Share

Chapter 65

Mabilis na bumaba si General Gronovius sa kanyang sasakyan maging ang mga sundalo na sakay ng ilang track. Mabilis na tumayo ng tuwid sina Major at ang lahat ng mga sundalo na nasa ilalim ng departamento nito. Halos i-isang tao na sumaludo ang mga ito habang nanatiling hawak ng mga ilang sundalo ang nakaluhod na si Summer.

Hindi naman maintindihan ng mga baguhan kung ibababa ba nila ang kanilang mga baril at sasaludo sa bagong dating na tulad ng ginawa nila Major. Ngunit ng makita nila na walang balak bitawan ng mga tauhan ni Major ang kasamahan nilang si Summer ay mas pinili nila na manatiling nakatutok ang kanilang mga baril sa kanilang kabaro.

“Anong nangyayari dito? Matigas na tanong ni Gen. Gronovius, nagngangalit ang mga bagang nito habang nakatingin kay Summer.

“May nagtraydor sa departamento natin at ang babaeng ito ay espiya! Siya ang dahilan kung bakit maraming kawawang sundalo ang namatay ngayong gabi.” Matigas na pahayag ni Major ang mukha niya ay kakikitaan ng masyadong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status