Nakatayo ako sa gilid ng dalampasigan habang dinarama ang malakas na ihip ng hangin na humahaplos sa aking balat. Ang ganda talaga rito, walang maingay na traffic, walang usok ng iba't ibang sasakyan, malayo sa gulo at higit sa lahat.. malayo sa kaniya, sa kanila.“Calixta, kanina ka pa hinahanap ni Kanor, madami raw siyang nakuhang shells kaya siguradong magpapagawa na naman sa iyo 'yon ng shells accessories na ibebenta sa bayan.” Magiliw sa sabi ni Tiya Awra, may edad na ito pero hindi mo aakalaing malapit na maging señor citizen dahil malakas pa at talagang maganda.“Naubos po ba ang ginawa ko kahapon?” tanong ko bago lumapit sa kaniya.“Nako, wala pang ilang oras ay ubos na! Dinumog ng mga turista!” Natawa ako at humawak sa kaniyang kamay para alalayan siya sa pag lalakad sa medyo mabatong bahagi.“Eh kung mag-ipon po tayo ng pang pagawa ng isang maliit na store para hindi mapagod si Mang Kanor magbenta?” Tumawa siya at umiling ng paulit-ulit.“Hindi na kailangan, ayang si Kanor, g
Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog ng makarinig ako ng mga taong nag sisigawan sa labas ng bahay.“Masakit! Ayoko na!”“Masamang espiritu lumabas ka sa katawan ng babaeng ito!”Bumangon ako sa aking kinahihigaan upang lumapit sa mga taong nag tutumpukan kahit dis-oras na ng hating gabi.“Tiya, anong mayroon?” Nagtatakang tanong ko lalo na ng makarinig na naman ng isang napakalakas na palo na parang hinahampas talaga sa katawan ng tao at isang panibagong napakalakas na sigaw.“Nasa loob ang isang sikat na mang gagamot upang dasalan ang babaeng anak ni Mang Lito, sinaniban daw ng isang malakas na espiritu.”Napakunot ako ng noo at nilingon na naman ang bahay at agad na papapikit ng makita kung paanong hinampas ng mang gagamot ng isang parang halaman ang babae. Kahit sa anino ko lamang ito nakikita ay hindi ko mataim na pagmasdan.“AYOKO! PAKAWALAN N'YO KO!”“Hindi sa iyo ang katawan na 'yan. Lumabas ka riyan o papaalisin kita sa mundong ito ng tuluyan upang hindi na makapang gulo
Hindi naman sigurong masamang mangarap na sa kabila ng sakit na idinulot namin sa isa't isa ay may pag kakataon pa kaming mag kita upang makahingi ng kapatawaran sa isa't isa. Sa totoo lang ay iniisip kong dahilan ang kawanan namin ng pagkapatawan ang pananaginip ko gabi gabi. Lagi ko siyang naaalala, lagi kong iniisip kung mali ba ang desisyon kong lumayo o tama lang 'yon dahil may dapat na mas inuuna kaysa sa pag mamahalan naming dalawa?“Tulala ka na naman.” Natatawang sinalubong ako ni Caloy na kinagulat ko.“I-Ikaw pala.” I feel uneasy.“Kanina ko pa kasi nakikitang tulala ka, baka kako may maitutulong ako sa iyo, magandang binibini.” Uminit ng pisngi ko sa sinabi niya at nag iwas ng tingin. Hindi ako sanay, sa kaniya lang talaga ako nasanay.“Ah wala wala, ayos lang ako.” Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa bago kumamot sa kaniyang batok.“Pupunta kang dagat?” Sinundan niya iyon ng tawa. “May dala ka kasing maliliit na kabibi, gusto mo bang samahan kita?”Kinagat ko ang i
“Oh, bakit tulala ka riyan?” Puna ni Tiya Awra habang naghahanda ng pagkain sa ibabaw ng lamesa.“Ah tiya.. Wala po. Kulang lang po ako sa tulog kaya ganito. Alam mo na, medyo maingay kagabi,” ani ko bago tumayo at kumuha ng ulam na nasa palayok. Noong unang mga araw ko rito ay sobra pa akong naninibago dahil iba ito sa lugar na kinagisnan ko. Ang gamit pa rin ng mga tao rito sa pag luluto ay palayok at nag riringas pa rin sila ng papel o di kaya ay kahoy para makagawa ng apoy at makapagluto.“May pumunta na naman kasing mang gagamot kagabi kaya maingay na naman si Daniella. Nako sobrang nakahabag ang batang 'yon!” Kuwento ni tiya.“Bakit daw po nag patawag na naman ng mang gagamot?” Kunot noo kong tanong. Ilan araw na mula ng napag usapan namin ni Caloy ang tungkol sa anak ni Manang Supring at ilang araw ko na rin ito kinausap tungkol sa maari pang maging dahilan kung bakit nasa ganiyang kalagayan ang kaniyang anak pero tinatanggihan niya kami. Naiintindihan ko naman dahil hindi sil
“Wow, ngiting ngiti ka ngayon, ha? Ano kaya ang dahilan? Hmmm. ” Pasaring ni Samantha na kanina pa ako binibuska mula pa kaninang umaga ng makita niyang lumabas ako ng bahay na masaya. Seriously? Ganun na ba ako kaseryoso sa buhay kaya nagugulat sila pag nakikita akong nakangiti?“May narinig akong usap usapan kanina. Itong si babae raw ay nakasama si papa hotie cutie guy sa tabing dagat kahapon at hinatid pa raw ito pauwi.” Segunta ni Linda.“At ito pa! Ang nakakapag taka, pag labas daw ng babae sa kanilang bahay kinabukasan ay may matamis na ngiti ito sa mga labi! Ano kaya ang kanilang napag usapan?” Hinawakan pa nito ang kaniyang suklay gamit ang dalawang kamay at ipinorma sa harap ng kaniyang dibdib. Nag mistulan tuloy itong may hawak na mic habang nang bubuska.Nakaupo silang dalawa sa harapan ko na parang mga reporter na nagbabalita. Sa totoo lang ay parehas silang magaganda. Parehong may mahabang buhok, bilugang mata at balingkinitan ang pangangatawan. Siguro ay kung nasa syuda
Matapos ang mahabang katahimikan ay nag pasya kaming pumunta sa bahay nila Caloy upang ipaalam ang maganda balita.“Oh kayo pala.. pasok muna kayo. Tatawagin ko lang si Caloy,” ani ng Ina nito na si Mrs. Bautista, isang guro.Noong sinabi sa akin ni Tiya na yari sa bato ang bahay nila dahil parehong guro ang kaniyang magulang ay alam ko na kaagad na maganda ito, pero hindi ko inaakala na ganito ito karangya kung titignan. May dalawang sofa sa loob na may , bagay na hinding hindi mo basta makikita sa mga bahay na nandito. Sa tingin ko ay kung nandito ka sa isla, ang ganitong bahay ay mayaman na. Samantalang pag nasa syudad ka ay mayroon kang kaya.Ang karaniwang bahay kasi na makikita rito ay gawa sa kawayan at nipa.“Pag pasensyahan niyo na, ha. Natutulog pa pala.” Natatawang ani ng kaniyang ama bago nag hain ng tinapay at kape sa aming harapan. “Nag abala ka pa Mr. Bautista..”“Huwag kayong mahiya. Kumain lang kayo habang ginigising pa ng aking Misis si Caloy. Hindi niya siguro alam
“Iha.. a-anong gagawin mo?” Natatarantang tanong ni Mang Kanor nang makita akong lalapit sa pintuan ng bahay.Buo na ang loob ko, haharapin ko silang lahat para mag pakita dahil pakiramdam ko ay magkakagulo kapag nanatili akong tahimik dito sa loob. Sa paraan pa lang ng pagkatok nila sa pintuan ng bahay ay parang magigiba na ito. Masasalamin mong 'di sila titigil hangga't hindi ako lumalabas para harapin sila.“Hindi mo sila kailangang harapin. Aalis ka mamayang madaling araw. Mauuna kang pupunta sa sakayang pang dagat! Hindi kami papayag na sasama ka sa kanila. Mamayang umaga ay pupunta ako sa bahay nila Caloy para ipaalam na mauuna ka ng dadaong at mag kita na lamang kayo sa kalupaan.” wika ni Tiya. Kahit na sa isang maliit na gasera lamang nag mumula ang liwanag ay sapat na ito para makita ang nag-aalala nilang mukha.“Tiya, ayoko pong mapahamak kayo. Kausapin ko lang po sila. Sasabihin kong hindi ako sasama.” “At sa tingin mo ay tatanggapin nila 'yan? Sinulong nila ang madaming
“Bossing.. masamang balita!” Natatarantang sigaw ng lalaking bagong dating. Mula rito sa aking kinaroroonan ay natatanaw ko silang lahat. Mayroong halos nasa benteng kalalakihang nagkalat sa harap ng dalampasigan at nasa likod naman nito ang mga naglalaking mga barko at speed boat.“Ano!? Mga tanga! Hindi ba sinabi ko sa inyong huwag na huwag ninyong aalisin ang paningin ninyo sa bahay?” Halos mapatalon ako sa gulat ng isinampal ng lalake ang likuran ng kaniyang kamay sa lalaking lumapit sa kaniya.Sa tingin ko ay siya ang pinakalider ng kanilang samahan kaya hindi gumanti ang lalaking sinaktan niya na ngayon ay duguan at nanatiling nayuko kahit kasalukuyan na itong nakaupo sa buhanginan dahil sa lakas ng impact ng pag kakasampal“Bosing, hindi po namin alam kung saan siya dumaan. Binantayan po namin nang maigi ang lugar.” Mahinang paliwanag nito na abot ng aking pandinig.“Tanginang pagbabantay 'yan! Ang sabihin mo ay nakatulog kang h*******k ka!” Aambahan niya pa sana ng isang tadya