"Nais ni Mr. Suarez na i-urong mo ang kaso," pambungad na balita kay Romana ng kaniyang personal lawyer.Naglabas ito ng mga papel at inilatag ang mga iyon sa kaniyang harapan habang sila ay nakaupo sa bakanteng upuan malapit sa buffet area ng resort. Pinasadahan niya iyon ng tingin ngunit hindi nag-abala na basahin maski ang unang talata na nakasulat doon."Talagang sira na ang ulo ng lalaking 'yon. Ang akala niya siguro ay biro lamang ang mga perwisyo niyang idinulot sa buhay ko. Muntik nang mawala sa akin ang anak ko nang dahil sa kaniya," kaswal niyang sabi sabay lakumos sa mga papel na ibinigay ng attorney.Hindi siya makapapayag na hindi ito makulong. Hangga't malaya ang kaniyang asawa ay naroon ang pangamba sa kaniyang puso na muli siyang balikan nito at gawan ng masama."Nais kong mapabilis ang proseso ng diborsyo, Attorney. At tiyakin mo na wala siyang makukuha sa akin maski singkong duling," aniya sa seryosong tinig."Bueno, kung iyan ang nais mo ay 'yan ang susundin ko, Mis
Lango na sa alak si Vincent ngunit hindi pa rin siya tumitigil sa pag-inom. Nakakabingi ang tugtog at hiyawan ng mga taong sumasayaw sa paligid ngunit wala siyang pakialam. Ang tanging nais niya ay ang uminom ng maraming alak hanggang sa tuluyan na bumagsak ang kaniyang katawan.Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin siyang ideya kung saan nagtatago ang kaniyang asawa. Mayroon na rin ipinadalang divorce paper ang attorney ni Romana ngunit wala siyang balak na pirmahan iyon, kahit magkamatayan pa."Saan ka ba nagtatago na babae ka?!" liyong wika niya.Nag-utos na rin siya sa ilan niyang tapat na mga tauhan para hanapin ito ngunit walang makapagsabi sa eksaktong lugar na pansamantala nitong lungga. Maging si Roman ay minanmanan niya ngunit wala siyang napala sa kasusunod sa bayaw.Hindi niya batid kung ilang bote na ng alak ang nainom ngunit alam niyang marami-rami na rin sapagkat ramdam na niya ang kirot sa sintido, nagdodoble na rin ang kaniyang mga paningin.Mula sa isang madilim na sulo
Nanlilisik ang mga mata, tinignan ni Vincent ang nanikmura sa kaniya ngunit muli na naman umangat ang kamay nito. Napasalya siya sa rehas na bakal nang gawaran siya muli nito ng isang malakas na suntok sa mukha, umikot ang kaniyang paningin kasunod ang pagbulagta ng katawan niya sa sahig.Hindi pa ito nakontento, pinagtatadyakan pa ang kaniyang katawan habang nagtatawanan naman ang iba pa nitong kasama.Nang magsawa marahil ay hinablot nito ang kuwelyo ng kulay orange niyang t-shirt at saka sapilitan siyang itinayo. "Hindi uubra ang ganiyang pag-uugali rito sa loob, bata! Kung gusto mong mabuhay, mas mabuti kung makikisama ka sa amin. Dahil wala kang magiging kakampi rito, tanging kami lang na ka-kwadra mo!" nagkikiskisan ang mga ngipin nito habang siya ay dinidiktahan ng nararapat niyang gawin.Kahit bugbug-sarado ang katawan, nagawa pa niyang tanggalin ang mga kamay nito sa kuwelyo ng kaniyang t-shirt sabay tulak sa malapad na dibdib ng lalaki."H-Hindi ko kayo kailangan! H-Hindi k
"Dalahin mo ako sa kanila. Gusto kong puntahan kung saan nagtatago ang babaeng 'yon," utos ni Lalaine sa kaniyang tagasunod.Nakalipas na ang ilang segundo ngunit hindi kumilos ang lalaki na kaniyang pinagsabihan."Ano pang tinatanga-tanga mo riyan?! Sabi ko dalahin mo ako sa kanila?" asik niya."Nangangamba ako sa maaaring mangyari kung susundin kita, Miss Montenegro . . . Alam na ni Boss Tristan ang mga plano mo."Pabagsak siyang sumandal sa upuan at saka hinilot ang kaniyang noo. Kahit kailan ay ito talagang si Tristan ang sagabal sa lahat ng kaniyang plano."Ihatid mo na ako sa mansiyon. Ako na ang bahala na magpaliwanag sa kaniya."Kaagad naman pinaandar ng alalay ang sasakyan. Narating nila ang mansiyon na kanilang tinutuluyan makalipas ang kalahating oras.Pagpasok pa lamang ay bumungad na sa kaniya ang galit na mukha ni Tristan. Hinablot nito ang kaniyang braso at saka hinawakan nang mahigpit."Saan ka nanggaling, ha?!" Dama niya sa paraan ng paghawak ni Tristan ang tinitimpin
"'Yan ba ang tingin mo sa akin, ha?! Am I a fucking toy to you?! Hindi ka ba talaga titigil sa pangungulit mo?! May girlfriend ka, 'di ba? Bakit hindi na lang siya ang pagtripan mo?!"Marahas na binawi niya ang kaniyang sunglasses mula sa kamay nito."Inuulit ko . . . Leave me alone!" Muli, isinuot ni Romana ang panakip sa namamagang mga mata at saka nagmamadaling lumakad paalis. Tigalgal naman naiwan si Evo sa kaniyang kinatatayuan, napahaplos na lamang sa pisnging may bakat ng kamay ni Romana."Dunderhead!" dismayadong wika ng lalaki sa sarili sabay kaltok sa kaniyang ulo.Hindi pa nga niya mapaamo ang babae ay tila nabawasan pa ang pogi points dahil sa ginawa niya. Ang balak lang naman sana ni Evo ay yayain itong mag-almusal dahil magtatanghali na ay hindi pa ito lumalabas sa silid ngunit nauna ang kaniyang pang-aasar, tuloy . . . Nasira ang diskarte niya.Minabuti niya na sundan ito at tanawin na lang muna mula sa malayo. Baka kasi kapag nilapitan pa niya ito ulit ay hindi lang
"Manong! Bigyan mo ako ng isa pa!" mando ni Romana sa sorbetero ngunit mabilis na senenyasan ni Evo ang tindero na huwag na siyang bigyan. Hinugot nito ang makapal na pitaka mula sa bulsa at saka naglabas ng ilang papel na pera. Inabot iyon ni Evo sa tinderong pagod na kanina pa sa pagsisilbi kay Romana."Tama na 'yan . . . Masama ang lahat ng sobra kaya tumigil ka na sa pagkain niyan. Baka sipunin ka . . . Kawawa naman si baby."Napalabi siya nang hilahin nito ang kaniyang kamay papalayo. Sa tanang buhay niya ay ngayon pa lang siya nakatikim ng ganoon kasarap na ice cream.Wala pa rin siyang kibo hanggang sa marating nila ang isang bakanteng cottage."Maupo ka muna. Sobrang init na sa labas, dito na lang muna tayo," suhestiyon nito. Walang tugon na umupo siya sa kawayang upuan, ang mga mata niya ay nakalihis sa direksyon ng lalaki. Napansin ni Evo ang pagtatampo niya kaya naman umupo na rin ito sa kaniyang tabi.Nakokonsensiya si Evo habang tinititigan ang mukha ni Romana. Pakiramd
Paunti-unti, inilapit ni Evo ang mukha sa kaniya. Natutuliro ang kaniyang isip, hindi makapagdesisyon kung aatras ba o aabante . . . Kusang tumiklop ang kaniyang mga mata nang pulgada na lamang ang kanilang pagitan.Ngunit sa huling sandali, sumagi sa isipan niya ang kaniyang asawa. Marahas na itinulak niya ang dibdib mi Evo at saka mabilis na tumayo mula sa kandungan nito."I-I'm sorry. H-Hindi ko pa kayang tugunin 'yang nararamdaman mo para sa akin. M-Marami akong pinagdadaanan ngayon; wala pa sa ayos ang takbo ng isip ko. A-Ayaw kong magdesisyon nang padalos-dalos."Matulin na lumakad siya papalayo sa cottage na kanilang sinilungan; binaybay ang daan pabalik sa resort kung saan sila tumutuloy."Romana, sandali!"Napahinto siya sa paglalakad nang hatakin ni Evo ang kaniyang braso."Evo, please! Huwag mo muna akong guluhin tungkol sa bagay na 'yan! Ayaw ko munang isingit ang paglandi sa schedule ko! Gusto kong unahin ay ang kalusugan ko para maging healthy rin si baby!" "Alam ko . .
"Lumalabas na ang kapilyuhan mo, ha?" Pasimple niya itong kinurot sa tagiliran, napaigtad naman ito dahil sa gulat."Nagbibiro lang naman ako. Gusto ko lang pagaanin 'yang nararamdaman mo. Babe . . . Hindi mo kailangan na solohin ang lahat ng problema. Lagi mong tatandaan na narito lang ako. Ang problema mo ay problema ko na rin. Huwag kang magdadalawang isip na magsabi sa akin kung kailangan mo ng tulong . . . Hindi ba't I'm your superman?"Hindi niya alam kung ma-ta-touch ba o maiiyak na lang sa sinabi ng kasintahan. Sa huli ay niyakap na lamang niya ito sa braso at saka sumandal sa malapad nitong balikat."Thank you dahil dumating ka sa buhay ko, Evo."Kung wala marahil ito ay baka mabaliw na siya sa sobrang dami ng kaniyang pinagdadaanan."Nagkakamali ka, Babe . . . Ikaw ang dapat kong pasalamatan dahil binigyan mo ako ng rason para ganahan muling mabuhay," seryosong sagot nito.Hinawakan ni Evo ang kaniyang baba at saka marahan na inangat ang kaniyang mukha dahilan para magtama a