SEBASTIAN'S POV
Hindi ko akalain na dahil sa ginawa kong pagtulak sa kaniya kahapon, maoospital siya. Hindi ko sinasadyang gawin 'yon, wala sa plano ko ang saktan si Vienna. Pero dahil sa galit ko, nagawa ko ang isang bagay na pagsisisihan ko.
"Sebastian.." Napalingon naman ako nang tawagin ako ni dad. Nakarating sa kaniya ang ginawa ko kay Vienna kahapon kaya nagalit siya sa'kin. Ramdam ko na hanggang ngayon galit pa rin siya.
"Dadalawin natin si Vienna kaya mamayang lunch ka na pumasok. Kain na muna tayo, nakahanda na ang pagkain," sabi niya at tumalikod na paalis.
"Dad.." habol ko sa kaniya. Hinarap din naman niya 'ko agad ngunit walang emosyon niya 'kong tiningnan.
"Alam ko po na disappoint ko kayo pero sana dad maniwala kayo sa'kin na hindi ko sinasadyang saktan si Vienna. Patawarin niyo ho sana ako dad," nakayukong sambit ko. Lumapit naman siya sa direksyon ko at tinapik ak
VIENNA'S POV"Si Sebastian ho ba kasama niyo?" tanong ko at tumango naman siya bilang sagot."Oo, pero nasa labas siya at kausap ang mom mo." Sana naman huwag siyang pagalitan ni mom, kinakabahan na rin kasi ako baka ano ang gawin ni kuya sa kaniya. Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok, si mom pero hindi niya kasama si Sebastian.'Akala ko ba kausap niya?'"Paumanhin kung naistorbo ko kayo.""Asan si Sebastian?" diretsong tanong ko."Umalis na si Sebastian after naming mag-usap at hindi niya sinabi kung saan siya pupunta." Nakaramdam naman ako agad ng lungkot dahil sa sinagot ni mom. Akala ko pa naman makikita ko na siya at makakausap, hindi naman pala."Sa tingin ko papasok na siya, don't worry Vienna kakausapin ko siya kapag nakauwi na siya sa bahay.""Okay po, thank you tito.""Your we
VIENNA'S POV Ito na dapat ang araw kung saan makakasama ko siyang kumanta pero hindi na mangyayari. Ang oportunidad na para sa'kin ay mapupunta sa iba at wala na akong magagawa para baguhin 'yun. Nakalabas na ako ng ospital at nakauwi na rin ako sa bahay pero iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Sebastian kahapon. At hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Ngunit wala na akong magagawa, susundin ko ang inutos niya kahit na ang hirap para sa'kin na gawin 'yun. Maayos na rin naman ang pakiramdam ko, hindi na masyadong masakit ang likod ko pero nakakaramdam pa rin ako ng kaunting pagkahilo. Habilin ng doktor magpahinga ako pero ayoko ng magstay ng matagal dito sa kwarto ko. Gusto kong lumabas at pumunta sa university. "Maam Vienna.." Napalingon naman ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni ate Riza. Tumayo naman ako agad para buksan ito. "Good morning ma'am Vienna."
"Sebastian, pwede mo na 'kong ibaba rito," sabi ko nang matanaw ko na ang pinto ng clinic. Pero hindi niya 'ko pinakinggan at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi ba siya nabibigatan sa'kin? magmula cafeteria patungong clinic, buhat-buhat niya 'ko. Tapos kanina pa kami pinagtitinginan ng mga estudyanteng nakakasalubong namin pero wala man lang siyang pakialam. Tumigil din naman siya nang makarating na kami sa clinic ngunit hindi niya pa rin ako binaba. Sakto na bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse na sa tingin ko ay nagulat sa presensya namin. "Ano ang nangyari sa'yo? ayos ka lang ba Miss Vienna?" Kilala niya 'ko? paano? "Nahihilo siya, pwede ba na magpahinga muna siya sa loob?" sagot ni Sebastian. "Ahh sige, pasok kayo." Pagkapasok namin sa clinic, dahan-dahan naman akong binaba at pinahiga ni Sebastian sa kama. Nakatingin lang ako sa kaniya pero nagtataka na 'ko sa kinikilos ni
"Hello Michelle, napatawag ka?" tanong ko habang sinusuot ang sapatos ko.(Hello Vienna, gusto ko lang itanong kung manunuod ka nang game ni kuya Vince? Sa tingin ko maya-maya magsisimula na) Muntikan ko pang makalimutan, ngayon na pala ang laro nina kuya. Manunuod naman ako pero may kailangan pa akong puntahan."Oo manunuod ako, pero pupunta muna ako sa ospital. Pakisabi na lang kay kuya at Tine na susunod ako."(Ahh sige Vienna, hintayin ka na lang namin dito)"Sige Michelle, text mo na lang ako kung nasaan kayo."(Okay Vienna, mag-iingat ka)Napabuntong hininga naman ako agad, buti na lang wala siyang alam sa nangyari kahapon. Hindi nakarating sa kanilang dalawa na may hinalikang babae si Sebastian. Kasi kapag nalaman nila, tiyak lagot ako at babatuhin nila ako ng madaming tanong na malabo ko namang sagutin. Kagabi, hindi ako makatulog sa kakaisip ng mga n
In the end, sina kuya ang nanalo at 1-0 ang score. Hindi na kasi nakahabol ang kabilang team dahil 3 minutes na lang bago matapos ang game. Halos silang lahat ay mahusay na manlalaro, maging si Kenneth pero hindi niya kayang pantayan ang galing ni kuya sa laro. Nagdesisyon na rin akong umuwi nang matapos ang game. At kasama ko ngayon si Tine, nagprisinta siya na ihahatid daw niya 'ko sa parking lot. Si Michelle at Therese naman ay may pinuntahan pa kaya hindi ko sila kasama ngayon.Kasalukuyan na kaming naglalakad ni Tine dito sa hallway papuntang parking lot. Binati naman siya ng mga estudyanteng nakakasalubong namin dahil sa pagkapanalo nila kanila pero nginitian niya na lamang ito. Naramdaman ko ang pag-akbay niya sa balikat ko na naging dahilan para tingnan at pag-usapan kami ng lahat. Ang sama ng tingin sa'kin ng iba at hindi ko alam kung bakit. Napatingin ako kay Tine pero seryoso lang siyang nakatingin sa dinadaanan niya at parang walang pakialam sa mga t
VIENNA'S POV"Vienna, gising ka na ba? Let me in, I just want to talk to you for a minute." Boses 'yon ni mom ngunit hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. Wala ako sa mood para makipag-usap sa kaniya. Ang dami kong iniisip at ayoko na pati 'yan, dumagdag pa."Vienna.. are you okay? please let me in. Nag-aalala na 'ko sa'yo, kagabi ka pa walang imik at hindi ka rin kumain ng dinner. What's your problem? sabihin mo sa'kin, makikinig ako." Hindi ko pinansin ang sinabi niya, nanatili pa rin akong tahimik at nakatingin lang sa box na nasa study table ko.'I don't need her help, I can find answers by myself.'"I'm fine, just leave me alone," walang ganang sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa pero ramdam ko pa rin ang presensya niya sa labas ng kwarto."I'm just here sweetie, mom is always there for you. If you have problems or if there's something bothering you, please tell me
"Sasabihin mo ba kay Vince ang tungkol sa titulo ng bahay?" tanong ni Tine nang makaakyat na kami sa ikalawang palapag. Hindi na namin kasama si Mang Eduardo, tinuro niya na lamang sa'kin kung saan banda ang kwarto ko rito noon. "Kailangan niyang malaman, ayoko rin namang ilihim 'to sa kaniya," sagot ko. "Ayaw mo ba talagang tumira dito kasama ang kuya mo?" "Hindi ako sigurado kung gusto pa bang tumira ni kuya sa bahay na 'to. After kasi maghiwalay ng parents namin, kay tito Francis na siya tumira. But I will try to ask him, if gusto niyang tumira dito then lilipat kami after ng kasal ni mom at tito Lucas." "I'll convince him, dont worry. But I'm sure, namiss na rin ng kuya mo itong bahay niyo." Napabuntong hininga naman ako agad, hindi ako sigurado tungkol do'n sa sinabi niya. Ang kuwento sa'kin kanina ni Mang Eduardo, nagpunta raw dito si kuya noon. May kung ano raw siyang kinuha tapo
"Vienna hija, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng ginang. Tumango na lamang ako bilang sagot at patuloy na tinititigan itong teddy bear na hawak-hawak ko. Nandito pa rin kami sa bahay, balak na sana naming umalis kanina ni Tine kaso hinatiran kami ng pagkain ni Tiya Maricel kaya hindi na natuloy ang pag-alis namin. "Vienna may problema ba? mag-mula nung bumaba ka, ang tahimik mo na. Ano ba ang iniisip mo? sabihin mo sa'kin at tutulungan kita," wika ni Tine ngunit hindi ko siya nilingon. Napabuntong hininga ako nang malalim tiyaka ko binaba ang teddy bear sa mesa. "Kanina mo pa tinititigan 'yang teddy bear na 'yan. Galing ba 'yan do'n sa box na binigay sa'yo ni Mang Eduardo?" dugtong pa niya. "Hindi, galing 'to sa office ni dad," tugon ko. Akala ko kapag nakita ko na ang teddy bear na 'to, may maaalala ako tungkol kay Martin pero wala. Kanina ko pa ito tinititigan k