Share

Chapter 68

"Ipagpaumanhin niyo, Mrs. Suarez, ngunit nakalabas na mula sa bilangguan si Miss Montenegro. Nakapag piyensa siya at mananatiling malaya hangga't walang hatol ang itaas sa kaniya," mababa ang tinig na pagbabalita ng abogado sa kaniya.

"Piyensa? Frustrated homicide ang kaso na isinampa sa kaniya! Paano siya nakalabas, ha?" sandali siyang nag-isip kung paanong nakalusot ang babae sa kaso laban dito.

Nang walang maisip na posibilidad ay mabilis siyang napailing, "Hindi ... Hindi maaari 'yang sinasabi mo."

"Ikinalulungkot ko ... Ang suspect ay nag-claim na self-defense lang ang nangyari."

Napapikit siya at kagyat na napahilot sa kaniyang sintido. Ganoon na ba talaga kabulok ang sistema sa bansang ito? Siya at ang kapatid niya ang pinagtangkaan ang buhay ngunit nagawa nitong baliktarin ang pangyayari.

"Pinagtibay pa ang statement ni Miss Montenegro nang paboran siya ng iyong kapatid na si Roman."

Napamulagat siya sa narinig.

"Si Roman?! Pinagtakpan niya ang kasalanan ng walang kuwenta niy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gretchen Dy
haha anu ba yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status