Share

Kabanata 2

Kuya 

“You're really a bitch! Mang-aagaw! Ang landi mo rin talaga, ‘no?” 

Napatitig lang ako kay Macy. She’s the one acting like a bitch. Hinila niya ako kanina sa classroom para lang makapag-usap kami tungkol sa mga pangyayari, involving Fizale. 

“Wala akong nilalandi, Macy,” I said as a matter of fact. 

“Magsisinungaling ka pa talaga? Nakita ko rin kayo kahapon ni Mizo sa plaza. Ano’ng panlalandi ang ginamit mo para kausapin ka niya? Ha?!” 

I want to mock her so much but I feel bad for her. Buang na ba talaga itong pinsan ko? Masiyado nang overacting. 

“Nagtanong lang siya tungkol sa mga lessons.” 

“Akala mo ba’y maloloko mo ‘ko? Bakit siya magtatanong sa lessons niyo? Matalino siya at fourth year na sa college! Ano’ng mapapala niya sa lessons ng mga Grade 12? Ha?!” 

I smiled at her. She looks more annoyed than ever. I love it. 

“It’s not my fault, Macy. He keeps on following me. Baka may gusto ‘yon sa’kin? I don’t know. I’m sorry. Hindi ko kasalanan kung may gusto siya sa’kin,” I said like I’m very sad. 

“You’re thick-skinned! Bakit ka naman niya magugustuhan? I’m more beautiful and classy than you! You’re just plain and boring! Napaka-feelingera mo!” galit niyang sigaw. 

“Ewan ko. Tanungin mo kaya siya? Akala ko ba, close kayo?” 

“Are you dumb?! Bakit ko itatanong ‘yon? I’m not cheap like you!” 

“Then? Ano’ng gusto mong gawin ko?” 

“Basta! Layuan mo siya. Akin lang si Mizo. If I ever see you flirting around him again, isusumbong kita kay Auntie Nessa,” huling banta niya bago ako iwan. 

Duh? I’m not that crazy. Kailangan ko na talagang iwasan ang lalaking iyon. He only brings problem. 

Lunch came at ako lang natira sa classroom. Ako lang siguro ang nagdadala pa rin ng lunchboxes kahit sa senior high na. Hindi rin naman kasi ako makakakain sa canteen. It’s full of temptations. Itong pagkain ko ngayon ay pawang mga dahon lang. I’m becoming a herbivore animal, not a vegetarian. 

Kaya naman pagsapit ng afternoon classes, my stomach keeps on growling. Ugh. I have to endure with this again. 

“What is sex to you?” tanong ni Miss Paterno. 

Narito kami ngayon sa Science Lab dahil time ng Biology. Hindi ko nga alam kung bakit related sa Sex Education ang pinag-uusapan ngayon. Tinatamad ako at bored na bored sa klase. 

Ang matulis niyang mata ay naghahanap ng tutuhugin. Siyempre, iwas-tingin lang ang mga bobo kong kaklase. Dumb creatures! Ang simple ng tanong hindi masagot-sagot. Nagtaas ako ng kamay. 

“I define sex as an activity where there is a penetration of penis to the vagina…” 

Hindi ko pa natatapos ang nais sabihin ay naririnig ko na ang tawa ng mga bobong nilalang. Ano’ng nakakatawa sa sinabi ko? Sino pa bang inosente sa usaping ito? Kung alam ko lang, yung mga malalakas ang tawa, sila ang mas maraming nalalaman. 

“Class, please keep quiet! What’s so funny about what Miss Santocildes said? It’s the fact!” sigaw ni Miss Paterno at tumahimik sila. “Please continue.” 

Tumikhim ako bago nagsalitang muli. 

“Sex is a sexual intercourse involving kissing, touching, nibbling, etc. The purpose is to feel orgasm, for pleasure, or reproduction. Once there is orgasm from the sexual partners, it is accompanied by the ejaculation of semen in the male and by vaginal contractions in the female. If there are no contraceptives or condoms and the likes, there is a big possibility for the sperm cell to meet the egg cell, resulting to impregnation…” 

Nabitin ang sasabihin ko nang mapabaling sa labas at nakita si Fizale na nakatambay sa pintuan ng lab. He’s looking at me with a faint smile on his face. Ano namang ginagawa niya rito? He’s so creepy. 

“Good afternoon, Miss!” bati niya bago pumasok. 

Hayan na naman ang mga malalanding tsismosa. Hindi na nahiya at harap-harapang lumalandi kay Fizale. Nakikita kong may mga nagpa-flying kiss sa kaniya at kumikindat. Kadiri. 

Some automatically looked at me with certain look in their faces. May ibang galit at ibang nanunukso. 

Sa halip na tumingin kay Fizale ay naupo na lang ako at hindi na bumaling sa kaniya. 

“Mizo! Thank you so much. Sabi ko naman sa’yo, hindi mo na kailangang dalhin sa akin ng personal,” si Miss Paterno. 

Marunong pa lang magsalita nang malumanay ang bruhang matandang dalagang ‘to. Akala ko ay puro sigaw lang ang alam. Obvious na paborito niya ang lalaki. 

“Siyempre, pupunta ‘yan ng personal para makita si Elsphit,” dinig kong bulong ng nasa likod. 

“Oo nga. Pumuporma, eh.” 

I gritted my teeth. What is this again? 

“Okay lang po, Miss Paterno. I already made a promise.” 

Just hearing his voice angers me. I still remember what happened earlier. Ako pa talaga ang papansin? Siya nga itong nagpapapansin. 

“Elsphit, nakatingin siya sa’yo,” bulong ng kaklaseng nasa likod ko. 

Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa pagtingin sa aking libro. What do I care? Isipin na naman niyang gusto kong kunin ang atensiyon niya. 

“El, aalis na siya yata. Kaso hindi ka man lang sumulyap sa kaniya. Baka mag-away kayo niyan,” bulong ulit ng kaklase ko. 

Hindi ko namalayang nalukot ko na ang pahina ng libro dahil sa inis. Bakit ba panay ang bantay nila? Parang reporter. 

“Miss, I’ll go now. Thank you so much,” dinig kong sabi ni Fizale. 

“Hoy, El. Tumingin ulit sa’yo.” 

Nakakarindi. Nakakabwisit. Hindi ko alam kung paano ko nakakayanan ang araw-araw na lang na panunukso ng mga tao sa paligid ko. I freaking hate it. Iiwasan ko na talaga ang Fizale na iyon as much as I can. 

Kaya naman, these past few days, makita ko pa lang siya sa malayo ay lumilihis na ako ng daan. Kung magkasalubong man kami ay hindi ko na tinatapunan ng tingin at lalampasan ko kaagad. Mas mabuti na iyon. 

The next morning, still early, inihatid ako ni Papa dahil may importanteng meeting siya sa kanilang headquarters. Tungkol daw iyon sa isang drug den at hindi ko na inalam ang detalye. 

I quietly walked passed the school gate. Masiyadong maaga kaya iilan pa lang ang mga tao. The sun hasn’t even fully raised. Sobrang tahimik ng field kaya mabagal ang paglalakad ko. I’m reviewing some notes para sa long quiz mamaya. 

The cold breeze of the morning wind blown some papers I’m reading. Napapikit ako sa frustrations. Ang malas ko talaga kahit kailan. I breathe heavily before turning to the ground where my papers fell. Akmang pupulutin ko ang mga papel nang may masipatan ako sa likod ng H.E. Building. 

Napatalon ang puso ko sa sobrang gulat. What the hell? Fizale was standing there, staring at me while smoking his cigarette. Is he a real creep or something? Nanindig ang mga balahibo ko sa batok. 

I better not mind him. Lalong-lalo na at nahuli ko na naman siyang naninigarilyo. Baka kung ano’ng iniisip nito? Gosh. 

Mabilis kong pinulot ang mga papel ko. Nasulyapan ko siyang binitawan ang kaniyang sigarilyo at inapakan ito. Mas lalo kong binilisan nang makita siyang papalapit sa kinaroroonan ko. Hindi ko tuloy mapigilang manginig sa kaba. Why is he even there smoking so early in the morning with that dark menacing look in his face? Para siyang adik. 

“Stop!” sigaw ko sa kaniya. 

Ngunit tuloy-tuloy ang paglapit niya kaya hinayaan ko na lang ang ibang mga papel at tumayo na. Bago pa siya makalapit ay tumakbo na ako na parang tanga. 

Damn. Why does he act like a psycho? Okay naman tuwing nag-aaway lang kami. Iyong maingay siya at tinutukso ako. Pero kung ganitong tahimik siya at seryoso, napakadelikadong isipin. Just the other day, I saw him laughing with his friends. Pero ngayong umaga, nag-iba na naman. 

What do I owe him anyway? At bakit ako takot sa kaniya? Ano’ng kasalanan ko sa kaniya? Iniiwasan ko na nga siya. 

“Elsphit, your Lola Ponce called. We should all go to the church this Sunday,” ani Papa sa hapunan. 

“Opo.” 

“This is a great chance to get the sympathy of people,” sabi ni Mama sabay punas ng napkin sa bibig. “We should donate a big amount, Cabrel.” 

“Do what you want to do, Nessa,” sabi ni Papa sabay iling. 

“By the way, Elsphit. Buy a new dress. Look more presentable. Bakit ka ba sumusuot ng jeans at t-shirt tuwing may lakad?” 

“Mas komportable po sa akin ang gano’n, Mama. I still have pieces of dress in my closet. Yung iba, hindi pa nagagamit.” 

“Just do what I told you to do. Bakit ka ba kumukontra? Ayokong nakikita kang nagji-jeans. Buy blouses and dress,” nakakunot-noong sabi niya. 

“Sayang po yung pera, Ma.” 

“It’s my money. Don’t talk too much!” galit niyang wika. “And buy also a gift for Señora Santillana’s birthday.” 

Pagkatapos ng hapunan ay kinausap ako ni Papa. Talking about my mom’s behavior all this time. 

“Just understand your Mama, okay? She’s too stressed and tired. A bit sensitive.” 

“I know, Pa. I understand,” nakangiti kong sabi. 

I’ve been doing this all my life. Ngayon pa ako magtataka sa inaasal ni Mama? I know already that she likes being superior. Ayaw niyang natatalo. Kaya ganoon rin ang ginagawa niya sa akin. Pinipilit na maging katulad niya. 

Alam ko rin ang pagiging iritable niya. Maybe, namana ko sa kaniya iyon. I observed her for a long time. I was even wondering how did they even had me? She’s 40 years old and Dad was 47 years old. Paanong nagawa pa ako? 

But then I realized, age doesn’t matter in sex. 

What am I even thinking? 

“Ayon sa ikalimang utos ng Diyos…” 

Nais kong mapasimangot pero hindi ko magawa. Kanina pa nag-uumpisa ang misa at kanina pa ako hindi komportable. Paano ba naman? Nakita ko si Fizale at ang pamilya nila. Nang nasulyapan ko kanina ay ngiting-ngiti habang bumabati sa mga tao. 

Idagdag pa si Señora Santillana na matulis ang titig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang atraso ko sa matandang iyon para magalit sa akin. Maayos naman ang pakikitungo niya kina Mama at Papa. Ako lang yata ang kaaway niya. 

Mababasag din yata ang eardrums ko tuwing kakanta si Lola Ponce. Nasa tabi ko at napakaingay. 

Natapos ang misa. Naalala ko pa ang singhapan ng mga tao nang marinig kung ilang libong piso ang inalay ni Mama. Nahuli ko rin ang nginitian nila ng senyora. I’m sure, Señora Santillana helped her gain more voters for the election. Naroroon rin kasi ang senyora sa mga pangangampanya ni Mama. 

Hindi kaagad kami nakaalis ng simbahan dahil marami pa ang pangungumustahan at usapan ang nagawa nina Mama at Papa, gayundin si Lola Ponce. People keep on approaching them in relation to the upcoming elections. Ako nama’y napapagilid lang dahil ayaw nang makisali pa sa mga usapan nila. 

“Iniimbitahan ko kayong kumain sa bagong restaurant ko, Santillana,” si Lola Ponce nang makita ang senyora. 

“Ikakagagalak kong paunlakan ka, Poncerani.” 

Agad silang nagtawanan na hindi ko naman nakuha. What’s so funny? 

Napasulyap ulit ako kay Fizale. Animo’y parang maamong tuta na sunod nang sunod sa mga magulang niya. Noong nakaraang araw lang ay tinakot niya ako ng sobra. 

“Hi, Eli,” bati ni Lexter, pinsan ni Fizale na kaedaran ko lang. 

“Hello,” sagot kong may matamis na ngiti. 

Nginitian ko lang din ang nakababata nitong kapatid na si Lindsey at ang Kuya pa nilang si Lammuel. Pasimple kong sinimangutan si Fizale. Hinayaan ko ang maririin niyang titig. Siya pa itong may ganang magalit? 

“Let’s go?” pagyaya ni Lola Ponce. 

Tinalima namin iyon at pumasok na sa kaniya-kaniyang sasakyan. We drove till the next barrio where Lola Ponce lives. Sumunod lang ang sasakyan ng mga bisita. From the ride, we’ve passed by a wide mango farm. Lahat na lang yata ng nadadaanan ay pawang mga puno ng mangga. I know, this is a property of the Veloso Clan. Hacienda nila. 

Lola Ponce have a restaurant and delicacy stores. All main products are mangoes. Kumukuha siya ng supplies sa hacienda. 

“Kailan ka nag-open, Poncerani?” tanong ng senyora, tanaw-tanaw ang malapad na restaurant ni Lola Ponce. 

“Two weeks ago. Walang formal opening. Just simple ribbon cutting at free meals for the people.” 

“That’s good, Poncerani! Hindi na ako makaantay na matikman ang mga specialties niyo rito.” 

“Hindi ka magsisi, Santillana.” 

Pumasok na rin makalipas ang ilang minuto. Naging abala ang mga staffs ng restaurant sa biglaang pagbisita ng senyora. Mukha namang nalulugod ang senyora sa service dito. 

“Anong masarap dito, Eli?” tanong ni Lexter nang makaupo na. 

Hindi agad ako nakasagot. Lima lang kami ang nasa table na ito. Si Kuya Lammuel, Lexter, Lindsey, at si Fizale. Yung mga matatanda ay nasa ibang table magkakasama. Sina Mama, Papa, Lola Ponce, Señora Santillana, Atty. Fizale at kaniyang asawa na si Dr. Mika, at sina Mr. and Mrs. Abercal na parents nina Lexter. 

Mabuti nga at hindi na isinama sina Tita Marga at Macy. Wala naman kasi silang kinalaman kay Lola Ponce. Only my father’s side, not my mom’s. 

“They serve mango pizza here. It’s the best. Masarap din ang heavy meals nila kung gusto niyo,” I said, smiling. 

“Talaga? Ikaw na lang ang mag-order para sa’tin,” si Lexter. 

“Okay lang?” 

“Oo. You know better here.” 

Ginantihan ko lang ng ngiti si Lexter. Tinawag ko ang waitress at nag-place ng orders. Narinig ko ang tikhim ni Lindsey bago binulungan ang kuya niya. But I still heard it because I’m too attentive. 

“Ibang-iba yung ngiti mo, Kuya. Siya ba yung crush mo?” 

“Shut up, Lin. Hindi ako mang-aagaw.” 

Napatingin ako sa kanila at nakita ko ang bahagyang pagsulyap ni Lexter kay Fizale. Nakangisi rin si Kuya Lammuel na nakatingin sa lalaki. While Fizale just looked at me with bored face. 

“Bakit? May boyfriend na ba?” bulong ulit ni Lindsey nang bumaling ulit ako sa waitress. 

“Siguro?” hindi siguradong sagot ni Lexter. 

Umalis na ang waitress dala ang notes niyang napuno na yata sa dami ng in-order ko. Napatikhim ulit si Lindsey. 

“Ate Eli, may itatanong sana ako.” 

I paid attention to Lindsey and smiled at her. Although, I already have a feeling about her question. 

“Lin,” pagtawag sa kaniya ni Lexter. 

“Hindi. Okay lang. Ano yun?” I smiled. 

“May boyfriend ka na ba, Ate?” diretsahan niyang tanong. 

“Wala—” 

“Meron,” biglang sabat ni Fizale. 

What the hell? I shifted my gaze to him. He’s now biting the straw of his water while staring at me. Napatawa bigla si Kuya Lammuel at napailing naman si Lexter habang ngumingiti. Pasimple akong napatingin sa table nina Mama. I just saw her with curious look but looked away again. May mahalaga sigurong pinag-uusapan. 

“Paano mo nalaman, Kuya Zohan?” si Lindsey na nalilito. 

“I personally know him,” agaran niyang sagot. 

I laughed awkwardly. Gustong-gusto ko talaga siyang sakalin. Ano na namang kalokohan ito? 

“No, Lindsey. They’re just joking. I don’t have a boyfriend. I don’t plan to have one. Mas mabuting mag-focus muna sa studies. Hindi ba’t mas magandang may career muna bago love life?” 

“Ganun ba yun, Ate? Ako kasi may boyfriend na. How come, wala kang boyfriend? Kahit ex?” 

Napailing ako sa tanong ni Lindsey. Gosh! This is so awkward and annoying. Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Lindsey. And she said she has a boyfriend! Hindi ba’t Grade 7 pa lang ang batang ‘to? Kung sabagay, mapusok na ang karamihan sa kabataan ngayon. 

But, I’m also on the peak of my youth! Pero hindi ako naging interesado sa pakikipagrelasyon. Though, I’m not that innocent. I know when someone’s making a move in me. Even flirting. Alam ko kung may nagpaparamdam. Pero itong si Fizale, I know he’s just making fun of me. He likes bugging the hell out of me. 

“Eh, crush? Do you have a crush, Ate?” excited na tanong ni Lindsey. 

I smiled again awkwardly. My standards are so high. I am not interested on any guy I met. I’m just so irritated with boys. Dahil na rin siguro sa pang-iimpluwensiya ni Mama ay naapektuhan na rin ang pananaw ko. 

“Meron.” 

Nahuli ko ang pagsulyap ni Kuya Lammuel kay Fizale. Lexter looks so amused. 

“Talaga?” si Lindsey. 

“Do we know him, Eli?” tanong ni Kuya Lammuel. 

“Uh…” I trailed off. Maghahanap ng isasagot. “He’s on another university, Kuya. Baka hindi niyo kilala. Tsaka, he’s just my crush. Wala akong balak mag-level up. I’m fine just by stalking him on social media.” 

“Really, Eli?” sarkastikong tanong ni Fizale. “From what university? Just drop his name? Or family name. Who knows? Maybe a family friend or kakilala namin.” 

I bit my lower lip to contain my anger. This guy really gets on my nerves. 

“No. I’m certain. Hindi niyo po kilala… Kuya.” 

Muntik na akong masuka nang sinabi ko ang “Kuya” na iyon. Suspicious naman kasi kung hindi. Kuya Lammuel is just a year older than him. 

Lexter just burst out laughing, as well as Kuya Lammuel who keeps on tapping Fizale’s shoulders. 

“Why? What’s happening? May na-miss ba ‘ko? I don’t get it, Kuya,” ani naman Lindsey na litong-lito sa mga pangyayari. 

“You won’t understand, Lin,” si Lexter, still having a big smile on his face while looking at me, then Fizale. 

“Are you having fun there?” tanong ni Tita Letizia mula sa kabilang table. 

“Yes, Mom. We’re just enjoying here. Right, Zohan, Eli?” natatawang sabi ni Lexter. 

Nakita ko naman ang makahulugang tingin ni Mama. I know, siguro’y iniisip na naman niya’y may ginagawa na naman akong milagro rito. She firmly said the last time not to get close with this guy. Pero, heto ngayon at may kaganapan. Hindi rin nakawala sa’kin ang pagtaas ng kilay ng senyora. 

“It’s fine,” sagot ni Fizale.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status