WALA nang nagawa si Cataleya kundi ang magpatianod sa kagustuhan ni Lukas na sumakay sa ferris wheel. Pagkabili nito ng ticket ay kaagad na sumakay sila sa gondola na nakalaan para sa kanila. Nilalabanan niya ang kaba na nadarama niya. Iyon talaga ang ride na ayaw niyang sakyan.‘Kayanin mo Cataleya, alam ko naman na ayaw mong mawalay kay Papa Lukas,’ anang ng isang bahagi ng puso niya.Eksaktong sabay na pagsandal nila sa railing ay hinawakan ni Lukas ang isang kamay niya. “Nanlalamig ka yata Cath? Something wrong?”Isang pilit na ngiti ang ibinigay niya dito. “N-ngayon na lang kasi ako sasakay ng ferris wheel. Ang tagal na noong pinaka-last at medyo traumatic ako after that.”High school siya noon nang magka-ayaan sila ng mga kaklase niya na sumakay ng ferris wheel. Dahil first time niya ay naging excited tuloy siya. Ngunit nang umaandar na ay nagkaroon siya ng kadalaan. Bigla siyang nahilo at kaagad na nagpababa. Naroong sumuka siya at nangako sa sarili na hindi na muli na sasakay
HINAYAAN ni Cataleya na lalo pang lumapit sa kanya si Lukas. Nakabukas ang mga bisig niya para sa binate. Pinagbigyan niya ito sa request nitong mayakap siya. At alam niya sa kanyang puso na hindi niya ito kayang tanggihan.“Ikaw talaga, akala ko pa naman kung ano na ang request mo sa akin.” Kusa niyang hinapolos ang broad back nito. Ang texture ng balat nito na tila nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa kanya. Naroong lumakas pa ang kabog ng dibdib niya.Hindi niya maikakaila sa sarili ang kakaibang epekto nito sa kanya. Aminado siya sa sarili kung gaano ito kahalaga sa buhay niya. Isang damdamin na natatakot siyang malaman nito.Walang kasuguraduhan kung hanggang kalian iyon magiging lihim. Ngunit iyon ang pinaka-safe niyang magagawa. Kailangang protektahan niya ang sariling damdamin.Dalawang bagay lang ang pwedeng kahantungan ng lahat. Ang magkaroon iyon ng katugunan o ang magbayad siya. Minsan pa niyang sinisi ang clause sa relationship contract nila.Kaagad na hinamig niya ang
"ARE you alright? " tanong ni Lukas sa kanya. Napansin nito ang pagka-unease ng mukha niya. Nanunuri ang ang mga mata nitong nakatingin. Sinikap ni Cataleya na hamigin ang sarili. Tumikhim siya. "Medyo nagulat lang ako. Hindi ko kasi akalain na ang isang kagaya mo ay nagbabasa ng romance novel. Iyon ang genre ni Leyah Rose. "" At nagbabasa ka rin pala ng mga sinulat niya? " Ito naman ang nagkaroon ng amusement sa sandaling iyon. 'Ako 'yun Lukas. Ako si Leyah Rose' at hindi niya kayang maisatinig ang mga nasabing kataga. Hanggang sa sarili lang niya. "Minsan ko lang na-browse ang story niya, " bagkus ay sabi niya. "Alam mo naman, wala na ako masyadong time na magbinasa pa. Buti ikaw ay meron pa. ""Si Lorraine kasi ang may kagagawan nito, " tukoy nito sa pangalan ng pamangkin nito. "Pinilit niya akong basahin dahil parang ako daw kasi yung male character doon. ""And then? " Pilit niyang ikinampante ang sarili. Nagkaroon siya ng kuryusidad kung paano niya naging reader ang boss niy
NAGPALINGA-LINGA ang tingin ni Cataleya sa paligid. Mula sa labas ng comfort room ay may hinahanap siya na gumawa ng kaluskos. Naging alerto ang lahat ng nerve niya sa katawan. Nag-aalala siya sa na baka may nakarinig sa sinabi niya sa harap ng salamin.Lumakad na siya hanggang sa makarating sa magandang sala ng bahay ni Lukas. Niyakap siya ng nakakabinging katahimikan, patunay na walang ibang taong naroroon.Inisip na lang niya nab aka si Manang Goreng lang iyon. Baka napadaan lang ito kanina. Bumuntong-hininga siya saka lumabas na muli ng kabahayan.Pagdating niya sa labas ay napansin niya na nabago na ang set-up. Wala na ang dining table at napalitan iyon iyon ng dalawang sand chair. Sa pagitan ng dalawang upuan ay naroon ang isang square na lamesa. May mga nakasapaw doon na mga snack at drink. Nanatiling naroon pa rin ang makeshift stage pero wala na ang babaeng violinist. Ang tunog ng banayad na pag-alon ng dagat ang nagsilbing musika ng paligid.“Wow mukhang may part two pa yata
“MAY sinasabi ka ba Lukas?” tanong niya sa binate na pinakatitigan pa ang mukha nito. Naghihintay siya ng kumpirmasyon mula dito at umaasam siya na hindi siya na namamali nang narinig. Kulang na lang ay sapuin ang sariling dibdib dahil sa pagkabog n’on. Sana nga ay tama ang mga katagang binigkas ng lalaki na lihim na itinatangin ng puso niya.Umiling ito na parang nabuhusan ng malamig na tubing ang ulo. “W-wala, I mean, kilala mo ako Cataleya. Hindi ako nagbibigay ng pipitsuging regalo sa isang tao. Kaya nga dito nagpunta.”Tila mahinang pader na gumuho ang lahat ng inaasam niya. Nawalan siya ng gana sa sandaling iyon. Pilit niyang itinago ang nadaramang pagkadismaya. Pilit pa rin niyang pinasigla ang expression ng mukha niya. “Ah okay, pero sabi ko naman sa’yo, hindi mo ako kailangang bigyan ng mamahaling regalo.”“You’re stubborn Cat.” Pinisil na naman nito ang dulo ng baba niya. Bigla siya nitong nilagpasan. “P’wes ako na lang ang pipili ng gift ko para sa’yo.”Napasunod na lang an
IMBES na makadama ng pagkapahiya si Cataleya, lungkot ang lumukod sa dibdib niya. Sa ginawang pagtatapos ni Lukas sa video call nilang dalawa ay malinaw na natapos na ang relationship contract nila. Ganap na nga bang babalik sa dati ang Samahan nila sa isa’t isa?Nakatulugan na niya ang isiping iyon. Nagising siya makalipas ang isang minute, naalala kasi niya na hindi pa niya natatanggal ang suot na contact lens. Nang maalis na niya iyon sa kanyang mga mata ay biglang namasa ito. Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa pisngi niya.Tila may mga nagliliparang mga sibat patusok sa dibdib niya. Mas masakit pa sa break up. Kung noong una ay nag-aalinlangan siya sa kasunduang inilatag ni Lukas pero ngayon na nagtapos na, masasabing nasasaktan siya.‘Stop na ang pagiging assuming mo Cataleya, malinaw na hindi ka mahal ni Lukas. Malinaw naman na ginamit niya para isalba ang kanyang reputasyon. Mataas ang tingin niya sa sarili niya at ayaw niyang madudungisan iyon. Isang pansamantalan
"L- Lukas, " sambit ni Cataleya habang namamasdan ang binata sa hindi kalayuan. Wala sa hinagap niya na ito ang makakasama sa picture. In fairness, ang galing nito dahil hindi niya namalayan nakalapit ito sa kanya. "Ma'am, pasensya po kung hindi ko na napigilan si Sir sa paglapit sa inyo kanina. Pero mukha naman po siyang mabait,. " itinuro pa ni Mark si Lukas. Inismiran niya si Lukas sabay baling sa photographer. "Mukha lang 'yung mabait at huwag kang pakatiwala sa itsura niya. Mapanakit 'yan. " Nangunot ang noo ni Mark sa pagtataka. " Huh, kilala n'yo ho s'ya? ""Ui Cataleya, narinig ko ang sinabi mo huh. " Paglapit sa kanila ni Lukas. Sa kanya agad ito tumingin.Tinaasan niya ito ng kilay. "Sinasabi ko lang naman ang pagkakilala ko sa'yo. Ano akala mo sa akin, madaling makalimot sa ginawa mo? "Nagsisimulang lumabas ang sama ng loob niya kay Lukas dahil sa ginawang pangdi-deadma sa kanya buong maghapon. At ngayon bigla na lang itong susulpot sa harap niya na parang walang nangya
SA saglit na paghihiwalay ng mga labi nila nina Cataleya at Lukas, napatitig siya sa mukha ng lalaki. Pinakatitigan niya ang gwapong mukha nito at namamalas niya ang pagtaas-baba ng adam’s apple nito. Nais niyang tiyakin sa sarili na hindi panaginip ang mga nangyayari sa gabing iyon.“I love you so much, Lukas Adriatico,” sa wakas ay malaya niyang nasasabi dito ang mga nasabing kataga. Mga salitan na mahabang panahon na ikinubli ng sariling damdamin niya.Ang dating tinatanaw niya noon ay malaya na niyang naaabot na ngayon. Isang pangarap ang nagkaroon ng katuparan. Ang masidhing inaasam ng puos niya.“And I love you more my angel, Cataleya.” Muling hinuli ng labi nito ang labi niya. Nadugtungan ang pinagsasaluhan nilang halik. Hinayaan niyang pumasok ang dila nito sa loob ng bibig niya. Napayakap siya sa leeg nito para lalo pang maglapit ang kanilang mga mukha.Sandaling iyon ay nais nilangh ipadama ang pagmamamahal nila sa isa’t isa. Sila muna ang iinog sa takbo ng mundo at walang m