Share

CHAPTER 3: REVELATIONS PART2

ISANG malakas na kalabog ng pintuan ang nagpatigil sa pag-uusap namin.Pumasok ito sa loob at nagmamadaling pumunta sa akin.

 "Hija,are okay?We're so worried about you."sabay himas ng nito sa aking mukha.

 "Im okay lola,dont worry about me."

Kitang kita ko sa mga mata ng aking Lola Flora ang pag-aalala at pagkabalisa.Naisip ko tuloy na siguro'y may alam rin siya.Nakaka-iyak naman sa part ko,all this years wala manlang ako idea sa totoong pagkatao ko.

 Sumulyap siya sa aking ina na wari'y may gustong ipabatid.Marahil gusto niyang itanong dito kung alam ko na ang totoo. Nakumpirma ko ito ng makita ko ang marahang pagtungo niya bilang tugon.

 "I want to know the truth Mommy!."mariin kong sabi kahit sa totoo lamang ay parang hindi ko kayang tanggapin ang mga sasabihin nilang katotohanan.How I wish na nananaginip lang talaga ako.

Nagkatinginan ang sila at sumenyas si lola kay mommy na aalis muna siya ng kwarto.Pero bago ito umalis ay hinawakan muna niya ang aking mga kamay at h*****k sa aking pisngi."Tandaan mo hija na kahit ano mangyari'y mahal na mahal ka namin at kahit kailan ay hindi iyon magbabago."bulong nito sa akin.Isang matamis na ngiti ang iniwanan niya sa akin bago niya tuluyang lisanin ang aking kwarto.

Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin ng aking ina.Hanggang sa tuluyan na rin siyang magsalita.

"Noong panahon ng lola at lolo mo ay may nagkalat na balita na kung may anong nilalang daw ang naninirahan sa Mt.Kanji.Karamihan kasi sa mga umaakyat doon ay hindi na nakakabalik.Mayroon kasing parte ng bundok ang may bakod na kahit ang mga ninuno ng lola mo ay hindi masabi kong sino ang nagtayo.Pwede ka namang pumunta sa bundok basta wag ka lang lalagpas sa boarder.Hanggang sa nagsalin salin na ang kung anu-anong kwento tungkol dito."

 "Ano ba ang kinalaman ng bundok na iyon sa akin ma?"curious kong tanong.

"Nag-aya ang Tita Gab mo at mga kaklase niya para umakyat sa bundok.Marahil dala na rin ng kabataan kaya masyado silang adventorous."Si Tita Gab ang panaganay nakapatid ni mommy.Nasa America siya ngayon at may sarili na ring pamilya.Hindi ko pa siya nakikita ng personal.Madalang ko ring marinig ang pangalan niya dito sa bahay at hindi rin siya nakakasama sa mga family reunion.

 "Ayoko sana sumama 'non dahil lumaki ako sa mga kwentong katatakutan tungkol sa bundok na 'yun.Pero nagpumilit ang Tita mo.She assured me na kwentong Bayan lamang ang lahat ng naririnig namin at wala itong katotohanan."

 "Sumama ako,and....."napatigil siya sa pagkukwento.

 "And what mommy?"

 "Natukso kaming pumasok sa restricted area ng bundok.Sinira nila ang mga kawayang naKaharang doon upang makapasok kami.Wala naman kaming napansing kakaiba,kaya nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa bigla nalang may kung anong nilalang na sumulpot sa aking gilid.Labis ang pagkagulat naming lahat kaya nagsigawan kami.Hinawakan ako ng nilalang na iyon sa aking braso saka ako nawalan ng malay."medyo gumarargar ang boses ng aking ina.

 "Nagising ako sa isang madilim na kweba.Agad kong binuksan ang flashlight na nakasabit sa aking leeg.Napakidtad ako ng makita ko ang kakaibang nilalang sa aking harapan.Noong una ay isang malaking lobo siya hanggang sa unti-unting nagbago ang kaniyang anyo.Nag-anyong tao siya.Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking dalawang kamay.Nagpumiglas ako,pero masyado siyang malakas.Nagsisigaw ako upang humingi ng tulong pero wala rin itong silbi dahil nasa loob kami ng kweba at napakalayo nito sa kabihasnan."

 "Nagawa nga nito ang maiitim na balak sa akin. Pero hindi pa ito nakuntento,nagtagal ako ng tatlong gabi sa kweba na iyon at pauli-ulit na ginawan ng kademonyohan."naiiyak na kwento ng aking ina.

Ramdam ko ang galit sa kaniyang puso at isang matinding pagkaawa naman ang naramdaman ko para sa kaniya.Sa araw-araw na kasama ko siya ay puro ngiti lamang ang lagi kong nakikita sa kaniyang mga labi.Hindi ko alam na napakalalim pala ng tinik na nakabaon sa dibdib nito,at ako ang nagpapaalala sa kaniya ng madilim niyang karanasan.

 "Im sorry 'ma.."bulong ko sabay yakap sa kaniya.

 "Buong akala ko ay hindi na ako makakauwi ng bahay at hindi ko na makikita ang lolo't lola mo pero isang umaga nagising akong nakahandusay sa gilid ng kalsada.Mabuti na lamang at may mag-ina noon na napadaan at agad akong tinulungan at dinala sa hospital." 

 "Isang buwan ang nakalipas ng malaman ko na nagdadalang tao ako sa iyo.Gusto nilang ipalaglag kita dahil alam nila na hindi tao ang ama mo pero hindi ko ito pinayagan."pagkawika noon ay tumitig ito sa aking mga mata."Kahit sino pa ang ama mo,anak pa rin kita.Sariling dugo at laman ko."

 "Naintindihan ako ng lola mo pero mariin ang pagtutol ng lolo mo.Ayaw niyang buhayin kita.Pero dahil sa nakiusap ako ay pumayag na rin siya kalaunan.Napagpasyahan na lamang na ipakaal ako sa Daddy mo na noon ay aking nobyo,hindi ko ito nilihim sa kaniya at dahil na rin sa pagmamahal niya sa akin ay tinanggap niya tayong dalawa at inangkin ka niyang parang sa kaniya."

 "Bago pa man lumaki ang tiyan ko ay nagpakasal kami sa civil.Walang ibang nakakaalam ng lihim na ito kundi ang pamilya lang natin,kahit ang side ng daddy mo walang kaalam alam.Ang alam nila ay nabuntis talaga ako ni Fred."

 "Nung kabuwanan ko na ay sobra ang kaba ko,natatakot ako sa kung anong magiging itsura mo.Gabi-gabi akong nagdadasal na sana ay normal kang lumabas dahil wala akong ibang hiling kundi mamuhay ka rin ng normal at kalimutan na ang tungkol sa ama mo."

 "At dininig nga ng Diyos ang dasal ko anak,kasi lumabas ka ng normal.Walang bakas ng itsura ng lobo.Isang maganda at malusog na bata."nakangiti siya sa akin habang hinihimas ang aking mukha.

 "Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko 'nung una kitang makita.Lahat ng pangamba ko ay nawala.Lahat ng sakit at dalamhati ko ay biglang nawala.Ang alam ko lang ay gusto kong ibigay ang lahat ng pagmamahal sa'yo.Hindi ko n inisip ang tungkol sa tunay mong ama.Simula 'nang ipinanganak ka ay wala na ring nagbanggit tungkol 'dun."isang nakkabinging katahamikan na naman ang namagitan sa amin ng aking ina.Batid ko sa hitsura niya na may gusto pa siyang sabihin ngunit nagdadalawang isip siya.Hinawakan ko ang kamay niya upang ipaalam na pwede na niyang ituloy ang pagkukwento niya at nakahanda ako sa kahit anong malalaman ko.Wala akong ibang gusto kundi malaman kung saan ako nagmula.

 "Tatlong taong gulang ka 'nung makita ko na nakikipaglaro sa'yo sa bakuran ang nilalang na iyon.Nagmamadali akong kuhain ka,at nagmakaawa akong huwag na niya tayong guluhin dahil hindi ka nagmana sa kaniya,isa kang tao."pagkabanggit ay hinaplos ulit niya ang aking mukha.Punong puno ng pagmamahal ang kaniyang mga mata.

 -"Hindi niya matatakasan ang nakatadhana sa kaniya,darating ang panahon na malalaman niya rin ang tunay niyang pagkatao,at hahanapin niya kung saan talaga ang nararapat niyang kalagyan."-

 "Ito ang mga salitang iniwanan niya sa atin bago pa siya magpalit ng anyo bilang lobo."tumayo siya sa at naglakad papuntang bintana.

 "Alam ko na lagi lamang siya'ng andyan,nakamasid sa atin at nagbabantay sayo.Marahil ay ito na nga ang panahong sinasabi niya."humagulhol siya ng iyak.Naalarma ako kaya nagmamadali akong lumapit sa kaniya at yumakap ng mahigpit sa likuran.

Humarap siya sa akin at yumakap ng mahigpit."Hindi ako papayag na mawala ka sa'min anak,lalo na ang makuha ka niya sa akin.Hindi mangyayari iyon."

Yumakap ulit ako ng mahigpit sa aking ina habang tumutulo ang mga luha ko,pakiramdam ko ay secured na ako at kahit ano pa man ang mga mangyayari ay hindi ako nag-iisa dahil andiyan ang pamilya ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status