Share

Chapter 62

Nang hawakan ni James sa kamay ang lalaki na nasa aking tabi ay ito ang naging hudyat kung bakit nag-init bigla ang ulo ng dalawa pa nitong kasama. Mayabang na tinapǐk ng isa sa kanila ang kamay ni James kasunod nun ay nagulat ang lahat ng isang suntok ang tumama sa sikmura ng aking kaibigan. “ ahk...” narinig kong daing ni James habang na mamaluktot ito at hawak ang nasaktang sikmura.

Muling umangat ang isang kamay ng lalaki at nagpakawala ng isa pang suntok ngunit imbes na tumama ito sa mukha ni James ay lumapat ito sa palad ko. Halos sabay na lumipad ang tingin ng tatlong lalaki sa mukha ko ngunit nanatiling blangko ang expression ng aking mukha. “Baka pwede nating pag-usapan ‘to? Hindi naman tayo ang magkalaban dito, dapat kapatid ang turingan natin sa isa’t-isa.” Anya sa malumanay na paraan, sinusubukan ko na mahilot pa ang mga ito sa maayos na usapan ngunit ewan ko ba, dahil mukhang may problema ang mga ito. Imbes kasi na huminahon ay lalo pang nag-init ang kanilang mga ulo.

U
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status