Share

Kabanata 3

(((Danreve)))

“You are not getting any younger, Danreve! You’re thirty two years old, and yet, wala ka pa ring balak na lumagay sa tahimik?”

Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga salitang ‘yon mula kay Lolo Clamente at sa magulang ko sa tuwing uuwi ako ng mansion.

Ang gusto nila ay mag-asawa na ako. Ang gusto nila ay tigilan ko na ang kahibangan ko sa paghihintay sa girlfriend ko na in-una raw ang career kay sa akin.

Hibang na kung hibang, but I won't get tired of waiting for her. Handa akong maghintay kahit gaano katagal. Hindi ko ipagpapalit ang pitong taon na relasyon namin ng girlfriend ko, for some random girls.

I won’t deny that in three years, na hindi ko kasama ang mahal ko ay hindi na ako tumikim ng ibang babae. Tumikim ako. Kada labas, iba ang kasama ko. But hanggang do’n lang ‘yon. Hanggang sa kama lang. No string is attached.

“Matanda na rin ako, Apo. Bago man lang sana ako mawala sa mundong ‘to, gusto ko sanang makita na maikasal ka, o Kung bibigyan pa ako ng mas mahaba-habang buhay, gusto kong makita ang mga apo ko sa tuhod.”

Iyon ang huling salitang narinig ko mula kay Lolo Clam, bago siya nawalan ng malay, at ngayon nga ay nandito siya sa hospital, nakikipaglaban sa buhay.

Guilty ako. Kasalanan ko kung bakit siya inatake sa puso ng araw na ‘yon.

I acted like a jerk. Pinagdidiinan ko na hindi ako mag-aasawa kung hindi rin lang si Golda ang pakakasalan ko. Mas gugustuhin ko pang itakwil nila kay sa makasal ako sa babaing hindi ko naman gusto.

“Anong drama ‘yan?”

Napabitiw ako sa kamay ni Lolo Clam dahil sa biglang pagsasalita ng Mommy ko—si Mommy Riza.

Hindi ko napansin ang pagdating nila. Masyadong na-occupy ang utak ko sa iniisip ko. Isama pa ang nararamdaman kong guilt na nagpapahirap sa kalooban ko.

Hindi ko alam kung paano makabawi sa Lolo ko at sa mga magulang ko.

“Mom…” tanging nasabi ko sabay ang pagyuko. Inismiran niya kasi ako. Sa nangyari kay Lolo, hindi na nakapagtatakta na magalit siya sa akin.

Paulit-ulit na lang akong bumuntong-hininga. Hindi ko alam kung paano humingi ng tawad. Lalo’t alam ko kung ano ang gusto nilang gawin ko na pambawi kay Lolo. Iyon ay ang mag-asawa ako.

“Walang mangyayari kung mag-e-emote ka lang r’yan, Danreve. Do something! Bumawi ka sa Lolo mo.” Talak pa ni Mommy, sabay upo sa sofa at humalukipkip habang dismayang tumititig sa akin.

Si Papa naman ay tahimik lang na tinitigan si Lolo. Gaya ko, nag-iisang anak lang din sa Papa, kaya ang gusto nila ay bigyan ko na sila ng apo. An heir na siyang magmamana sa ng lahat ari-arian ng mga Abrazaldo.

Ako rin naman ay iyon din ang gusto. Pero anong magagawa ko? Ayaw pa umuwi ni Golda rito sa Pilipinas. Pinipilit ko siya na umuwi, pero paulit-ulit naman siyang tumatanggi.

Nakukulitan na nga yata sa akin ‘yon. Ilang linggo na kasing hindi sinasagot ang mga tawag ko.

Kung hindi nga ako pinagbantaan n’on na hihiwalayan ako kapag pinuntahan ko siya, baka sumugod na ako roon at sapilitan siyang iharap sa altar.

Ang hirap ng sitwasyon ngayon ko. Ang tingin sa akin ng iba, isa akong tao na walang puso. Isang tarantado na ang tingin sa mga babae ay parang condom na kapag nagamit na, itatapon na lang. Hindi nila alam na I was crazy in love, sa babae na una kong minahal.

“Dad, I’m so—”

Naputol ang pagsasalita ko nang ibato sa akin ni Daddy ang folder.

“What’s this?” Nagtataka kong tanong na hindi na sinagot ni Daddy.

Mapait na lang akong napangiti. Alam ko, katulad ni Mommy, masama rin ang loob niya sa akin. Kahit hindi niya pa sabihin ng harap-harapan. Ramdam ko na sinisisi niya ako sa nangyari kay Lolo.

Hindi naman kasi ako manhid. Oo, tarantado ako at matigas ang ulo. Pero hindi naman ako masamang anak o apo. Ayaw ko lang na pinipilit ako sa mga bagay na hindi ko gusto. Itong nangyari kay Lolo. Sinisi ko rin ang sarili ko. Galit rin ako sa sarili.

Hindi ako halimaw na walang pakiramdam, at lalong hindi ako walang modo sa mga taong binigay sa akin ang lahat ng pagmamahal at karangyaan sa buhay.

“Ikaw ang dahilan kung bakit nasa ganitong kalagayan ang Lolo mo. So, gawin mo ang gusto niya. Make him happy! Maging masunuring apo ka naman kahit ngayon lang!”

Paulit-ulit kong binasa ang biography ng mga babae na siyang laman ng folder na binato sa akin ni daddy.

Mapait akong napangiti. Lahat sila maganda, sexy, at galing din sa mayamang pamilya, pero ni isa sa kanila, wala akong magustuhan. Ni kaunti ay wala akong spark na maramdaman.

At sa tuwing tinititigan ko sila, mukha ni Golda ang nakikita ko. Ang maramdaman niya ang concern ko. Ayaw kong masaktan siya. Ayaw ko na sa pagbalik niya ay hindi na ako malaya.

“Bro! How’s Lolo Clam? ” tanong ni Onse, matalik kong kaibigan.

Anak ng mga batikang abogado. Pero matagal nang rumitiro dahil sa karanasang hindi nila makalimutan.

Nagpapatakbo na lang sila ng isang law firm. At lahat ng lawyers nila, mga batikan din. Si Onse lang ang naiiba. Isa kasi siyang lawyer na tambay.

Ayaw niya kasing humawak ng kaso. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handa. May opisina nga siya, pero ginagawa lang naming tambayan.

“He still unconcious,” matamlay kong sagot sabay abot sa kanya ang folder.

“What’s this?” tanong naman nito sabay ang pagbuklat no’n, at saka ay ngumiti.

Kumislap pa nga ang mga mata habang hawak-hawak ang baba at nilaro-laro ang kaunting biguti roon.

Paanong hindi siya ngumiti; isa rin siyang mahilig. Siya ‘yong tipong hindi mahamon. Kapag may nagpakita ng motibo, at alam niyang mag-e-enjoy siya, hala bira.

“Nakapili ka na ba? Lahat ‘to panalo, bro! Walang tapon. Lahat masarap at pwedeng kainin,” ngiting sabi niya habang patuloy sa pagbuklat ng mga bio.

Pahapyaw akong tumawa. “ ‘Yan ka! Imbes na tulungan mo akong mag-isip at lusutan ang problema ko. Kati ng katawan ang inuuna mo!”

Napalakas naman ang tawa niya. “Kasasabi mo lang. Problema mo. Bakit damay ako?” walang paki’ nitong sagot at ngumiti pa ng nakakaasar.

“Kilala mo naman ang mga babae na ‘yan. Kapag isa sa kanila ang pinakasalan ko, sakal ang labas ko!”

Natatawang nilapag naman ni Onse ang folder. “Talagang masasakal ka. E patay na patay nga sa’yo ang mga babae na ‘to.”

“ ‘Yon na nga ang gusto ko sanang sabihin kay Daddy, pero hindi ko naman masabi-sabi.” Nahagod ko ang buhok ko. “Galit sa akin e!”

Tumayo naman ako’t napahilos ng mukha. Habang si Onse ay muling binuklat-buklat ang mga bio. Hindi pa yata tapos pagnasahan ang mga babae sa larawan.

“Bro, help me, please,” desperado kong pakiusap sa kaibigan ko.

Pahapyaw na tawa naman ang naging sagot ni Onse at dismaya akong tinitigan. “Anong tulong ba ang gusto mong gawin ko?”

“I don’t know! Kahit ano. Basta makabawi lang ako sa Lolo ko.”

“Kahit ano? Sigurado ka?” Parang nang-aasar na tanong ni Onse.

“Kahit ano nga. Mapasaya ko lang si Lolo.”

Tumayo si Onse at nagpalakad-lakad. Lawyer nga siya. Alam kong marami siyang paraan. Alam kong matutulungan niya akong mag-isip ng paraan. Kaya nga dumeritso na ako rito matapos kong pakinggan ang himutok ng mga magulang ko.

“Bro…” Bagot kong tawag sa kaibigan ko habang sinusundan ang bawat galaw niya.

Hanggang sa bigla siyang huminto at hinarap ako. “What if maghahanap tayo ng magiging fake wife mo?” ngising sabi ni Onse.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status