Share

CHAPTER THIRTY-FOUR

Couple of months later,

But life is not easy. It will not go as we always wished. No matter how hard we will push through if it's not mean to be, it will be futile at the end.

Kagaya nina Isadora at Duncan. Ang kasal sa simbahan na pinakahihintay nila ay nauwi sa hospital. Dahil sa araw mismo ng kasal sa simbahan ay nangyari ang isang malagim na aksidente.

SA simbahan, nagsimula nang magbulong-bulungan ang mga taong dumalo sa seremonyas. Kabado na ang bawat isa lalong-lalo na ang pamilya ng magkabilang panig.

"Kambal, ano'ng nangyayari? Aba'y ilang minuto na lamang ay magsimula na ang seremonya ngunit wala pa rin ang bridal car." Lumapit si Claudette sa kambal na nasa ibabang bahagi ng altar.

"H-hindi ko alam, kambal. Dapat nga ay nandito na iyon. I have this strange feeling right now," hindi mapakaling tugon ng groom na si Duncan.

"Be positive, Bro. Huwag kang panghinaan ng loob. Baka natrapik lang sila." Pampalubag-loob pa ni Adolfo sa bayaw kahit nakaalalay siya sa asawang buntis.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status