Hindi niya alam kung paano tutugunin ang ginawang pag-amin ni Evo. Ni hindi niya alam kung bakit o kung paanong nangyari. Never silang nagkita na dalawa kaya naman hindi kapani-paniwala ngunit may maliit na parte ng kaniyang utak na nais paniwalaan ang mga sinasabi nito."Hindi mo kailangan na sumagot . . . Alam ko naman na hindi ka maniniwala. But, hayaan mo sana na dito lang ako sa tabi mo.""May asawa na ako, Evo," mariin niyang sabi.". . . buntis at magulo ang buhay. Huwag ka nang dumagdag sa isipin ko. Please, layuan mo na lang ako . . . Wala kang maaasahan sa akin."Napayuko ang lalaki sa kaniyang naging desisyon."Hindi pa nga ako nagsisimula ngunit ni-reject mo na agad ako. Pero ano ba ang magagawa ko? Wala naman akong karapatan na ipagpilitan ang sarili ko sa'yo," mahinang tugon ni Evo.Nagsisisi ang lalaki dahil hindi nito nagawang aminin kaagad ang tunay na layunin sa pakikipaglapit kay Romana."If you don't mind, puwede ba na iwan mo na ako? Thank you for saving my life .
"Doon ka maghanap, dito ako sa kabila," anas ng isa sa mga lalaki."Talasan mo ang iyong mga mata, hindi maaaring mamiligro ang buhay ni Miss Lichauco sa ating pangangalaga. Malaki ang tiwala sa atin ng agency," dagdag pa nito.Nagsumiksik si Evo sa isang tabi upang magkubli. Nais niyang batukan ang sarili sa mga oras na 'yon. "Gusto mo na yata mamatay, Evo Xylon Anderson. Sayang ang lahi mo 'pag nagkataon . . . " bulong niya sa hangin.Butil-butil ang pawis niya sa noo. Bahagya niyang pinahaba ang leeg upang silipin ang mga lalaking naghahanap sa kaniya. Isa na lamang ang naroon, nakatalikod sa kaniyang gawi habang sumisilip-silip sa mga sulok na maaari niyang pagtaguan. Awtomatiko siyang napaatras nang bumaling ang leeg nito sa kaniyang direksiyon."'Nak ng talong! Katapusan ko na yata!" aniya. Papalapit nang papalapit ang mga yabag patungo sa kaniya. Pigil ang kaniyang paghinga sa maaaring kahahantungan ng kaniyang mga kilos na hindi pinag-isipan na mabuti."Ginoo . . ."Tinawa
"Nais ni Mr. Suarez na i-urong mo ang kaso," pambungad na balita kay Romana ng kaniyang personal lawyer.Naglabas ito ng mga papel at inilatag ang mga iyon sa kaniyang harapan habang sila ay nakaupo sa bakanteng upuan malapit sa buffet area ng resort. Pinasadahan niya iyon ng tingin ngunit hindi nag-abala na basahin maski ang unang talata na nakasulat doon."Talagang sira na ang ulo ng lalaking 'yon. Ang akala niya siguro ay biro lamang ang mga perwisyo niyang idinulot sa buhay ko. Muntik nang mawala sa akin ang anak ko nang dahil sa kaniya," kaswal niyang sabi sabay lakumos sa mga papel na ibinigay ng attorney.Hindi siya makapapayag na hindi ito makulong. Hangga't malaya ang kaniyang asawa ay naroon ang pangamba sa kaniyang puso na muli siyang balikan nito at gawan ng masama."Nais kong mapabilis ang proseso ng diborsyo, Attorney. At tiyakin mo na wala siyang makukuha sa akin maski singkong duling," aniya sa seryosong tinig."Bueno, kung iyan ang nais mo ay 'yan ang susundin ko, Mis
Lango na sa alak si Vincent ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag-inom. Nakakabingi ang tugtog at hiyawan ng mga taong sumasayaw sa paligid ngunit wala siyang pakialam. Ang tanging nais niya ay ang uminom ng maraming alak hanggang sa tuluyan na bumagsak ang kaniyang katawan.Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang ideya kung saan nagtatago ang kaniyang asawa. Mayroon na rin ipinadalang divorce paper ang attorney ni Romana ngunit wala siyang balak na pirmahan iyon, kahit magkamatayan pa."Saan ka ba nagtatago na babae ka?!" liyong wika niya.Nag-utos na rin siya sa ilan niyang tapat na mga tauhan para hanapin ito ngunit walang makapagsabi sa eksaktong lugar na pansamantala nitong lungga. Maging si Roman ay minanmanan niya ngunit wala siyang napala sa kasusunod sa bayaw.Hindi niya batid kung ilang bote na ng alak ang nainom ngunit alam niyang marami-rami na rin sapagkat ramdam na niya ang kirot sa sintido, nagdodoble na rin ang kaniyang mga paningin.Mula sa isang madilim na sulo
Nanlilisik ang mga mata, tinignan ni Vincent ang nanikmura sa kaniya ngunit muli na naman umangat ang kamay nito. Napasalya siya sa rehas na bakal nang gawaran siya muli nito ng isang malakas na suntok sa mukha, umikot ang kaniyang paningin kasunod ang pagbulagta ng katawan niya sa sahig.Hindi pa ito nakontento, pinagtatadyakan pa ang kaniyang katawan habang nagtatawanan naman ang iba pa nitong kasama.Nang magsawa marahil ay hinablot nito ang kuwelyo ng kulay orange niyang t-shirt at saka sapilitan siyang itinayo. "Hindi uubra ang ganiyang pag-uugali rito sa loob, bata! Kung gusto mong mabuhay, mas mabuti kung makikisama ka sa amin. Dahil wala kang magiging kakampi rito, tanging kami lang na ka-kwadra mo!" nagkikiskisan ang mga ngipin nito habang siya ay dinidiktahan ng nararapat niyang gawin.Kahit bugbug-sarado ang katawan, nagawa pa niyang tanggalin ang mga kamay nito sa kuwelyo ng kaniyang t-shirt sabay tulak sa malapad na dibdib ng lalaki."H-Hindi ko kayo kailangan! H-Hindi k
"Dalahin mo ako sa kanila. Gusto kong puntahan kung saan nagtatago ang babaeng 'yon," utos ni Lalaine sa kaniyang tagasunod.Nakalipas na ang ilang segundo ngunit hindi kumilos ang lalaki na kaniyang pinagsabihan."Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?! Sabi ko dalahin mo ako sa kanila?" asik niya."Nangangamba ako sa maaaring mangyari kung susundin kita, Miss Montenegro . . . Alam na ni Boss Tristan ang mga plano mo."Pabagsak siyang sumandal sa upuan at saka hinilot ang kaniyang noo. Kahit kailan ay ito talagang si Tristan ang sagabal sa lahat ng kaniyang plano."Ihatid mo na ako sa mansiyon. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya."Kaagad naman pinaandar ng alalay ang sasakyan. Narating nila ang mansiyon na kanilang tinutuluyan makalipas ang kalahating oras.Pagpasok pa lamang ay bumungad na sa kaniya ang galit na mukha ni Tristan. Hinablot nito ang kaniyang braso at saka hinawakan nang mahigpit."Saan ka nanggaling, ha?!" Dama niya sa paraan ng paghawak ni Tristan ang tinitimpin
"'Yan ba ang tingin mo sa akin, ha?! Am I a fucking toy to you?! Hindi ka ba talaga titigil sa pangungulit mo?! May girlfriend ka, 'di ba? Bakit hindi na lang siya ang pagtripan mo?!"Marahas na binawi niya ang kaniyang sunglasses mula sa kamay nito."Inuulit ko . . . Leave me alone!" Muli, isinuot ni Romana ang panakip sa namamagang mga mata at saka nagmamadaling lumakad paalis. Tigalgal naman naiwan si Evo sa kaniyang kinatatayuan, napahaplos na lamang sa pisnging may bakat ng kamay ni Romana."Dunderhead!" dismayadong wika ng lalaki sa sarili sabay kaltok sa kaniyang ulo.Hindi pa nga niya mapaamo ang babae ay tila nabawasan pa ang pogi points dahil sa ginawa niya. Ang balak lang naman sana ni Evo ay yayain itong mag-almusal dahil magtatanghali na ay hindi pa ito lumalabas sa silid ngunit nauna ang kaniyang pang-aasar, tuloy . . . Nasira ang diskarte niya.Minabuti niya na sundan ito at tanawin na lang muna mula sa malayo. Baka kasi kapag nilapitan pa niya ito ulit ay hindi lang
"Manong! Bigyan mo ako ng isa pa!" mando ni Romana sa sorbetero ngunit mabilis na senenyasan ni Evo ang tindero na huwag na siyang bigyan. Hinugot nito ang makapal na pitaka mula sa bulsa at saka naglabas ng ilang papel na pera. Inabot iyon ni Evo sa tinderong pagod na kanina pa sa pagsisilbi kay Romana."Tama na 'yan . . . Masama ang lahat ng sobra kaya tumigil ka na sa pagkain niyan. Baka sipunin ka . . . Kawawa naman si baby."Napalabi siya nang hilahin nito ang kaniyang kamay papalayo. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa lang siya nakatikim ng ganoon kasarap na ice cream.Wala pa rin siyang kibo hanggang sa marating nila ang isang bakanteng cottage."Maupo ka muna. Sobrang init na sa labas, dito na lang muna tayo," suhestiyon nito. Walang tugon na umupo siya sa kawayang upuan, ang mga mata niya ay nakalihis sa direksyon ng lalaki. Napansin ni Evo ang pagtatampo niya kaya naman umupo na rin ito sa kaniyang tabi.Nakokonsensiya si Evo habang tinititigan ang mukha ni Romana. Pakiramd