Share

Kabanata XL

“Oh, bakit tulala ka riyan?” Puna ni Tiya Awra habang naghahanda ng pagkain sa ibabaw ng lamesa.

“Ah tiya.. Wala po. Kulang lang po ako sa tulog kaya ganito. Alam mo na, medyo maingay kagabi,” ani ko bago tumayo at kumuha ng ulam na nasa palayok.

Noong unang mga araw ko rito ay sobra pa akong naninibago dahil iba ito sa lugar na kinagisnan ko. Ang gamit pa rin ng mga tao rito sa pag luluto ay palayok at nag riringas pa rin sila ng papel o di kaya ay kahoy para makagawa ng apoy at makapagluto.

“May pumunta na naman kasing mang gagamot kagabi kaya maingay na naman si Daniella. Nako sobrang nakahabag ang batang 'yon!” Kuwento ni tiya.

“Bakit daw po nag patawag na naman ng mang gagamot?” Kunot noo kong tanong.

Ilan araw na mula ng napag usapan namin ni Caloy ang tungkol sa anak ni Manang Supring at ilang araw ko na rin ito kinausap tungkol sa maari pang maging dahilan kung bakit nasa ganiyang kalagayan ang kaniyang anak pero tinatanggihan niya kami. Naiintindihan ko naman dahil hindi sil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status