“Tulala ka riyan?” Tanong sa akin ni Ajax nang makita niya akong nakaupo sa labas ng bahay habang pinapanood ang mga bituin sa langit.“Anong oras na, ha? Bakit gising ka pa?” Tanong ko dahil kanina habang kumakain kami ng hapunan ay nabanggit niyang kakauwi niya lang galing ng Palawan, hindi ba siya napapagod?Naupo ito gilid ko at inilapag sa harapan ang isang basong kape at tumingala rin kagaya ko.“Did you know the story of the brightest star in the sky?”Nilingon ko siya at umiling nang marahan.“Hmmm. Iyong kuwento na iyon ay tungkol sa isang tao na tinitingala ng lahat.”“Idols?” Natawa siya at umiling. “Hindi, silly girl. What I mean is.. madaming taong humahanga sa kaniya pero kagaya ng normal na tao ay hindi niya ito nakikita.”“Isang araw mayroong lalaking hindi naniniwala sa pag-ibig, akala niya kasi ay hindi ito tunay na nag-eexist sa mundo dahil namulat siyang hindi nakitang naging masaya ang kaniyang ama't ina kahit na kasal naman silang dalawa, may-anak at sobrang rang
“Tay, baka hindi naman po si Tyler ang nakita ninyo.”“Malabo lang ang mata ko Calixta, pero hindi ako bulag!” Gigil niyang sambit sa kabilang linya.Ala-sais pa lamang ng umaga pero heto.. na-iistress ako kay Tatay. Mula pa kahapon ay tinatawagan niya na ako, tapos pag tatanungin ko kung kumusta na siya at bakit siya napatawag ay hinahanap niya si Tyler. Akala ko ay nagkasundo na sila pero mali ako.“Tay, kumalma nga muna kayo at baka tumaas ang presyon ninyo!” Narinig ko ang malalim niyang mga hininga sa kabilang linya. Sinsyales na nagpipigil ng galit.“Nakita ng dalawang mata ko Calixta! Tatlong araw na siyang nag babalik balik dito tuwing madaling araw at may hawak ng baril!Tang-na, sinong may matinong pag-iisip ang gagawin ang ganung bagay!” Napapikit ako sa lakas boses niya.“Kasama ko po siya tuwing gabi.” Natahimik si tatay sa kabilang linya.“Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? Alam kong malaki ka na pero anak naman! Kailan lang kayo nagkakilala ay natutulog na kayo ng magkas
Napabalikwas ako ng upo ng may maramdaman akong may tumatapik sa mukha ko.“Wala ka sa bahay ninyo para humiga higa rito.” Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Caren na nakataas ang kilay habang pinag mamasdan ako. Iginala ko ang paningin sa paligid. Naka-upo ako ngayon sa sofang mahaba sa opisina ni Tyler at nakatulog.“Bumangon ka na riyan! Nasaan ang boss mo?” Naglakad siya papalapit sa swivel chair nito naupo roon.“Hindi ko alam.” Napahilamos ako ng mukha.. what the fvck is that? Napanaginipan kong pamilya na si Tyler at may anak pa!“Bakit ka nandito sa opisina niya? Alam mo bang ngayon ang dating ko galing abroad?” Wala akong pake!“Aalis na ako.” Tumayo ako para iwanan na siya dahil wala ako sa mood na makipagtalo lalo na't gulong gulo ako sa napanaginipan ko.“At anong gagawin mo? Mag papapansin ka dahil nandiyan si Ajax sa labas?” Nilingon ko siya ng nakangisi. May sira ata sa ulo 'to.“Nagseselos ka ba?”“Iww, bakit ako magseselos? Si Tyler ang gusto ko, Calixta. Huwag
“Nagpapatawa ka ba?”“Mukha ba akong nagpapatawa?” Tumaas ang kilay niya pero nakangisi pa rin na parang demonyo.“Anong pumasok sa isip mo para isiping mapapapayag mo 'ko?” Humalaklak siya bigla.“Oh, hindi pala sapat ang drama ko kanina.” “Tama ang desisyon kong hindi maniwalang tanggap mo na ako bilang magiging kabiyak ng lalaking nag mamay-ari sa 'yo.” Tatayo na sana ako nang bigla kong narinig ang pag click ng pintuan. Ibig sabihin ay ni-locked ito ni Rouge para 'di ako makatakas at makalabas.“I have no time to play any games with you! Can't you see I am so tired and I really need to rest!? Stop stressing me out!” Sabi ko dahil bukod sa nawawalan na ako ng pansesnya sa paulit-ulit niyang pangma- manipulate sa nararamdaman ko ay paulit ulit niya rin akong binibigo.“B–Bakit mo ba ginagawa 'to sa akin? K–kaya mong pakisamahan ang ibang tao pero pag dating sa akin ay h–hindi?” Hindi nabubura ang ngisi niya. Kumurap kurap ako ng maramdamang nag-iinit na ang gilid ng mata ko.“You k
Nakatayo ako sa gilid ng dalampasigan habang dinarama ang malakas na ihip ng hangin na humahaplos sa aking balat. Ang ganda talaga rito, walang maingay na traffic, walang usok ng iba't ibang sasakyan, malayo sa gulo at higit sa lahat.. malayo sa kaniya, sa kanila.“Calixta, kanina ka pa hinahanap ni Kanor, madami raw siyang nakuhang shells kaya siguradong magpapagawa na naman sa iyo 'yon ng shells accessories na ibebenta sa bayan.” Magiliw sa sabi ni Tiya Awra, may edad na ito pero hindi mo aakalaing malapit na maging señor citizen dahil malakas pa at talagang maganda.“Naubos po ba ang ginawa ko kahapon?” tanong ko bago lumapit sa kaniya.“Nako, wala pang ilang oras ay ubos na! Dinumog ng mga turista!” Natawa ako at humawak sa kaniyang kamay para alalayan siya sa pag lalakad sa medyo mabatong bahagi.“Eh kung mag-ipon po tayo ng pang pagawa ng isang maliit na store para hindi mapagod si Mang Kanor magbenta?” Tumawa siya at umiling ng paulit-ulit.“Hindi na kailangan, ayang si Kanor, g
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ng makarinig ako ng mga taong nag sisigawan sa labas ng bahay.“Masakit! Ayoko na!”“Masamang espiritu lumabas ka sa katawan ng babaeng ito!”Bumangon ako sa aking kinahihigaan upang lumapit sa mga taong nag tutumpukan kahit dis-oras na ng hating gabi.“Tiya, anong mayroon?” Nagtatakang tanong ko lalo na ng makarinig na naman ng isang napakalakas na palo na parang hinahampas talaga sa katawan ng tao at isang panibagong napakalakas na sigaw.“Nasa loob ang isang sikat na mang gagamot upang dasalan ang babaeng anak ni Mang Lito, sinaniban daw ng isang malakas na espiritu.”Napakunot ako ng noo at nilingon na naman ang bahay at agad na papapikit ng makita kung paanong hinampas ng mang gagamot ng isang parang halaman ang babae. Kahit sa anino ko lamang ito nakikita ay hindi ko mataim na pagmasdan.“AYOKO! PAKAWALAN N'YO KO!”“Hindi sa iyo ang katawan na 'yan. Lumabas ka riyan o papaalisin kita sa mundong ito ng tuluyan upang hindi na makapang gulo
Hindi naman sigurong masamang mangarap na sa kabila ng sakit na idinulot namin sa isa't isa ay may pag kakataon pa kaming mag kita upang makahingi ng kapatawaran sa isa't isa. Sa totoo lang ay iniisip kong dahilan ang kawanan namin ng pagkapatawan ang pananaginip ko gabi gabi. Lagi ko siyang naaalala, lagi kong iniisip kung mali ba ang desisyon kong lumayo o tama lang 'yon dahil may dapat na mas inuuna kaysa sa pag mamahalan naming dalawa?“Tulala ka na naman.” Natatawang sinalubong ako ni Caloy na kinagulat ko.“I-Ikaw pala.” I feel uneasy.“Kanina ko pa kasi nakikitang tulala ka, baka kako may maitutulong ako sa iyo, magandang binibini.” Uminit ng pisngi ko sa sinabi niya at nag iwas ng tingin. Hindi ako sanay, sa kaniya lang talaga ako nasanay.“Ah wala wala, ayos lang ako.” Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago kumamot sa kaniyang batok.“Pupunta kang dagat?” Sinundan niya iyon ng tawa. “May dala ka kasing maliliit na kabibi, gusto mo bang samahan kita?”Kinagat ko ang i
“Oh, bakit tulala ka riyan?” Puna ni Tiya Awra habang naghahanda ng pagkain sa ibabaw ng lamesa.“Ah tiya.. Wala po. Kulang lang po ako sa tulog kaya ganito. Alam mo na, medyo maingay kagabi,” ani ko bago tumayo at kumuha ng ulam na nasa palayok. Noong unang mga araw ko rito ay sobra pa akong naninibago dahil iba ito sa lugar na kinagisnan ko. Ang gamit pa rin ng mga tao rito sa pag luluto ay palayok at nag riringas pa rin sila ng papel o di kaya ay kahoy para makagawa ng apoy at makapagluto.“May pumunta na naman kasing mang gagamot kagabi kaya maingay na naman si Daniella. Nako sobrang nakahabag ang batang 'yon!” Kuwento ni tiya.“Bakit daw po nag patawag na naman ng mang gagamot?” Kunot noo kong tanong. Ilan araw na mula ng napag usapan namin ni Caloy ang tungkol sa anak ni Manang Supring at ilang araw ko na rin ito kinausap tungkol sa maari pang maging dahilan kung bakit nasa ganiyang kalagayan ang kaniyang anak pero tinatanggihan niya kami. Naiintindihan ko naman dahil hindi sil