Share

CHAPTER 5: SECOND KISS

ISANG malaking palaisipan pa rin sa akin ang pagkatao ng lalaking nasa hindi kalayuan sa kinauupuan ko.Palihim ko siyang tinitignan at iniimbistigahan ang bawat kilos nito.Medyo nakaramdam ako ng pagseselos nang makita kong masaya siyang nakikipag-usap sa mga babaeng kaklase namin.

 "Tsk!sige lang kausapin niyo siya para kayo naman ang mabastos ng manyak na yan."bulong ko sa aking sarili.Biglang nasagi na naman sa isipan ko ang ginawa nitong pambabastos sa akin."Calm down Rio!"bumuntong hininga ako at isinubsob ang sarili sa desk ng aking silya.

Nagulat ako ng biglang gumalaw ang aking kinauupuan.Hinila pala ito ni Ibarra at inilapit sa katapat kong silya na kinauupuan niya.Napakalapit ko na naman sa kaniya.Naalarma ako,besides nasa loob kami ng aming classroom at nakikita kami ng aming mga kaklase."Nakakahiya!"

Tinitigan ko siya ng masama pero isang nakakalokong ngiti lamang ang itinugon niya sa akin.

 "Ano bang problema mo?"sarkastika kong tanong.

 "Problema?dati mayroon pero ngayon wala na."hindi pa rin mawala ang nakakainis na ngiti sa mga labi nya.

 "Psycho ka ba?mukhang hindi dapat sa School na'to ikaw pumasok....dapat sa Mental Hospital!"napipikon na talaga ako pero ayoko lang ipahalata dahil nahihiya ako sa aming classmates.

 "Chill ka lang Rio.Im more than what you think,and Im not what you think."mahinahong paliwanag nito."Im sorry sa inasal ko sayo kanina,hindi ko lang napigilan ang sarili ko,If you only knew kong gaano ko hinintay ang sandaling makaharap at makasama kita."

Tumayo ito sa kinauupuan niya."Meet me at 5 sa playground ng Subdivision niyo and I'll explain everything."

Iniwanan niya akong maraming katanungan sa isipan ko."Bakit hinintay niya ang sandali ng aming pagkikita?"kahit anong pilit kong alalahanin ay sigurado akong hindi ko siya kilala at never ko pang siyang nakita maliban ngayong araw.

 "I think he's a psycho!Im sure.Grabe ang lakas ng tama niy\a."tumayo ako at ibinalik sa dating pwesto ang aking upuan."Ano bang nagawa kong masama at binibigyan ako ni Lord ng mga ganitong pagsubok.Gusto ko lng nmang makapagtapos sa pag-aaral at maitago ang lihim kong pagkatao pero bakit may mga taong parang kulang sa aruga kong magpapansin"

Lumipas ang mga oras.Alas-kwatro na.Uwian na.Napabuntong hininga ako.Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib.Para sa akin kasi'y bawat araw ng pagpasok sa School at ang pakikisalamuha sa ibng tao ay isang matinding pagsubok na dapat kong lagpasan.Kailangan kong kontrolin ang aking emosyon upang hindi matrigger at lumabas ang halimaw na nakatago sa akin dahil kapag nangyari iyon ay katapusan ko na at ng Pamilya ko.

Nakatayo ako sa may Waiting Shed ng makita ang pulang kotse na dina-drive ni Daddy.Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at kumaway sa akin.Nagpark siya sa harap ko at agad akong sumakay.Malaki ang pasasalamat ko sa lalaking katabi ko ngayon,siya ang naging haligi ng tahanan na nakamulatan ko.Napakaswerte ko kasi kahit hindi niya ako kadugo ay hindi niya ito ipinaramdam sa akin kahit kailan,..kahit 'nong mga oras na nalaman ko na ang totoo.

Napangiti ako habang nakapangalumbaba at nakasandal sa bintana ng kotse.Pero npalitan rin ito ng seryosong mukha ng maalala ko ang sinabi ni Ibarra kanina."Meet me at 5."Parang umaalingawngaw sa tenga ko ang boses niya.Hindi ko maipaliwanag pero may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya.Alam ko na sa amo ng kaniyang mukha ay may lihim siyang tinatago dahil naamoy ko ito."Sino ka bang talaga?"

 "Anak?may problema ka ba?kanina ka pa nakatulala diyan?"mahinahong tanong ng aking ama-amahan.Knaina pa pala niya ako kianakausap pero hindi ako sumasagot."Malalalim yata ang iniisip mo?

 "N-nako wala po Daddy.Inaantok lang po ako.Nakakapagod po kasi ang mga activities sa School ngayon."pagpapalusot ko.

 "Enjoy mo lang ang Schooling anak pero wag mo masyado dibdibin.After College,doon na yung realidad.Diskarte na ang labanan hindi grades."kumindat pa ito sa akin at ngumiti naman ako bilang tugon.

***

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at yumapos sa unan.Tiiningnan ko ang wristwatch ko.Alas-otso pasado na ng gabi.Nagpagulong gulong ako."Aghhh...!"Bumalikwas ako at kinuha ko sa cabinet ang aking jacket at nagpalit ako ng pantalon dahil nakapangtulog na ako.

 "Really Rio?pupunta ka pa rin kahit alas otso na ng gabi?E paano kung wala na siya doon?Remember alas singko ang itinakda niyang oras.."para na akong tanga na kinakausap ang sarili.Pero kahit na,kailangan kong pumunta sa playground,e ano kung wala na siya doon?Maiinitindihan ko naman,basta gusto ko lang pumunta.May pwersa na humihila sa mga paa ko na tumungo doon.

Humihingal akong nakarating sa playground ng Subdivision.Halos wala ng katao tao kaya nagmamadali akong maglakad.Ngpalinga linga ako sa paligid pero wala doon kahit anino ni Ibarra.Natatawa ako sa sarili ko.Meron kasing konting puwang dito na umaasang andoon ang binata at naghihintay sa akin."Sa teleserye lang 'yon."bulong ko sa aking sarili.

Aktong aalis na ako ng may biglang yumapakap sa aking likuran.Labis ang aking pagkagulat kaya buong lakas kong ginamit ang aking pwersa upang makawala sa pagkakayap nito pero nabigo ako.Masyado siyang malakas.Imposible ito,simula 'nong magbagong anyo ako ay dumoble na ang aking lakas at tumalas na rin ang aking pag-amoy.At hindi ako maaring magkamali.Sa iisang tao lamang nagmumula ang amoy na iyon.

 "I-Ibarraa?..."kumalas ito sa pagkakayapos.Humarap ako sa kaniya at hindi nga ako nagkakamali.Iniabot niya ang isang kulay lilang rosas sa akin.

 "Kanina pa kita hinihintay..Rio Del Prado."

Para akong mababaliw sa pagkakabanggit niya ng pangalan ko.Napakasarap sa tenga.Para itong musika sa aking pandinig.Tinanggap ko ang rosas na iniabot niya.Hindi ko mawari pero parang puppet niya ang aking katawan na isang humpay niya lamang ay napapasunod na niya ako.Nagkatitigan kami at hindi ko namalayan na sakop na pala ng maiinit niyang mga labi ang mga labi ko.Bawat halik niya ay ibang kiliti ang dulot ng mga iyon sa aking katawan.Pakiramdam ko ay nagbabaga na ang aking katawan.Sabik na sabik akong saluhin ang bawat hagod ng kaniyang paghalik.

"B-bakit?"pagtataka niyang tanong ng bigla ko siyang itinulak.Mabuti na lang at bumalik ako sa katinuan.hindi konga pala boyfriend 'tong lalaki na'to.

 "Mali 'to!"mariin kong sagot.Nagmamadali kong naglakad papalayo sa kaniya subalit hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.

 "Bitawan mo nga ako!"pabulyaw kong sabi."Sino ka ba sa akala mo para paglaruan ang nararamdaman ko?Engkanto ka ba ha?Bigla ka na lang susulpot tapos manghahalik ng walang pasabi?Boyfriend ba kita?Ni hindi nga kita kilala eh!"

 "Exactly!Hindi mo nga ako kilala kaya nga kita pinapunta dito para mag-explain."

 "Pag-e-expalin ba 'yung ginagawa mo?Nakakadalawa kana!"nabibwisit kong tugon.

 "Please stay with me kahit one hour lang and I'll explain everything...pleaseee?"pagmamakaawa niya.Binitawan na rin niyaang aking kamay.

Nag-isip ako saglit sabay tumango.Mayroon naman siguro siyng malalim na dahilan kaya ganoon na lamang siya umasta.Gusto ko ring malaman.......

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status