"Gusto sana kitang paliparin na walang pakpak, brother. Ngunit saka na lamang dahil wala ring mangyayari kung gagawin ko iyan ngayon. Go and gather your men again and prepare for search and rescue operations," pahayag ni Crystal Angela."Ikaw talaga, wifey loves. Naghihinagpis na nga si bayaw eh. Maari bang huwag mo nang dagdagan?" nakangiwing ani Hendrix dahil ang asawa niya ay wala na yatang pinapatawad."Tsk! Tsk! Kasalanan naman niya. Kung hindi ko pa siya sinapak ng dalawang beses at kinurot ay wala pa yatang balak magising sa pagkabaliw niya. At ngayon ay may paiyak-iyak pa siyang nalalaman. Ah, talagang kumukulo ang dugo ko katarantaduhan niya!" singhal nito sa kaniya.Kaya naman ang kanilang ama na kapwa nila nababahala ay biglang sumabad. Hindi lamang iyon, napatawa pa ito dahil na rin sa malditang may sungay na hindi pinatawad ang kapatid."Hindi na ako magtataka kung kagaya mo na namang may tupak ang butiki sa tiyan mo. Aba'y pasalamat ka na nga lang dahil mabait ang asawa
***"Ano'ng sinabi mo, Sir? Walang kayong naging pasahero na Isadora De Luna? How come? How it did happened?""Iyan po ang totoo, Mr De Luna. Kung nagdududa ka po ay maaari kang pumarito sa mismong estasyon at ipakita ko ang record ng mga pasahero kahapon o ang sakay nang lumubog na ferry boat sa kalagitnaan ng biyahe.""Pero paano nangyari iyon, Sir? Sigurado akong diyan sa estasyon ninyo siya sumakay. Dahil tumawag pa siya sa akin nang papunta na siya riyan."Hindi tuloy niya alam kung ano ang una niyang iisipin at gagawin sa oras na iyon. Sumabog na parang bomba ang balitang lumubog ang sinakyang pampasaherong ferry boat ng manugang niyang si Isadora. At ngayon naman ay iba ang sinasabi ng manager sa naturang estasyon. Hindi pa nga nagkakaayos ang mag-asawa ay isa na namang bagyo ang sumubok sa katatagan nila."Mr De Luna, nandiyan ka pa ba?" dinig niyang wika ng nasa kabilang linya."Yes, Sir. I'm still here." Tumango-tango siya na animo'y nakikita ang kausap."Okay, Sir De Luna.
***"Ang haba rin ng buhay nito. Huwag n'yong hayaang makapasok sa Port! Siya ang gagamitin kong hostage laban kay De Luna!""Masusunod, Boss.""Very good! Madali lang ang dapat n'yong gawin. Peak season ngayon kaya't maraming tao. Tutukan n'yo ng baril saka n'yo pasimpleng ilayo sa karamihan. Alam n'yo na ang kasunod.""Yes, Boss. Kami na ang bahala sa babaeng iyan. Malas lang niya at siya pa ang naging asawa ni Dr Luna.""Kayong tatlo, siguraduhin ninyong magwagi kayo ngayon. Huwag n'yong tularan ang lintik na taong iyon. Kung hindi pa tayo kumilos noong kasal sana nila ay baka hinayaan nitong natuloy ang church wedding. Hindi ako nagbibiro, pare-parehas kayo ng parusa kapag may lumalabag sa code natin. Let's meet each other in our hide out after you abduct her. Nauunawaan n'yo ba?" Sa pahayag at tanong na iyon ng Boss ay nagmistulang nasa training ground ang mga tauhan. Sabayan silang sumagot ng 'Yes Boss'. Wala namang may gustong mamatay dahil sa simpleng pagkakamali. Kaya't sina
"Makinig kang mabuti, De Luna! Hawak ko ang asawa mo kaya't kung ako sa iyo ay kalimutan mo ang iyong honorific pride!""Hayop ka, Vicente! Wala ka na talagang magawang matino sa buhay mo!""Sabihin mo na lahat ang gusto mo, De Luna. Dahil wala akong pakialam. At kung gusto mong makita pang muli ang asawa mo ay nasa iyo na iyan."Sa pag-uusap ng dalawang lalaki sa telepono ay dinig na dinig iyon ni Isadora. Dahil sinadya yata ng hayop na pinuntahan siya sa storage kung saan siya ikinulong pansamantala. Saka pa nito tinawagan ang asawa niya at nagdemand. Kailangan niyang balaan ang asawa dahil kung kakagat ito sa nais ng abductor niya ay mamatay lamang ito. Kaya't bago pa niya napigilan ang sarili ay sumigaw na siya lalo at dinig na dinig niya ang usapan ng mga ito."Asawa ko! Huwag kayong maniwala sa sinasabi ng taong iya dahil pinapakagat ka lamang upang mapatay ka! Narinig ko ang usapan nilang ako ang gawing pain upang maitumba ka. Huwag mo akong alalahanin, asawa ko. Please---"'Pl
"Ano'ng plano mo, bunso? Aba'y may mga edad na tayo kaya't huwag mong sabihing solohin mo na naman ang problem mo," ani Janelle sa bunsong kapatid."Hindi naman sa sa ganoon, Ate. Kumikilos na ang mga tauhan ng 4C. Both Manila, Baguio, at ilang galing sa Isabela," sansala ni Clyde."Iyan na nga, bunso. Tanging galing sa ahensiyang itinatag mo ang kumikilos. What if magsabi ka sa amin? Aba'y kahit ilang taon na akong wala sa serbisyo ngunit may kontak naman ako sa taga-Camp Villaflores sa Manila. Ganoon din dito sa Baguio, may Camp Villamor naman ah," pahayag naman ni Pierce Wesley sa bayaw."Sa ngayon ay wala pa akong masabi, Ate, Kuya. Dahil kilala n'yo rin naman ang pamangkin ninyo. Hindi iyon nagsasabi hanggat kaya niya. At isa pa ay nandoon sina Hendrix at Adolfo. May kaniya-kaniya silang bitbit na tauhan. Kaya't magtiwala muna tayo sa kanila," muli ay pahayag ni Clyde.SA tinurang iyon ng bunsong kapatid ay muling nagsalita si Janelle. Alam niyang kahit ano pa ang sabihin nilang
"Ibaba mo ang iyong baril kung gusto mo pa ang mabuhay!""Sa akala mo ba ay susuko ako ng ganoon na lamang, De Luna? Tsk! Tsk! Marahil nga ay nautakan mo ako ngayon pero hindi pa tayo tapos!""Iyan ang akala mo, Vicente. Dahil kailanman ay hindi mo ako matatalo. Mula noon hanggang ngayon ay wala kang binatbat sa akin. Sa simpleng estratehiya ay palpak ka na, paano na lang kaya ang pangkalahatan? Kaya't bago ko pa kalabitin ang gatilyo ng aking baril ay ibaba mo na iyang sa iyo at sumuko ka ng maayos."Kaso imbes na makinig ito ay mas pinili pa rin ang makipagsabayan. Kaya naman ay wala ng nagawa si Duncan kundi ang barilin ito kahit gusto sana niyang ipakulong ito upang mapagbayaran ang mga kasalanang nagawa. Lalong-lalo na ang aksidente noong araw ng kasal sana nila at naging sanhi nang pagkamatay ng kambal sa sinapupunan ng asawa niya. SUBALIT sa pagkaalala niya sa mahal niyang asawa ay para siyang nasilihan sa paa. Dali-dali siyang kumilos upang hanapin sana ito kaso ang isa naman
***"Tama ang desisyon n'yong iyan mga anak. Total kasal na kayo at basbas na lamang ang inyong kailangan," masayang saad ni Clyde nang ipinahayag nina Duncan at Isadora ang planong kasal sa simbahan. Ngunit sila-sila na lamang. Simple at sagrado ang isasagawang kasal."Opo, Daddy. Dahil ayaw ko nang muling maulit ang nakaraan. Ang mahalaga ay makamit namin ang matagal na naming minimithing church wedding." Nakangiting pagsang-ayon ng una."At ako na ang nagsasabing lawakan mo ang pang-unawa mo, brother. Aba'y oras na uulitin ang ginawa mo noong isang taon ay ikaw na talaga ang gawin kong aerial bomb ng American Airlines." Nakangisi pang biro ni Crystal Angela habang kalong-kalong ang sanggol."Tsk! Tsk! Kung hindi ka lang bagong panganak ay iisipin kong buntis ka na naman. Aba'y ako na naman ang nakikita mo eh.". Nakangiwing angal ni Duncan dahil sa lantarang pangangantiyaw ng bunsong kapatid.Kaso ang asawa naman niya ang sumalo sa kaniya."Hipag, huwag kang mag-alala dahil hindi ko
WHAT inspires you to live your life to the fullest? There are a lot of things that can provide inspiration, seeing other people accomplish great things, seeing other people overcome adversity like Isadora. Even the beauty of nature can remind us just how lucky we are to be alive like Duncan and Isadora. How lucky they are to have a family which they belongs and now that he and his wife has the blessings from the Holy Church.As the other newlyweds were, Duncan and Isadora has a honeymoon too. Pero hindi sila lumabas ng bansa. Dahil ang rason nila ay parehas lamang. Ayon din sa kanilang mag-asawa ay gagamitin na lamang nila sa ibang bagay ang perang gagastusin nila sa outside the country travel."Honey, huwag na tayong mag-out of the country. Magagawa naman natin iyan sa ibang araw. What if doon tayo sa Ilocos Sur? Wala namang nakatira sa bahay doon. Maganda nga roon dahil bukod sa libre dahil pag-aari nila lolo Rey eh fresh air pa at saka malapit pa sa dagat. Puwede tayong maligo anum