Share

CHAPTER 16

Dumiretso si Lemuel sa isang exit gate ng eskuwelahang kinaroroonan nila. Maliit lang iyon na tanging mga tao lamang ang puwedeng dumaan at hindi naman maraanan ng mga sasakyan. Tuloy-tuloy doong lumabas ang binata habang hawak pa rin siya nito sa kanyang kamay. Hindi na nagtanong ng ano pa si Jossa. Hinayaan niyang ito na ang mag-akay sa kanya paalis. Ang mahalaga para sa kanya ay makapag-usap sila ni Lemuel na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit.

Mula sa gate na kanilang nilabasan ay tinahak nila ang patungo sa kabilang kalsada. Dire-diretso silang naglakad hanggang sa marating nila ang isang eskinitang patungo pa yata sa maraming kabahayan. Bahagyang may kalayuan na rin iyon mula sa pinanggalingan nila. Doon na huminto si Lemuel at agad siyang hinarap. Puno ng maraming katanungan ang mukha nito pero kasabay niyon ay nasilip niya rin ang pag-alala.

"Ano ang nangyari, Jossa? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi ka na muling pumunta sa bahay namin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status