Share

Chapter 93

Hinahanap niya ang charger niya, hindi niya ito makita sa labas salas. Baka tumawag ang asawa niya, hindi siya makontak.

"Kainis naman.. bubuksan ko na nga lang ang TV." nanood siya ng balita. Naiinip na siya, hindi niya maintindihan kung bakit ayaw siyang panoorin ng asawa niya ng balitang ganito. Isang balita ang umagaw ng kanyang atensiyon.

"Kasalukuyan pong kinukuha ngayon, ang kotse ng artistang si Tamara, na minamaneho ng manager niyang si Alice. Nagkaroon ng matinding aksidente sa kahabaang ito ng Rizal. Napag alaman natin, na nag aaway di umano, ang manager ni Tamara na si Alice, at ang P.A ni Tamara, na si Aida. Hindi natin makausap si Tamara na kasalukuyang yakap yakap ng kanyang nobyo na si Mckenzie..." pinatay niya bigla ang TV.

Malamang, hindi na naman uuwi ang asawa niya. Minsan pala, nakakapagod din maging maunawaing asawa. Nakakapagod din maging mabait. Hindi na niya alam kung saan siya lulugar. Hanggang maaari, ayaw naman niyang magselos, subalit lagi siyang sinusubok
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status