Share

Chapter 25

"Bwisit!"

Napaigtad si Laila sa kaniyang kinatatayuan nang biglang ibagsak ni Vincent ang kaniyang cellphone sa center table na nasa sala. Abala ang babae sa paglilinis ng bahay habang si Vincent naman ay panay ang tawag kay Romana ngunit hindi niya ito makontak.

"M-May problema ba? N-Napansin ko na kanina ka pa nakatutok diyan sa cellphone mo," puna ni Laila sa kaniya.

Hanggang ngayon ay naiilang pa rin si Laila na kausapin ang asawa dahil sa naganap noong mga panahon na wala ito sa bahay. Natatakot siya na harapin ang lalaki dahil ngayon pa lang siya naglihim kay Vincent at napakabigat na kasalan ang kaniyang nagawa.

"Hindi sumasagot sa mga tawag ko si Boss," gusot ang mukhang tugon nito. Kita sa ekspresyon nito na wala ito sa mood makipag-usap.

Nagtataka siya, bakit ganoon na lang ang inis nito porke hindi sinasagot ng amo ang kaniyang tawag?

"B-Baka busy ... o baka hindi ka niya kailangan."

Nanalim bigla ang mga mata ni Vincent sa kaniya.

"Hindi kailangan? Kapag nangyari iyon, ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status