Ang eng-eng naman ni Romana. HAHA Valid ba ang reasons ni Lalaine kung bakit siya nakagawa nang masama?
Handa nang wakasan ni Lalaine ang buhay ng babaeng puno't dulo ng lahat. Mawawala lamang ang kaniyang galit kung makikita niya itong lumalangoy sa sarili nitong dugo."Tawagin mo na ang lahat ng Santa at Santo na kilala mo dahil ito na ang huling araw na masisilayan mo ang mundo!"Mahigpit na niyakap ni Roman ang kapatid."M-Maawa ka, Lalaine. M-Maawa ka sa anghel na nasa sinapupunan niya!""Maawa? Sila ba ay naawa sa akin noon? Hindi! Mas nanaig ang mga kalibugan nila kaysa awa! Kaya anong rason ko para maawa sa puta mong kapatid, ha? Bigyan mo ako ng isang rason na makakapagpabago ng isip ko.""Dahil mabuti kang tao, Lalaine! Nilamon ka lang ng galit mo kaya ka naging ganiyan! Please , Lalaine ... Idaan na lang natin ito sa mabuting usapan," nagsusumamong pakiusap ni Roman.Nanginginig naman sa takot si Romana, hindi para sa kaniyang sarili kundi para sa kaniyang anak."Mabuti? Isang kahibangan!" sigaw nito pabalik."Lalaine!" Nawala ang pokus ni Lalaine sa magkapatid dahil sa mala
"Ipagpaumanhin niyo, Mrs. Suarez, ngunit nakalabas na mula sa bilangguan si Miss Montenegro. Nakapag piyensa siya at mananatiling malaya hangga't walang hatol ang itaas sa kaniya," mababa ang tinig na pagbabalita ng abogado sa kaniya."Piyensa? Frustrated homicide ang kaso na isinampa sa kaniya! Paano siya nakalabas, ha?" sandali siyang nag-isip kung paanong nakalusot ang babae sa kaso laban dito. Nang walang maisip na posibilidad ay mabilis siyang napailing, "Hindi ... Hindi maaari 'yang sinasabi mo.""Ikinalulungkot ko ... Ang suspect ay nag-claim na self-defense lang ang nangyari."Napapikit siya at kagyat na napahilot sa kaniyang sintido. Ganoon na ba talaga kabulok ang sistema sa bansang ito? Siya at ang kapatid niya ang pinagtangkaan ang buhay ngunit nagawa nitong baliktarin ang pangyayari."Pinagtibay pa ang statement ni Miss Montenegro nang paboran siya ng iyong kapatid na si Roman."Napamulagat siya sa narinig."Si Roman?! Pinagtakpan niya ang kasalanan ng walang kuwenta niy
"What the hell are you doing, dickhead?!" naulinigan niyang sigaw ng isang lalaki mula sa katapat na bahay. Napasinghap siya nang bitawan ni Vincent ang kaniyang leeg. Ang buong akala niya ay tuluyan na siyang malalagutan ng hininga. Laking pasasalamat niya nang mayroong sumita sa lalaki."Huwag kang makialam dito! Away pamilya ito kaya labas ka rito!" ma-angas na sagot ni Vincent habang matalim na nakatingin sa lalaki.Nanghihina na napaupo si Romana sa lupa sapo ang kaniyang leeg. Hindi pa niya nababawi ang normal na paghinga.Umangat ang sulok ng labi ng lalaki. "Kesyo away ng pamilya o kahit na ano pa 'yan, mali na saktan mo siya! Ano ang laban ng isang babae sa lakas mong kupal ka? Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo? Hindi ka marunong gumalang sa mas nakatatanda sa'yo?"Sa pagkakataon na 'yon ay nag-angat ng tingin si Romana. Matanda? Bahagya siyang nainsulto ngunit wala naman siyang magagawa. Totoong may edad na nga siya.Doon niya lubusang nakita ang lalaking nagmamay-ar
"Ang init naman ng ulo. Nagbibiro lang ako," nakangiti pa rin nitong sabi habang nakabitin sa bakal na gate. Lalong lumalim ang gatla sa kaniyang noo. Paano nito nagagawa na magbiro? Hindi naman sila close at ngayon pa lang nagkakilala."Relax. Gusto ko lang sabihin na dumating na ang mga pulis na hinihintay mo," dagdag nito. Doon niya lang napansin ang dalawang pulis sa likuran ng lalaki. Kaagad siyang lumabas upang magbigay ng statement sa dalawang otoridad."Maaari po ba namin malaman kung ano ang naging kaganapan dito kanina, Mrs. Suarez?"Nakaramdam siya ng matinding pagkasuklam nang tawagin siya ng unang pulis gamit ang apelyido ni Vincent. "Maaari ba na Miss Lichauco na lang? Huwag niyo nang ipaalala sa akin na kasal ako sa halimaw na iyon!" nanginginig sa galit niyang sabi.Nagkatinginan ang dalawang pulis na kalauna'y nagkibit-balikat na lamang. Inihayag niya ang buong pangyayari. Sinigurado niyang wala siyang nakaligtaan maski napakaliit na detalye. Maging ang pagsagip sa
Muli niyang pinaandar ang kotse at binaybay ang daan. Plano niyang tumungo sa isang liblib na lugar para magkubli. Kailangan niyang makaisip ng isang solid na plano kung paano mahihiwalayan si Vincent. Ayaw niyang mangyari sa kaniya ang ginawa nito noon kay Lalaine na naging dahilan ng pagkawala ng baby nito."Saan tayo pupunta?" Nagulantang siya sa tinig na nagmula sa kaniyang likuran. Mabilis niyang naapakan ang preno ng kotse sabay lingon sa nagmamay-ari ng tinig. Nanlaki ang kaniyang mga mata pagkakita kay Evo. Hindi niya batid kung paano at kailan ito pumasok sa kaniyang kotse."Ikaw na naman?! Bakit ba ang kulit mo?! Paano ka nakapasok dito?!" Prente lang itong sumandal sa upuan at saka humikab. "Wala kasi akong mapaglibangan sa bahay kaya naisipan ko na sumama sa'yo. Saan ka ba pupunta? Bakit ang laki yata ng bagahe na dala mo?" magkakasunod nitong tanong.Natampal niya ang sariling noo dahil sa labis na stress. Kapag hindi ito tumigil sa kabubuntot sa kaniya ay baka mahatak
Parang na-blangko ang kaniyang isip sa hiningi nitong pabor. Nanunuyo ang kaniyang lalamunan habang nakatitig sa nangingislap nitong mga mata."Got you!" biglang sabi nito sabay halakhak. Namimilipit na sapo nito ang tiyan habang patuloy sa pagtawa nang malakas. Daig pa nito ang kinikiliti.Napahiya siya sa kaniyang isip. Dismayadong kinuha niya ang bottled water na nasa gilid at saka malakas na ibinato iyon sa mukha ng lalaki.Sapol ito sa mata."Fuck!" Evo cursed while holding the eye that was hit."Damn! That's fucking hurt! I am just kidding! Bakit kailangan mo manakit? Ganiyan ka ba kabrutal?" reklamo ng lalaki. Inangatan lang niya ito ng kilay kasunod ang pagsilay ng isang nanunuya na ngiti sa kaniyang mapulang labi."Iyan ang napapala ng mga tarantado na kagaya mo. Kung hindi mo ako tutulungan na makapunta sa private island na sinasabi mo ay bumaba ka ng kotse ko! Baka hindi ako makapagtimpi ay mabaril kita!" nanlilisik ang mga mata niyang turan.Dumukwang ito palapit sa rear
Sinubukan niyang sumigaw ngunit kaagad nitong tinakpan ng palad ang kaniyang bibig habang ang isa pa nitong kamay ay may hawak na baril at nakatutok iyon sa kaniyang leeg."Tumahimik ka kung ayaw mong barilin kita! Hindi mo naman siguro gugustuhin na ipahamak ang anak natin, 'di ba? Hindi ka masasaktan at ang baby kung pipiliin mo na ayusin ang relasyon nating ito."Sa takot na masaktan ang anghel na nasa sinapupunan, nanginginig ang buong katawan na awtomatiko na lamang siyang napatango."G-Gagawin ko ang gusto mo, h-huwag mo lang ako sasaktan . . ."Ipininid niya ang kaniyang mukha nang sinubukan nitong halikan ang kaniyang pisngi. Mariin na ipinikit niya ang mga mata at nakaramdam ng pandidiri nang lumapat ang labi nito sa kaniyang leeg."Mahal na mahal lang kita at ang baby natin kaya ko ito ginagawa. Umuwi na tayo at kalimutan na lang ang lahat ng nangyari, hmm?"Nagmistula siyang robot na naging sunod-sunuran sa lahat ng utos nito. "Dalahin mo lang ay ang mga importante na gamit
Gumamit ng karate chop si Evo na tumama sa kamay ni Vincent dahilan para malaglag ang armas nito sa sahig ng sasakyan.Ginamit ni Romana ang pagkakataon na 'yon para makalayo sa lalaki. Rapidly, she unbuckled her seat belt and opened the door. Vincent even tried to grab her, but, luckily . . . She managed to get out of the car with Evo's help."B-Bumalik ka rito, R-Romana!" may paghihirap sa pagbigkas si Vincent habang pilit binabaklas nito ang malaking braso ni Evo na nakapulupot sa leeg. Nakahihilakbot ang itsura ni Vincent. Mistulang isang halimaw na nais siyang dambahin at pira-pirasuhin.'Di malaman kung saan tatakbo o kung saang gawi tutungo si Romana. Madilim sa lugar kung saan sila nakahinto at wala ring mga tao sa paligid na puwedeng paghingian ng tulong."Damn! Ano pa ang hinihintay mo riyan?! Himala?! Go and find someone na tutulong sa atin!" asik ni Evo. "Ugh!" daing ni Evo nang undayan ito ni Vincent ng suntok sa mukha.Nakabitaw si Evo kaya nagkaroon ng pagkakataon si