Share

CHAPTER 2: REVELATIONS PART 1

ISANG sinag ng ilaw ng flashlight na nanggagaling sa di kalayuan ang nagpabalik sa pagkawala ng malay ko.

 "What happened?"bulong ko sa sarili ko.Pinilit kong binuksan ang ang aking mga mata.Madilim sa loob ng basement at tanging sinag lang ng ilaw ng flashlight na tumatagos sa bintana ang aking nakikita.

"Sabi na,nanaginip lang ako."pumikit ulit ako at sinampal ko ng malakas ang aking kaliwang pisngi."Aray!"napangiwi ako,nakaramdam rin ako ng lamig.Doon ko napagtanto na hubo't h***d pala ako.Nagmamadali kong kinuha ang isang tela na malapit sa akin at ibinalot ko ang aking sarili.

 "Riiioo!Riioo!"habang tumatagal ay palapit ng palapit ang mga boses na aking naririnig.Nagmadali akong tumayo at tinungo ang pintuan para buksan.

Pagkabukas ko ay tumambad sa akin sila Mommy at Daddy kasama si yaya Lita at Manong Ben na aming driver.Sa kanila pala nagmula ang mga sinag ng flashlight na tumama sa bintana kanina.

 "Anaak!"pasigaw na tumakbo papalapit sa akin si Mommy.Yumakap ito kaagad at chineck ang buong katawan ko.Bakas rin sa mukha niya ang pagtataka kong bakit magulo ang aking buhok at nakatapis lang ako ng tela.

"Mommmyyy...."usal ko hanggang sa magdilim na ang aking paningin at makaramdam ako ng pagkahilo.Nakita ko pa silang lahat na tumatakbong papalapit sa akin at ang malakas na pagsigaw ni Mommy hanggang sa tuluyan na nga akong mawalan ng malay.

***

Napabalikwas ako sa kama.Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako.Kinuha ko ang isang baso ng tubig na nakalagay sa study table malapit sa aking kama.

 "Napakasamang paniginip talaga grabe!"nakahinga ako ng maluwang lalo na ng inikot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto.Walang nagbago,maayos parin.Kinapa ko ang aking mga ngipin at hinawakan ang aking mga braso,walang mga pangil at lalong lalong walang mga balahibo.Napabuntong hininga ako at napailing,"Wow ha! grabi lang sa imagination."

"Anak!"papungas pungas na sigaw ng aking ina.Nagulat ako.Hindi ko napansin na nakayuko pala si Mommy sa gilid ng aking kama.Nakaupo siya sa isang upuan.Sa tingin ko ay ilang oras na siyang nagbabantay doon kaya nakaidlip na siya.Yumakap agad ito sa akin,bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.

 "Anak,ano ba ang nangyari kagabi?May natatandaan ka ba?"sunod sunod na tanong nito sa'kin habang hinahawi ang mga buhok ko na nagkalat sa aking mukha.Pakiramdam ko ay nanlamig ang buo kong katawan,ramdam ko rin ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko.

 "So ibig sabihin ba 'non ay hindi lang ito basta panaginip lamang?"bulong ko sa'king sarili.Napatitig ako sa aking ina.Maya-maya pa ay hindi ko napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.Nangangatog ang buo kong katawan sa takot.

 "Rio?...anak...bakit?.      

Napayakap na lang ako sa aking ina.Ang kaninang mga mahihinang hikbi ay napalitan ng malakas na pag-iyak.Ang pinagtataka ko lamang ay bakit parang walang naging reaksyon ang aking ina sa aking pag-iyak.Wala akong narinig sa kaniya.Isang mahigpit na yakap lamang ang kaniyang itinugon sa akin.Tinapik niya ang aking likod ng kanang kamay niya pagkatapos ay hinawakan niya ang aking mga balikat at iniharap niya ako sa kaniya.

 "Kelan pa nangyari anak?"maikling tanong nito.Bigla akong natigilan sa sinabi niya..

 "M-ma?..what do you mean?.."hinawi ko ng mga kamay ko ang aking mga luha.Labis ang aking pagtataka.

 "I knew it Rio."pabulong na wika nito."I know its gonna happen,but I wish na sana hindi nalang.."

 "Mommy ano ba?Do you really know what's happening on me?"garargar ang mga salitang lumalabas sa aking bibig,nagbabadya na namang tumulo ang aking mga luha.

 "D-do you even know na nagkaroon ako ng pangil kagabi?tumubo ang napakaraming balahibo sa aking katawan?Nag-anyong hayop ako 'ma...."tuluyan na ngang kumawala ang mga patak ng luha ko.

 "T-takot na takot ako 'ma."nauutal kong dugtong habang humihikbi.

Tumayo ang aking ina sa kaniyang kinauupuan at nagtungo sa harap ng bintana.Tumingin siya sa kawalan.Isang beses siyang sumulyap sa akin.Bakas sa mga mata niya ang pagkahabag sa kalagayan ko.Nangingilid na rin ang mga luha sa kaniyang mga mata.Isang buntong hininga ang kaniyang pinakawalan.

 "Dise-otso anyos ako noon nung sinama ako ng Tita Gab mo sa pag-mountain climb nila kasama ang kaniyang mga kaklase.Goal naming maakyat ang Mt.Kaji,isa ito sa pinakamataas na bundok sa ating lugar at bihira lamang ang may nangangangahas na umakyat dito.Marami ring bali-balita na may mga kung ano daw na elemento ang nakatira roon."kwento nito.

 "Ano ang kinalaman ng bundok na iyon sa akin m-ma?"pagtataka kong tanong.

 "Dahil doon ko nakilala ang ama mo."maikli niyang tugon.

 "What do you mean mommy?Doon ba nakatira si daddy?

 "No,anak.Im sorry but hes's not your biological father."naiiyak na wika nito.

Parang tumigil ang mundo ko sa mga salitang lumabas sa bibig ng aking mismong ina.Paanong ang lalaking iniidolo ko ng labing walong taon ay hindi ko pala totoong ama?Paano nangyari iyon?Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na iba ako sa kaniya,alam kong mahal na mahal ako ng daddy ko at proud siya sa lahat ng achievements ko.

 "You're kidding right mommy?"ayoko maniwala.

 "Please stop it!"I shouted.Pinagsasampal ko ang sarili ko."I know its just a dream..a nightmare!Please wake me up!"hagulhol ko.Hindi ko malaman kung ano ang masakit tanggapin,iyon bang naging isang hayop ako o ang malamang hindi ako totoong anak ng kinilala kong ama.

Nagmamadaling lumapit sa akin ang aking ina,maging siya ay hindi narin mapigilan ang pagbuhos ng mga luha.

 "I-im soorry anak."napakahigpit ng mga yakap nito.

Napuno ng mga hagulhol at pagtangis ang loob ng aking kwarto.Halos hinahabol ko na ang aking hininga sa pag-iyak.Naninikip ang dibdib ko sa sakit ng aking nararamdaman.Parang kahapon lamang ay napakasaya ng aming pamilya.Madalas kami mag-malling,madalas kami humagikhik sa sala kapag nanunuod kami ng telebisyon dahil sa mga korning joke ni daddy lalo na kapag napansin niyang naboboring na kami sa palabas na siya ang pumili.Maaga kaming ngigising 'twing Sunday dahil Church day 'yon at Family day na rin.Higit sa lahat,siya lang iyong tao na alam kong hindi ako sasaktan.Siya ang knight in shinning armour ko.Kasabwat sa lahat ng gala ko para payagan ako ni Mommy.Paanong sa isang iglap ay hindi ko na pala totoong ama?Paanong sa isang iglap ay hindi ako kauri ng tinuturing kong pamilya?

 "Isang malaking trahedya ang mga nangyari noon anak,pero gusto ko lang malaman mo na kung babalik ako sa panahon na 'yon ay pupunta pa rin ako sa Mt Kanji,dahil sa bundok na iyon ay andito ka sa harap ko.Ikaw ang nagbigay ng kasiyahan sa amin ng daddy mo."paliwanag nito.

Pinunasan ako ang aking luha.Tinitigan ko ang aking ina sa kaniyang mga mata.

 "Gusto ko malaman ang totoo mommy,gusto ko malaman kong anong klaseng nilalang ako."matigas na sabi ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status