Magpapatukso kaya ang bagong lalaki sa buhay ni Romana na si Evo? Abangan niyo po ang nalalapit na pagtatapos ng Hot Sugar Mommy. Maraming salamat sa mga readers na sumubaybay sa story na 'to.
Inabot ni Lalaine ang palad ni Evo ngunit nang hilahin siya nito patayo ay sinadya niyang sumubsob sa malapad nitong dibdib. Mistulang ahas na pumulupot din sa leeg nito ang kaniyang dalawang braso."I-I'm sorry . . . Na-out balance lang ako," pagsisinungaling ni Lalaine habang ang mga mata ay hindi tinatanggal sa pagkakatitig kay Evo. Hawak naman nito ang kaniyang likod para alalayan siyang hindi matumba.Lumalim ang mga linya sa noo nito nang matitigan nang husto ang kaniyang mukha sa malapitan."Wait. I think I know you. Lalaine Montenegro, right?"Mabilis na itinulak siya nito papalayo na parang nandidiri."Y-You know me?" kunwari'y walang alam niyang tanong. Pasimpleng inayos muna niya ang damit na bahagyang nagusot bago humarap sa lalaki.Humalukipkip sa kaniyang harapan si Evo suot ang isang tagilid na ngiti."Paanong hindi kita makikilala? Ikaw ang pinakamalaking tinik sa buhay ng girlfriend ko." Wala sa tono nito ang salitang respeto.Nakuha nila ang atensiyon ng ilang tao sa
Mapait na napangiti na lamang si Romana habang ang mga mata ay nakatutok sa buto-butong kamay ni Vincent."Ang mabuti pa ay ubusin mo na itong pagkain para makainom ka na rin ng gamot," aniya.Matiyagang kinain naman nito ang lugaw na siya pa mismo ang nagluto. Matapos pakainin ay inalalayan niya ito patungo sa banyo upang magbawas. Nang tapos na itong dumumi ay siya pa rin ang naglinis ng pang-upo nito na ni minsa'y hindi pa niya nagagawa sa tanang buhay niya."Hindi ka ba nandidiri sa akin? Isa kang babaeng kilala at mayaman, may mataas na pinag-aralan at tinitingala nang marami . . . Bakit ikaw pa ang gumagawa nito? Puwede naman na iutos mo na lang ito sa mga nurse," nahihiyang suhestiyon nito sa kaniya.Matapos punasan ang pang-upo nito ay naghanda na siya ng tubig na pampaligo ng lalaki."Kapag ba mayaman at may pinag-aralan ang isang tao ay wala na itong kakayahan na alagaan ang isang taong naging malapit at mahalaga sa kaniya? Kailangan mo ng tulong kaya ko ito ginagawa. May ma
Nanlalata na ibinaba ni Evo ang tawag."Urong-sulong ka talaga, Romana. Hindi kita maintindihan."Pinatay na niya ang kaniyang mobile phone upang hindi na siya nito muling ma-contact. Dinampot na niya ang kaniyang maleta at hinila iyon patungo sa eroplano kung saan siya sasakay.Nilingon niya ang kaniyang likuran at iginala ang mga mata sa malawak na airport. Umaasa na masisilayan ang pinakamamahal na babae bago lisanin ang bansa. Ngunit wala.Ipinihit niya muli ang tingin sa unahan at nagsimulang humakbang paabante."Evo Xylon!"Napatigil siya nang marinig ang boses ng babaeng kanina pa niya hinihintay. Parang nanigas ang kaniyang mga binti at hindi na nakagalaw."Evo Xylon!" tawag muli nito.Humarap siya sa direksyon kung saan nagmumula ang tinig. Humigpit ang kaniyang kapit sa kaniyang maleta pagkakita kay Romana. Halatang tumakbo pa ito patungo roon dahil hinihingal pa ito. Nais niyang tumakbo papalapit dito at saka yakapin ito nang mahigpit ngunit nangako siya sa sarili na ano m
Hindi madaling magsimula ulit ngunit wala siyang ibang choice kundi harapin ang mga bukas nang mag-isa. Simula nang umalis si Evo ay lubos siyang nahirapan. Bagamat marami siyang tauhan na magsisilbi sa kaniya, iba pa rin ang pakiramdam na mayroong isang taong katuwang sa lahat ng bagay.Upang malibang, sinubukan niyang maggantsilyo ng sombrero, supot sa kamay at paa ng kaniyang baby gamit ang kulay pula at kulay pink na cotton yarn. Nagtiyaga siyang manood ng mga video mula sa internet para matuto."Mukhang seryoso ang ginagawa natin diyan, ah!" puna ni Roman sa kaniya.Kadarating lang nito mula sa trabaho. Pinakiusapan siya nito nang husto na ayusin ang relasyon nilang dalawa bilang magkapatid. Si Roman lang ang nag-iisa niyang kamag-anak kaya naman pumayag siya na makipagbati.At nang araw din nga na magkaayos sila ay hindi ito pumayag na sa magkaibang bahay sila tumira. Mas mabuti raw na magkasama sila sa gayon may magmomonitor sa kaniya at sa baby.Hindi na siya nagtangka na tum
"R-Roman! M-Malayo pa ba tayo?!" tanong ni Romana sa pagitan ng mga impit na daing. Nasa backseat siya habang seryosong nakatutok naman ang mga mata ng kaniyang kapatid sa daan. Minsan-minsa'y sinusulyapan siya nito."Kaunting tiis na lang, Romana. Mararating na natin ang pinakamalapit na ospital."Ilang minuto pa ang lumipas bago nila narating ang tinatahak na lugar. Nang makababa si Roman mula sa kotse ay kaagad siyang sinalubong ng dalawang nurse."Ano po ang problema?" tanong ng isa."Nasa loob ng kotse ang kapatid ko. Manganganak na siya . . . P-Please, paki-assist kami."Patakbong bumalik sa loob ng ospital ang isa sa dalawang nurse na lumapit sa kanila at pagbalik nito ay may tulak-tulak na itong stretcher."Sir, ililipat na namin siya dito," sabi ng isa.Inalalayan siyang makababa ng mga ito pababa sa kotse at saka buong pag-iingat na inilipat sa stretcher. Panay ang higop niya ng hangin dahil pakiramdam niya ay mauubusan na siya ng hininga."Relax lang tayo, Ma'am. Don't wor
Bumukas ang pintuan ng silid. Sabay silang napalingon ni Doc Tyrone sa gawi nito. Pumasok ang kapatid niyang si Roman na naabutan sila sa ganoong posisyon."Hay! Tinatakot mo ba pati ang kapatid ko? Layuan mo nga siya!" parang wala lang na sabi nito sa doktor.Pumasok ito bitbit ang isang malaking tote bag na mayroong sari-saring laman tulad ng tinapay, prutas, fresh milk at iba pa. Kaagad lumayo ang lalaki, walang emosyon na tinignan ang kaniyang kapatid."Next time, huwag mo akong asahan sa mga ganitong bagay, okay? Doktor ako at isa ring businessman, hindi caregiver! Aalis na ako."Napailing na lang si Roman sa ugali ng kaibigan."Kaibigan mo ba talaga 'yon? Napakasama ng ugali niya!" pinid ang ngusong tanong niya.Tumawa lang naman si Roman. "Pagpasensiyahan mo na lang. Bugnutin talaga ang isang 'yon pero mabait siya. Nakita mo naman . . . Binantayan ka pa rin kahit labag sa loob niya," sagot nito.Hindi na lang niya pinansin pa ang bagay na 'yon. Sandali na lang ay makalalabas na
"E-Evo . . . "Walang nabago sa itsura nito, kung mayroon man ay ang bahagyang pagmatured lang ng mukha nito. Gayunpaman, hindi nabawasan ang tikas ng tindig at ang gandang lalaki nito. Kung siya ang tatanungin ay mas lalo nga itong naging guwapo sa kaniyang paningin."Evo!" muling tawag niya na may himig nang pananabik.Dagli siyang lumakad palapit upang mayakap ito nang mahigpit ngunit . . ."Honey . . ." malambing na tawag ng babaeng kalalabas lang mula sa banyo.Litong tinignan niya ito. Nasisigurado niya na ngayon niya lamang nakita ang babae ngunit ang mas nagpagulo sa kaniyang isip ay kung sino ang tinawag nitong honey? Si Roman ba? Si Tyrone? O si Evo?"H-Honey?" tinanong niya ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng tingin."A-Ah, R-Romana . . . S-Si Thea nga pala . . . Fiancèe ni Evo," pakilala ni Roman sa babae."H-Huh?" Iyon lamang ang tanging salitang lumabas mula sa bibig niya.Nawala sa isip niya ang naging usapan ni Evo at Roman noon. Sinabi nga pala nito na mayroon na ito
Tumawa siya nang hilaw, she couldn't believe that he would bring up that topic out of the blue."Masama ba na yakapin ka? We used to do more than that, didn't we?" nanlalaki ang mga matang balik-tanong niya sa dating kasintahan."So, you are still head over heels in love with me?" Ngumisi ito sabay himas sa detalyadong panga na animo'y guwapong-guwapo sa sarili.She laughed sarcastically, "Ang kapal naman ng mukha!" pasaring niya.Naputol lang ang pagtatalo na 'yon nang padaskol na tumayo ang bugnuting doktor mula sa pagkakaupo nito, si Roman naman ay nakatanga lamang sa kanila. Palipat-lipat ang tingin sa kanilang tatlo."Dang! Annoying," Tyrone broke into their argument."Aalis na ako rito bago pa ako ang tuluyang mabaliw dahil sa dalawang 'to," dagdag pa nito bago dismayadong umalis.Nakita niyang sinundan pa ito ni Kitty sa 'di malamang dahilan."Ang mabuti pa ay umuwi ka na rin, man. I'll tell the driver to drop you off. Bukas na lang tayo mag-usap," suhestiyon ni Roman."Good id