakyan.

“Kuya Hector, huwag pala muna tayong umuwi ngayong araw. Deretso tayo sa mansyon nila Mommy.” 

“Okay, Madam!” 

Alam ko sa sarili kong hindi ko maitatago ang good news ngayon. Hindi ako mapapakali hanggat wala akong mapagsasabihan. 

Dahil bukas pa uuwi si Carcel, bakit hindi ko muna ipagbigay alam sa mga magulang ko na buntis ako? Paniguradong matutuwa sila. Kahit pa hindi ito ang una nilang apo, paniguradong ma-eexcite parin sila!

Ang nakababata kong kapatid na si Gianna ay nauna nang mabuntis at magkaanak noong nakaraang apat na taon. Sa kasamaang palad nga lang, hindi niya alam kung sino ang lalaking nakabuntis sa kanya, kung kaya't wala ngayong tinatayong ama ang pamangkin ko na si Gigi.

Pero kahit na ganoon, bilang isang pamilya, binusog naman namin ng pagmamahal si Gianna at Gigi. Kasalukuyan silang nananatili parin sa mansyon nila Mommy at Daddy. Ako lang itong nahiwalay dahil kinuha ako ng asawa kong si Carcel nung kami’y ikasal.

Napakasuwerte ko parin at nasa tamang lalaki ako napunta. Nararamdaman ko ang walang humpay na pagmamahal ni Carcel para sa akin sa loob ng tatlong taon naming pagsasama, at alam kong magiging mabuti siyang ama dahil gano'n na lang siya kahilig sa mga bata!

Hindi nga lang kami nabigyan kaagad ng anak kahit ilang beses naming subukan, pero tama ang kaibigan kong si Kaye. ‘Try and try until we succeed’. Kaya heto, buntis na rin ako sa wakas! Matutupad ko na ang pangarap namin ni Carcel na bumuo ng pamilya!

“Madam, nandito na tayo.”

Huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon na kinalakihan ko. Nagmamadali akong lumabas para pumasok sa loob ng malaking gate. 

“Magandang hapon, Manong guard!” pagbati ko kay Manong Hulyo na siyang kilala na ako simula pagkabata.

“I-Iha Jettie?” para siyang nakakita ng multo. “A-Anong ginagawa mo rito?”

“Ha?” natawa at nagtaka ako sa naging reaksyon niya. Pabiro ko pa siyang hinampas. “Si manong naman. Parang hindi naman ako naglalagi rito para mabigla kayo ng ganyan!” 

Akma ko siyang lalampasan dahil sa pagiging excited ko na pumasok sa loob subalit hinarangan niya ang dinaraanan ko.

“Te, teka lang, iha! Sandali!” namumutlang pigil niya sa akin. “B-Bakit hindi ka muna manatili rito sa labas para i-inform ko sila Madam na nandito ka?”

“Ha??” nagsalubong ang kilay ko subalit sinusubukan pariag ngumiti ng maganda. “Eh para saan pa, Manong guard? Grabe naman kayo sa ‘kin! Parang hindi na ako part ng family, ah? No need to inform them, may mahalaga rin akong sasabihin kila Mommy kaya papasok na ako sa loob!”

Ngumiti pa ako ng malaki, walang halong paghihinala sa inaakto niya. Subalit nang harangin niya muli ang dinaraan ko ay napuno na talaga ko ng pagtataka.

“Manong guard? Bakit ba? May ganap ba sa loob? Busy ba sila Mommy at Daddy?” napakrus ako ng mga braso at nagtaas kilay.

“K-Kasi… kasi… ano…” nag-isip siya ng idadahilan subalit sadyang wala talagang lumalabas sa bibig niya. “Iha Jettie… S-Sa tingin ko, hindi maganda ang araw na ito para bumisita ka. Bakit hindi ka na lang muna umuwi at bumalik sa mansyon niyo?”

Marahas akong napabulalas ng hininga. “Manong? Two hours ang biyahe at nahihilo na ako! Bakit ba parang ayaw niyo akong pumasok sa loob? Tsk! Kuya Hector! Paki-alis nga si Manong guard sa harapan ko!”

Si Kuya Hector na nakabuntot lang sa akin matapos iparada ang sasakyan sa labas ay mabilis na nakakilos para alisin si Manong guard sa harapan ko.

“T-Teka, iha Jettie!” palibhasa'y matanda na ay wala siyang binatbat sa mahinang paghila ni Kuya Hector sa kanya papalayo.

Nagtuloy-tuloy lamang ako sa paglalakad. Nakakapagtaka na nakasarado pa ang malaking front door ng mansyon na karaniwang palaging nakabukas mula umaga hanggang hapon.

Binuksan ko ang pintuan. Yumuko ako upang sana'y tanggalin ang marumi kong suot na sandals bago tuluyang pumasok sa loob. Subalit natigilan ako nang marinig ang iba't-ibang pamilyar na boses ng aking pamilya mula sa sala.

“Daddy! Masaya ako na nakauwi ka na rin sa wakas!” dinig kong maliit na tinig ni Gigi.

Dahil sa pader na nakaharang ay hindi ko pa sila nakikita. Nabalot ako ng pagtataka. Daddy? Si Gigi may daddy? Paano? Eh hindi naman kilala ni Gianna ang nakabuntis sa kanya!

Wait! Hindi kaya… nahanap na niya? Kaya ba pinigilan ako ni Manong guard na pumasok? Pero bakit naman? Dahil kung gayon ay isa itong malaking good news na dapat kong malaman!

Dahan-dahan akong napatayo, hindi na inabala ang pagtanggal ng aking sandals.

“Sabi ko naman sa'yo, apo, uuwi rin agad ang Daddy mo. Ayan oh! Napakarami mong toys!” boses ni Mommy ang natutuwang nagsalita. “Naku, maraming salamat, Carcel, ha? Nag-abala ka pa talaga para kay Gigi.”

“Gigi is my daughter, so of course I should give her everything.”

Nanigas ako na parang estatwa sa kinatatayuan. Nahinto ang aking paghakbang at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata. Maging ang paghinga ko ay napugto na tila'y huminto ang oras.

Carcel….?

“Daddy! Let's play!”

“Gigi! Your Daddy is tired pa! Kakauwi niya lang sa bansa. Hayaan mo muna siyang magpahinga!”

“But Mommy!” 

“It's okay, Gia, mukhang na-miss lang ako ng anak natin.”

“Hay, Carcel! Pahinga ka lang diyan. Malamang hindi ka pa kumakain. Anong gusto mo? Magpapahanda ako ng merienda.”

Mabilis na nag-init ang dalawa kong mga mata. Nanlabo ang paningin ko. Nanlamig nang husto ang mga palad ko. Hindi, pakiramdam ko binuhusan ako ng nagyeyelong tubig!

Dahan-dahan akong naglakad kahit na nanginginig na ang mga binti ko. As if hindi pa sapat ang mga naririnig ko, talagang pinasok ko ang sala ng mansyon.

Naroon siya… ang aking asawa na si Carcel, kandong-kandong ang 3 years old na babaeng anak ni Gianna na si Gigi. Habang ang tuon niya ay na kay Gianna, na kasalukuyang sinusuklay ang magulo niyang buhok.

Samantalang si Mommy at Daddy ay masaya lamang na nanonood sa kanila habang nakaupo sa katapat na sofa.

“Ooh! Tita Jettie is heeerrreeee!” malakas na pagsigaw ni Gigi nang siya ang unang makapansin aking presensya.

Nakatayo ako roon sa gilid. Pinapanood kung paano mawala ang kasiyahan sa mga mukha nila. Para silang mga nakakita ng multo nang tumingala sa akin. Labis silang namutla lahat. Kitang-kita ko pa kung paano sila manigas kagaya ng aking nararamdaman ngayon.

“A-Anong ibig… haaaa…” nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. “A-Anong ibig sabihin nito?” halos panghinaan ako. Gusto kong bumagsak sa sahig. Gusto kong maglaho na lamang na parang bula.

“J-Jett…” 

Dahan-dahang nagtama ang mga mata namin ni Carcel. Sa lahat, siya ang mas higit na nagulat. Subalit nakakapagtaka, na sa isang iglap ay biglang naglaho ang emosyon niya. Pinakita niya kaagad sa akin ang pangkariwan niyang itsura, na puno ng panlalamig at kawalan ng pake.

“C-Carcel…” nanginginig ang labi ko sa pagpipigil na mapahagulgol. Tinuro ko ang inosenteng bata. “I-Ikaw, ikaw ang ama?”

“Anak!” Si Mommy ay agad na nakatayo para lumapit sa akin. Hinawakan niya ang malamig kong kamay na nakaturo. “Please, anak, huwag kang manggulo muna. Ipapaliwanag namin sa'yo, okay?”

“H-Huwag manggulo? Ako?” natatawa akong napaiyak. “Mommy? Matagal niyo nang alam ito? Kayong lahat? Kailan pa?!!” buong lakas ko siyang tinulak.

“Jett!” Si Daddy ay agad na nasalo si Mommy. Istrikto itong tumingin sa akin. “Ano ka ba naman?! Gusto mo bang saktan ang mommy mo?!”

“Ako ‘yung nasasaktan ngayon, Daddy!!” halos mapitid ang ugat ko sa leeg sa pagsigaw. Nanlabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang naipon sa mga mata ko. “Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?! Dahil ang dating sa akin, lahat kayo niloloko ako!! Lahat kayo pinagkakaisahan ako!!”

“Ate Jett!” seryosong lumapit sa akin si Gianna. “Sasabihin naman namin sa iyo eh, pero naunahan mo nang malaman! Oo! Si Carcel ang nakabuntis sa akin noon, at siya ang ama ni Gigi! Bago kayo kinasal dalawa, may nangyari sa amin pero insidente lang ‘yon! G-Gusto ko namang manahimik eh… pero si Gigi, gusto niya talagang makilala ang Daddy niya. At may karapatan si Carcel na malaman na mayroon siyang anak sa akin!”

Bumuhos ang luha ko sa sakit na naramdaman. Nanikip ang dibdib ko, halos hindi makahinga sa mga narinig. Labis akong napahagulgol. “MGA WALA KAYONG HIYA!!!”

Sa pag-apaw ng damdamin ay malakas kong sinipa ang malaking vase. Dahilan upang bumagsak iyon at mabasag. Kumalabog ang mga bubog sa sahig kasabay ng pagsigawan nila Mommy, Gianna, at Gigi.

“Enough!” tumayo si Carcel. Lumapit sa akin at kinuha ang braso ko. Pwersahan niya akong hinala papalayo.

Mas lalo akong napaiyak, pinaghahampas ko siya at nagpupumiglas. “Bastos ka!! Bastos ka!!! Manloloko!! Paano mo nagagawa sa akin ito, Carcel?!! Minahal kita!!!”

Marahas niya akong hinarap sa kanya. “Let's divorce, Jett! Hindi na kita mahal. Kailangan kong panindigan si Gianna at Gigi.”

“A-Ano?” tuluyang nanlambot ang buo kong katawan. Patuloy na umaagos ang mga luha ko. Ganoon na lang ang milyong boltahe na tumama sa akin at nagpawasak ng puso ko. Halos mawalan ako ng buhay na tumitig sa mga mata niya. “A-Ang kapal ng mukha mo…. p-paano mo ito nagagawa sa akin?”

May namumulang mga mata niya akong tinitigan, bago nag-iwas ng paningin at bitawan ang braso ko. Dahil wala nang nakasuporta sa katawan ko ay bumagsak ako sa sahig. Ganoon kahina ang naararamdaman ko ngayon.

“Wala pa naman tayong napundar na pamilya sa loob ng tatlong taon. Kaya pinipili ko sila Gianna at Gigi. Maghiwalay na tayo, Jett.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status