Share

Chapter 2 Before The Disaster (Raizel's POV)

I SMIRKED when Bella looked up. Kita ko rin ang paglunok niya habang nakatitig sa mga mata ko. I took a step forward, and was surprised when she stepped back. She never did this. Dati, mas gusto niyang makipagtagisan ng tingin at makipagtaasan ng noo, kahit pa sobrang lapit namin sa isa’t isa.

“What brought you here…” I leaned closer to her ear and whispered in a seductive tone, “Bella?”

“I fuvking hate you, do you know that, Raizel?!”

I gasped. My eyes widened and looked at her mockingly. I even clenched my shirt right in front of my heart. “That hurts, Bella. Why do you keep on hating this innocent young man?”

“Innocent, my ass! Kung hindi pa nag-send ng message si Meirin gamit ang phone mo, hindi ko malalaman ang lugar na ito! You’ve been watching these shȋts, don’t you?!” She snarled and pushed me.

Ito pala ang hiningi ng tawad ni Meirin kanina.

“And so? This has nothing to do with you.”

“Anong nothing? At least give me a heads up! Nakita mo na pala na may kasamang ibang babae ang boyfriend ko, hindi mo man lang sinasabi.”

Naikuyom ko ang kamay sa narinig. Gagawin niya pa pala akong look-out. “Anong mapapala ko kung gagawin ko iyon?”

Humakbang ulit ako palapit sa kanya, pero umatras ulit siya. Hanggang sa lumapat ang likod niya sa puno.

“M-Magiging good boy ka na!” uutal-utal na sabi niya.

“I’m always a good boy, Bella.” Isinandal ko sa puno ang mga braso ko para ikulong siya.

“H-Hindi na kita aasarin na bata b****a!” she shouted and closed her eyes.

“I was never like that.”

“E-Eh ‘di magpapakabait na ako sa iyo!” Hindi niya pa rin binubuksan ang mata niya.

“I don’t need that.” Yumuko ako at hinipan ang tainga niya.

Nagulat na lang ako nang suminghap siya.

“What the fuvk, Bella? Iba’t ibang lalaki na ang humawak sa iyo, ‘di pa rin sanay sa kiliti ang katawan mo?”

She abruptly opened her eyes and throw daggers at me.

“Piss off, Raizel!”

I shrugged. Lumayo na rin ako sa kanya, baka mahalikan ko siya nang wala sa oras.

“Isusumbong kita sa mommy mo! Nagka-cutting classes ka, nanonood ng kabastusan, umiinom ng alak—“

I grabbed her hand to stop her counting.

When she looked at me, I winked and even blew a kiss. Mabilis na namula ang mukha niya sa pang-aasar ko. Nagbunyi ako dahil pikon na siya. I won this time.

“I really hate you! Napaka-ungentleman mo! Bakit hindi ka gumaya kay Tito John at Tito Brix?!” Birit niya bago tuluyang umalis sa harap ko.

Gusto ko pa sanang itama ang tingin niya sa dalawang iyon, pero nagbagong buhay na kasi sina Dad at Tito Brix simula nang magseryoso sila sa mga partner nila. And hȇck, I will never want to see Dad to act like me.

At isa pa, ang bata ko pa para ihalintulad ni Bella sa mga matatanda na feeling teenager.

LOUD MUSIC, crowded place, hips swaying vigorously that will throw you to the corner of the room if you’re drunk and couldn’t gather the strength—I will never get tired of this easy-go-lucky life. I started having this kind of night life when I turned fifteen.

Nagpaalam ako kanina kay Mom na pupunta ako sa isang birthday party. As usual, hindi siya pumayag. Pero dahil ako si Raizel Benitez-Cruz, nagpapaalam ako for formality, hindi para sundin ang gusto ni Mom. Wala na rin naman siyang magagawa dahil kapag umuwi ako, bago niya ibuga ang nakahanda niyang script at sermon, sisingit si Dad. At ang tanging sasabihin niya lang sa asawa niya, “hayaan mo na mag-enjoy ang anak mo.”

That’s why I love both my parents.

Minsan lang din naman ako mahuli ni Mom na lumalabas kapag gabi, kaya huwarang anak pa rin ako—sana lang.

“Oh, the infamous trio are present!” sigaw ni Eugene at nakipagkamayan sa aming tatlo ni Migz at Meirin. “Hindi kumpleto ang party kung wala ang mga siraulong kagaya niyo. Ang tatlong hari ng kagαguhan!” patuloy nito.

Cutting classes lang naman ang ginagawa namin—oh well, there’s more.

May isang babae na papalapit sa amin. Hindi siya parte ng class namin dahil sa suot niyang maid outfit. May suot din siyang mascara, natatakpan nito ang kalahati ng mukha niya.

Nagulat na lang ako nang magsalin siya ng alak sa isang baso, ininom iyon at hinila ako para halikan. I thought she was going for the birthday boy. Oh well, I’ll be the first. Hinintay nila kami para dito. Hinila ko na lang palapit sa akin ang babae. Binuhat ko siya at pinatong sa lamesa, at ininom ko rin ang alak mula sa bibig niya.

This is life, bȋtches!

Nadaig ng hiyawan ng buong klase ang malakas na music ng bar. Hindi nagtagal, gumaya na ang iba sa ginagawa ko. Yup, I gave the cue, they follow.

Halos lahat sa magkakaklase ay tila mag-boyfriend-girlfriend.

Kaming tatlo lang nina Migz at Meirin ang kumuha ng ka-partner sa gilid-gilid. Iniwan na rin ako ng babaeng naka-maid outfit. And there goes my fantasies.

Nasa gitna kami ng katuwaan nang biglang tumigil ang malakas na tugtugan at napalitan ng slow music. I thought it was a sensual one. But to my surprise, it was a live, and the one singing is Bella.

“Here comes the drama queen!” sigaw ni Eugene.

“’Di ko sinasadya, sana naman ay mapagbigyan. ‘Di ko akalaing ganito ang mararamdaman. Sana naman ay maintindihan, humihingi ng kapatawaran ang pusong biglang nagbago…”

Halata sa boses ni Bella na nakainom na siya, pero naroon pa rin ang maladiyosa niyang tinig. Pasalamat siya, namana niya ang ganda at pagiging likas na singer ng mommy niya. Kung hindi, ako ang unang babato ng lata sa mukha niya.

“Bakit ngayon pa siya kumanta, good vibes lang tayo! CC, kung palagi kang broken, pabayό ka na lang sa akin!”

Nagngalit ang ngipin ko sa narinig. Bago ko pa maisipang kalmahin ang sarili, nakita ko na lang na duguan sa ilalim ko si Eugene. Inaawat na rin ako ni Migz at Meirin, at pilit na nilalayo sa lugar. Kita ko pa sa gilid ng mata ko na may ilan sa mga kasama namin na kumukuha ng picture o video, pati na ang nagkalat na basag na bote sa sahig.

Fuvk!

Bastusin na nila ang mga sarili nila, huwag lang si Bella!

Napapunas ako sa noo ko dahil sa pagtulo ng kung ano mula doon. Nang tingnan ko, dugo.

“Anong nangyari sa iyo? Bakit bigla mo na lang sinugod si Eugene?” tanong ni Meirin.

Pababa na kami ng hagdan. Nakaakbay din sa akin si Migz.

“I heard him say something awful about Bella.” Kumuyom ulit ang kamay ko.

“Ano naman iyon sa iyo?”

Tila ba nabingi ako sa tanong na iyon ni Migz. Malakas na ang tugtugan dahil tapos na sa pagdadrama sa stage si Bella, pero tila ba sirang plaka ang tanong na iyon na paulit-ulit na nag-play sa loob ng utak ko at iyon na lang ang naririnig ko.

Ano nga naman sa akin kung ganoon ang turing ng ibang lalaki kay Bella?

Naupo na rin kami sa isang bakanteng table malapit sa stage.

“Kung ano man ang sinabi nila tungkol kay Ate CC. Kaya niya na sarili niya,” sabi niya pa na lalong nagpainis sa akin.

“Eh kung bastusin iyang kapatid mo, hindi ka ba magagalit?”

“So kapatid ang turing mo kay Ate CC,” iiling-iling na sabi ni Meirin. “Linawin mo, Raizel. Hindi iyong nagugulat na lang kami, may pinapatulog ka na sa dilim na hindi pinapadaan sa antok.”

“Anong kapatid? Kahit kailan, hindi kapatid ang tingin ko sa babaeng iyon!”

“Sinong babae?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status